english is power

Kagabi nagkausap kami ng kaibigan kong nagtatrabaho sa Singapore. Halos naka isang taon na siyang nagtatrabaho doon pero manghang-mangha pa din siya sa sarili niya dahil mas matino daw siyang magsalita ng ingles kesa sa boyfriend niyang Malaysian.

“Nakakaloko lang. Sa Pilipinas, kapag marunong kang mag-English magaling ka na at matalino, dito wala. Olats sila sa English.”

Kelan pa ba naging batayan ng galing at talino ang kakayahang makapagsalita ng Ingles?
Isa marahil sa pinaka-matalinong nagawa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas ay ang pagtuturo ng kanilang wika at salita sa mga Pilipino. Dahil doon ay mabisa nilang naipalaganap ang kanilang kultura sa kaisipan at kamalayan ng mga taong kanilang sinasakop.

Ang hirap kasi sa mga PInoy, masyado tayong nagpasakop sa mga kano. Madami sa mga Pinoy, basta nakakapagsalita ng Inggles na may “twang” o American accent ay masyadong mapagmataas kung umasta. Madalas nagagamit ang pagsasalita nila ng Inggles para ipamukha sa komunidad ang estado nila sa lipunan. Madalas din, nagagamit ang pagsasalita nila ng Inggles sa pangmamaliit ng kapwa.

Hindi naman ibig sabihin na dahil mataas ang grade mo sa English at Literature mula elementary hanggang college ay magaling at matalino ka na. Hindi dahil naguguluhan ka sa Inggles ay mahina na ang ulo mo. Isa lamang sa mga maling kamalayang naitanim sa’tin ng mga Amerikano ang kaisipang mahina ang ulo mo kapag hindi ka nakakainitndi o nakakapgsalita ng Inggles.

Bakit ba naman kasi ang lakas ng tama ng mga Pinoy sa Inggles? Sa ibang mga bansa nga wapakels sila sa pagsasalita ng Inggles eh. Basta ang mahalaga, nagkakaintindihan sila sa sarili njilang wika at napapaunlad nila ang sarili nilang pamahalaan gamit ang kanilang salita.

Tignan mo na lang sa senado at sa kongreso sa Pilipinas, kaya magulo pa bulbol ang pamahalaan ay dahil madami ang Inggles nang Inggles nang hindi naman naiintindihan ng iba. Madami sa mga mambabatas at mga miyembro ng pamahalaan ng bansa ang hidni magkaintindihan dahil sa mali-mali, sabog-sabog at magulong pagsasalita nila ng Inggles.

Pansinin mona lang sa TV kapag may iniinterbyung pulis, gobernador, mayor, konsehal, sundalo o sino pa mang miyembro ng pamahalaan, madalas ay nagsasalita sila ng Inggles kahit halata naman sa pautal-utal nilang pananalita at sa mga naghe-hello na ugat nila sa leeg na nahihirapan sila sa pagsasalita ng Inggles. Bakit ba kasi hindi na lang diretsuhin diba? Pwede namanag magsalita ng Pilipino kung gugustuhin para mas magkaintindihan. Hindi naman lumilinis ang pangalan nila sa TV o ni hindi rin naman sila nagmumukhang mas matalino kapag nag-iinggles sila. Mas lalo pa nga silang nagmumukhang mga gago na nagpupumilit na gumamit ng wikang hindi naman nila gamay para magmukha silang mas makapangyarihan.

Isa sa mga napansin kong madalas na nangyayari kapag may kaharap na dayuhan (lalo na pag kano) ang mga PInoy ay pilit tayong nag a-adjust para sa kanila. Kahit magkabalu-baluktot na ang dila natin kahahanap ng tamang mga salita para lang masagot mo ang dayuhan at di siya mahirapan, sige lang.

Ewan ko ba. Minsan gusto ko nang sapukin ‘tong amok o ditto dahil sa panmunuya niya sa’kin sa paraan ng pagsasalita ko ng Inggles. Hindi naman ako gano’n ka-barok magsalita. May alam ako sa grammar at mataas naman ang mga grades ko mula elementary hanggang college sa mga English subjects ko. Sadyang nakakatigas lang ng dila kapag puro mga ishlang na ang mga kausap mo. Medyo mapapaurong ng kaunti ang dila mo kapag daldal na sila ng daldal. Minsan gusto mo na lang silang murahin ng bigla sabay tawa para makabawi ka eh.

Bakit kaya karamihan sa mga bansa sa Asya na hindi matatas sa pagsasalita ng Inggles ang may mas matagumpay at maunlad na ekonomiya at pamahalaan? Bakit kaya sa Singapore, sa Japan, sa Malaysia at sa Vietnam na wapakels sa Inggles, tila mas may control ang gobyerno sa mga nasasakupan nito?

Oo, marahil isa sa mga itinuturing na plus factor sa ating mga PInoy ang kakayahan nating makapagsalita ng Inggles (dahil natutuwa ang mga dayuhan sa’tin dahil hindi sila nahihirapan, dahil nakakapagtrabaho tayo sa mga call centers, dahil nabibigyan tayo nito ng pakiramdam na magaling tayo) pero kung tutuusin, isa din ito sa marahil sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din maka-ahon sa mala-kolonyal na pag-iisip at kamalayan ang kultura nating mga Pilipino. Hanggang kelan kaya tayo magpapatali sa sistemang ganito?

0 Response to “english is power”


  • No Comments

Leave a Reply