chopper

Nang mag freak out si Head Nurse X nang lamunin ng buo ng isang unknown African creature (di sigurado kung leon ba o tigre o hippo) ang kasamahan niyang piloto, walang agam-agam silang sinaklolohan ng chopper ng pinaka-malapit na US-Embassy at inilikas on the spot.
“Yun ang isa sa mga benefits ng mga American citizens. Kahit asa’n mang sulok silang daigdig at may aberya, marerescue sila ng gobyerno nila nang agaran.” Kwento ng tita kong matagal nang naninirahan dito sa Amerika. Kaibigan niya yung na-shock na si Head Nurse X na may pasaway na kaibigan na bumaba ng portektrado nilang sasakyan para makakuha ng litrato ng hayop sa African Safari.
Kahit na masyadong kapitalista ang bansang ito, sulit na sulit naman sa benepisyo ang mga residente at legal na citizens dito. Wala akong masabi. Rescue agad. Kaya naman ganun na lang kung ibenta sa’kin ng mga pinoy (na nakaranas na ng benepisyo ng amerika) ang bansang ito. Ewan ko. Hindi pa din ako ganoon katiwala sa Amerika, pero sa benepisyo at serbisyo nila sa mga tao nila, panalo sila.
Well, sana balang araw maging ganun din ang PInas. Na simpleng tawag ng kababayan, sasaklolo agad ang gobyerno o kababayan sa’yo.

0 comments
Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment