Di ka ba nagtataka kung bakit walang mayaw ang awayan ng mga pulitiko sa Pinas? Continue reading ”
Monthly Archive for March, 2008
Kaka-iyak ng kasama kong pinoy dito sa opisina.
Halos katatanggap lang niya ng text mula sa Pilipinas na nagsasabing binaril at hinold-up ang pamangkin niya na may isangn buwang taong gulang na anak.
Katatapos lang magparty nung mga sirena (yung wang wang ng mga pulis)ng mga pulis. Masyado kasing mapagpanggap tong lugar na ito. Bibigyan ka ng impression na safe ka, pero hindi naman. Araw-araw may mababalitaan ka na lang sa tv na kinidnap na bata, ni-rape o kaya pinatay at sinaksak sa trunk ng sarili nilang kotse. Kung magaling anghuli ang mga pulis at iba pang alagad at institusyon ng batas dito, aba’y magagaling din di hamak ang mga kriminal.
Sa dinami-dami ng lahing nandito, hindi mo alam kung sino ang dayuhan o hindi. Ganito ata talaga sa California. Halo-halo. Kaya mas nakakatakot, mas delikado. Sa mga nababasa ko tungkol dito, minsan pa nga daw gago din yung mga pulis dito. Pag trip kang hulihin, huhulihin ka. Kumusta yun diba?
Nang kalbuhin ko yung ulo ko kahapon, nadiskubre kong lumaki na pala yung nunal ko sa ulo. Sa biglang tingin,aakalain mong may malaking pasas na tumubo sa ulo ko. Sunod na lumitaw pagkatapos ng pasas ay yung mga maliliit na pulang isla sa anit. Hindi ko alam na may mga nabubuo na palang pamayanan sa bumbunan ko. Buti na lang sinunod ko yung utak ko. Sabi niya, gusto daw niyang makahinga ng mas maluwag.
1:07 am, biyernes santo na sa amerika. Ilang minuto matapos kong manood ng my blueberry nights ni wong kar wai, eto ako, nag-iinternet, sinusubukang labanan yung mga bagay na tumatakbo sa utak ko.
Walang masyadong online na mga kaibigan ko sa pilipinas. Wala sa internet yung mga taong gusto kong makausap. Malungkot pala ang mahal na araw dito. Dahil walang pasok sa Pinas, at wala sa opisina ang mga kaibigan kong madalas ay nagcha-chat sa opisina, hanggang pagba-blog na lang muna ako. Surf-surf ng onti sa internet, hanggang malimutan kunwari na nalulungkot na pala ako. Continue reading ‘fri’
Matagal din akong hindi nakasulat dito sa blog na ito dahil
Una, natakot ako.
Pangalawa, tinamad ako.
At pangatlo, andmi kong gustong sabihin pero hindi ko lama kung papaano magsisimula. Continue reading ‘pangako’

SamComments