Mahigit isang taon na pala ang lumipas nang huli akong makapagbilang ng siyamnapu’t dalawang eroplano at labing tatlong mga helicopters sa himpapawid sa loob ng isang araw. Sinunod ko lang naman yung payo ni Ms. Christian Living Education teacher noong highschool na binansagan nilang female Jesus dahil hawig sila ni Hesus ng buhok at features- “an idle mind is the devil’s playground!”
Nakakapagod mag-impake. Pero bagama’t mas marami kaming mga gamit ngayon na inimpake at binitbit, parang mas napagod ako mag-impake noong naglipat kami ng apartment halos isnag taon na ang nakakaraan. Siguro dahil labag sa loob kong lumipat noon. Siguro dahil mas mahal yung renta ng lilipatan namin (700 lang noon tapos sa lilipatan eh 850 na kada buwan). Siguro dahil panibagong mga pagsubok na naman at kailangan na namang mag-adjust at kumawala sa nakasanayan ko nang comfort zones.
Hinampas niya ng hinampas ng binabasa niyang libro yung hita ko. Gumising daw ako. Andami ko daw potensiyal. Mag-aral daw ako. Wag daw puro trabaho para sa pamilya. Gumawa naman daw ako ng mga bagay para sa saril ko. Ano daw mangyayari kapag matanda na ako at pagod na at wala nang lakas para gawin ang mga bagay para sa akin? Sayang daw. Sayang (with matching pailing-iling pa ng ulo si ate).
Parang nile-lecturan na naman niya ako gaya nung pangungumbinsii niya sa akin noon na sumali sa pyramiding nila. Matagal na din pala yun. Tumaba daw siya kakamaneho ng kotse. Kaya daw ngayn, nagba-bus na siya ulit para daw may exercise. Kaya heto, muling nagkrus ang aming mga landas sa bus stop kung saan kami unang nagkita. Continue reading ‘Lady S we meet again’
Nakakatawa mga tao dito. Ambilis mataranta at magreklamo kapag medyo kumapal lang ng onti yung tao. Kumusta naman kasi late yung tren sa subway kaya naipon nang naipon yung mga tao.Ayun. Yung mga di pa ata nakakaranas ng Mrt sa EDSA eh panic galore. Akala mo naman ikukulong kami lahat sa ilalim ng lupa tapos lulunurin ng tubig na may kuryente o kaya iso-suffocate kami ng hangin na may lason o kaya nakakapagmutate ng katauhan. Haha.Nakakaloko. Ansakit ng ngipin kong ginambala ng nag-tresspass na piraso ng baka na ulam ko kaninang tanghali.Madaling indahin yung kirot,oo. Pero yung pakiramdam eh para kang nagsuot ng underwear na yari s kulambo tapos puno ng mga pulang langgam. Andaming tao ngayon.Lunes na lunes eh.Tsktsk.
Naninibago. Nag-aadjust pa din ang mata sa madilim na kapaligiran. Eto na ba yun? Amerika na ‘to? Bakit andilim? Tinetext ko ng tinetext ang kaibigan kong si Nene sa Pinas. “D2 na kmi. Ampangit d2.” Ampanget naman kasi talaga ng unang impression ko. Yung airport na binabaan naming eh mas maganda pa yung sa NAIA. Then, puro mababa ang mga buildings. Mga tindahan halos puro isang palapag lang. Mayaman talaga ang Amerika. Madami pa silang lupa at mga bakanteng lupa na pwedeng pagtayuan ng mga kabahayan. Di gaya sa Pinas at sa mga karatig bansa nito sa Asya na pataasan ng palapag ang labanan ng mga gusali para magamit ng husto ang mga kakapirangggot na lupang natitira para magtamnan ng mga ari-arian.
Gaya ng inaasahan ko, puro mga paying Amerika ang una naming natamo mula sa mga malalayong kamag-anak na sumundo sa amin sa airport. Alam mo yun, yung tipo ng pag-uusap na mararamdaman mong sila yung tama at may authority kasi sila yung mas nauna at mas matagal na ditto sa Amerika. Tapos siyempre, todo benta sila sa bansang ito. Todo kwento ng mga matatanggap na benefits, ng mga maaring marating lalo na ng isang college graduate daw na tulad ko, kung papaano daw kami makakakuha ng trabaho, etcetera etcetera. Maswerte daw kami kasi buong pamilya (well, halos. Si inay ay nasa gitnang silangan pa din nagtatrabaho) eh nakatuntong na ng Amerika. Muli nilang inulit sa amin kung gaano daw kadaming mga tao ang naghahangad na makarating sa bansang ito, mga tipong nagsasangla pa ng mag ari-arian para lang maaprubahan ng consul ang visa, pero hindi nagtatagumpay. Napakaswerte daw naming, Kasi sila, may naiwan pa daw silang anak sa Pinas. Mabilis akong inaantok, Medyo hilo pa din ako di dahil sa byahe, kundi sa sitwasyon at sa katotohanan na kami ay nasa ibang bansa na, may tig-iisang maleta, at may baon na pag-asa para sa mas ayos at maliwanag na kinabukasan. Continue reading ‘Unang isang oras sa Estados Unidos’
Bata pa lang ako may pakiramdam na ako na special ako. Yun bang tipong alam kong may misyon ako sa mundo at di ako magiging isang basta bastang nilalang.
Sabi ko sa sairli ko, kahit na ayaw akong pag-auditionin ng nanay ko sa 5 and Up, kahit ayaw niya akong pasalihin sa mga piano at violin lessons para maging talentadong bata ako katulad ng mga promil kids sa patalastas, mamamayagpag ako at makakaroon din ng awards at hindi magiging basta bastang uhuging bata lang sa kalye.
Tanda ko pa, Best in Memory Verse yung kauna-unahang ribbon at award na natanggap ko noong bata ako. Salamat sa Afternoon Bible study Catechism group namin noon. Nakisali ako sa mga batang nagbabasa ng Bibliya sa ilalim ng puno habang nakaupo sa kahoy na upuan sa may putikan sa isang kanto sa lugar na tinitirahan namin noon sa may Fairview. Nakatulong ng malaki yung pagbabasa namin ng Bibliya sa paghahasa ng aking kakayahan sa pagbabasa. Continue reading ‘To be Samjuan, not just any Juan’
Nabulabog ang papahimbing ko nang tulog kagabi dahil sa tawag ng Tito ko mula sa Pinas. Isang malakas na “ANO?” ang gumising sa akin mula sa tatay ko. Aba siyempre napa-:ANO?” din ako sa isip ko. Base sa naulinigan ko at sa mga sumunod na kwento ni itay, naggantso daw sina Tito at Lola sa Pinas. May nagtext daw sa kainla na may bagong roaming number na ang tatay ko at paulit-ulit daw nagpa-load ng 500. Naka tatlong libo daw silang load sa hinayufak na mapagpanggap na texter. Hirap nga naman ng buhay sa Pinas oh.
May nabasa ako dati na effective daw ang pakikinig ng classical music sa pagdedevelop ng utak ng mga bata. Dahil siguro sa nakaka-relax na epekto nito at sa mga imaheng posibleng binubuo ng musika, mas napapabilis ang paghasa at paglago ng kaisipan ng mga bata.
Nitong nakaraan, nawiwili din ako sa pakikinig sa mga classical pieces nina beethoven, chopin, debussy, vivaldi at von suppe. Pakiramdam ko umeepekto pa din naman siya sa akin. Alam kong developing pa din naman ang utak ko. Isa pa, madalas isip bata pa din ako kaya tiyak may impact pa din ang classical music sa akin. Masarap kaya. Tamang nakaka-relax na trip sa byahe sa tren ilalim ng lupa at sa bus araw-araw. Continue reading ‘leichte kavallerie’
Nakakapagod din pala yung palaging ikaw na lang ng ikaw ng ikaw ang inaasahan ano? Minsan naiisip ko, bakit kaya sa buhay kong ito, eh wala man lang akong taong kapamilya na sobrang a-idolin ko? Alam mo yun, yung tipong may mga taong magtuturo sa iyo o gagabay sa iyo para gawin ang isang bagay. Hindi na lang puro ikaw ang kailangang magtuklas sa sarili mo. Hindi nalang puro ikaw ang kailangang gumawa ng paraan para sa kanila. At dahil ikaw ang nakapag-aral at mas may alam, wala kang magagawa kundi sundin sila at gawin ang mga utos, mga pakisuyo at mga pagpapaturo nila ng madaming mga bagay-bagay.
Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.
Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.
Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap! Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.
Bata pa lang ako, batas na sa pamilya ang kumain ng sabay-sabay sa hapag. Walang antok antok. Hindi isyu kung busog ka pa o masakit ang tiyan, najejebs o nasusuka. Basta ang utos ng hari, kapag oras na ng kainan, dapat kang kumain sa ayaw at sa gusto mo.
“Igalang mo ang pagkain.” Bukambibig ni Itay sa akin noong maliit pa ako.
Siyempre hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ipinapaliwanag na ang bawat butil ng bigas na sinasayang ko ay katumbas ng pawis ng mga magsasakang nagpakahirap para may makain kami. Hindi din siya nagkulang sa pagpapaalala kung gaano kami kasuwerte at may kinakain kami kumpara sa napakaraming mga batang walang makain sa lansangan. Continue reading ‘Pagkain sa tamang oras’
May nakapagsabi sa akin na sadyang masarap daw at nakakatulong sa pagjebs ang yosi. Tamang shit releaser ba. Di ako nagyoyosi pero parang natutukso akong subukan ito lalo na ngayong parang nagsisitigasan ang mga shits na dumadating sa buhay.
Pero siyempre napaisip ako. Cool pa ba magyosi sa panahong ito? Naalala ko naman ang mahina kong baga. Never naman ako nagka-hika pero alam ko noong bata ako halos di ako makahinga. May tb ata ako noon.
Sa kabilang banda, kung noong mga 50’s or 60’s siguro ako nabuhay at nauso angyosi, eh baka mapa-yosi din ako. Ang cool lang kasi sa mag larawan ng yosi o pag nagyoyosi ka.
Yung mga mahihiilg sa sining at mga pala-sining na kilala ko (patay at buhay) eh pala-yosi. Di ko sinasabing may kunek yun sa mga obra nila at disposisyon sa buhay ah. Baka lang nakakatulong din ang yosi para mapabilis ang pag-aalis ng shits sa buhay nila?
Well, kakaisip ko, naisip kong hindi na din ok ang mag-yosi these days. Bakit kamo? Continue reading ‘Yosi Break’
Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.
Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko. Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.
Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko). Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas. Continue reading ‘Back to square Juan’
Kumusta mga kabayan? Namiss ko kayo. Kumusta naman at ngayon lang ako ulit nakapagblog mula noon. Sobrnag busy sa trabaho. May pasok nga ako hanggang December 31 san ka pa? Di naman kasi uso ang holiday holiday dito sa Tate. Andmaing mga nangyari sa buhay, medyo na-lost ako magkwento.
Di ko tuloy alam kung papaano magsisimula. Well, siguro ang the best eh magsimula mula sa simula ano? Sige para mas maayos hehe. Magba-blog na ako ng mas matino. Harinawa. Nakakuha ako ng telepono na may camera so baka mas mapadalas ang pagpopost ko ng mga larawan dito.
Bago sumapit ang bagong taon, well, actually hanggang sumapit na ang bagong taon sa oras namin dito sa amerika, ang una kong ginawa ay tumawag ng tumawag sa taong gusto kong makausap o makasama ng buong taon. KAso palyado ata ang mga networks. Di nasagot ang tawag ko. Ang mga text messages ko palyado lahat. Late na ata nung nasend ang mag mensahe ko pero at least na-send pa din naman.
Di naman ako naniniwala na kung ano ang unang sinapit mo sa bisperas ng taon eh yun ang mangyayari sa iyo sa loob ng 365 days. Di din. Nasa iyo at sa kung papaano mo isasabuhay ang iyong buhay nakasalalay ang kapalaran mo. Ewan ko, pero may maganda akong vibes sa taon na ito. Madaming pagsubok na kailangang harapin, oo. Pero basta kasama mo ang mga taong mahal mo at handang tumulong sa iyo, walang hindi kakayanin!
Mabuhay ka kabayan!
Noon sabi ko sa dati kong girlfriend,
“Gibain mo ang ginawa mong mundong ‘ako’, mas malawak ang tunay na mundo at doon, madami pang ibang taong involved hindi lang tayong dalawa. Yun ang reyalidad na kelangan mong harapin. Hindi lang sa atin umiikot ang mundo.”
Ngayon, nasabi mo sa akin na andami kong iniisip palagi. Anggulo ngutak ko at kung ano ano ang iniisip o naiisip.
Pero wag ka, kanina ko lang naisip kung ano nga ba yung palagi kong iniisip, naiisip at iisipin pa sa hinaharap. Parang “eureka!” moment lang habang naglalakad ako paakyat mula sa bodega papunta sa opisina kasi nga di ko maiwasang hindi isipin sa bawat segundo, sa bawat minute, sa bawat oras yung palagi kong naiisip- ikaw.
Kagabi lumapang kaming mag-anak ng ulo ng salmon. Mmmalaman. Masarap sumipsip ng utak ng isda lalo na pag may kasamang sabaw ng sinigang. Naisip ko lang, ano kaya ang naiisip ng ulo ng salmon kapag kinakain mo yung utak nila. Magulo din kaya ang utak ng mga isda gaya ko?
***
Yung mga mini mutant ipis sa amin ay nagsilakihan na. There are ipis everywhere. Near, far, wherever you are andaming lintek na mga ipis. Shet lang. Kahit anong linis mo kada oras kung yung kapitbahay mo naman madumi din, boo. Lalamunin kami ng ipis empire anytime soon. Sabi ko nga sa tatay at kapatid ko, masasanay din kayo diyan.
Kaninang umaga sa bus, naudlot ang pagpipilit kong itulog ang mga kung ano-anong anik anik sa isipan ko ng marinig ko ang malakas na boses ng lalakeng kabayannatin na nakaupo sa may bandang likuran ko.
Meron siyang kausap sa telepono.
Lalake sa telepono: (humihingal) kung alam mo lang… sana diba makita mo naman minsan yung lengths na ginagawa ko at gagawin para sa iyo. (pause) di ako nanunmbat ah. Gusto ko lang malaman mo just in case di ka aware. Di ako nanunumbat kasi di ko naman sinasabing gawin mo din yung mga yun sa akin. Ayokong mag-expect ng anuman, kaya wag mong isiping nanunumbat ako ok? Sana lang minsan eh masubukan mo maging ako. Try mo lang. (pause) Tawagan mo na lang ako paggising mo. (pause) Mahal na mahal kita.
At siyempre di ko naman napigilang making diba? Sori na daw. Naka-voicemail pala yung kausap niya. Inlab lang si kuya. Pumikit na lang ako ulit at napangiti.
Tao1: Alam mo sa tuwing gigisng ako ikaw nag naiisip ko. Kapag nasa school ako ikaw nag iniisip ko. Pag matutulog ako, ikaw nag naiisip ko.
Tao2: (Tahimik lang)
Tao1: Tapos, sa tuwing gigising ako, ikaw ulit magigising ko. Alam mo bang ikaw lang ang naiisip ko maghapon?
Tao2: (Tahimik lang ulit)
Tao1: Pero alam mo…
Tao2: (Napa-now what? wtf are you gonna say next? Na mukha)
Tao2: DI na kita naiisip. Paggising ko, wala na. Pag matutulog ako, wala na. Wala na akong pakiramdam.
(Kuliglig)
Mga kabayan sa New York, Miss na miss mo na ang lutong Pinoy? Aba may astig palang kainan diyan eh. Ang pangalan ay Umi Nom at Kuma Inn.
Astig lang. Nabasa ko dito sa New York Times yung article tungkol sa kainan. Mukhang astig eh.
Eto ang kanilang address:
433 DeKalb Avenue (Classon Avenue), Bedford-Stuyvesant, Brooklyn; (718) 789-8806,
Eto ang kanilang website http://uminom.com/

SamComments