mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

fri

1:07 am, biyernes santo na sa amerika. Ilang minuto matapos kong manood ng my blueberry nights ni wong kar wai, eto ako, nag-iinternet,  sinusubukang labanan yung mga bagay na tumatakbo sa utak ko.

Walang masyadong online na mga kaibigan ko sa pilipinas. Wala sa internet yung mga taong gusto kong makausap. Malungkot pala ang mahal na araw dito. Dahil walang pasok sa Pinas, at wala sa opisina ang mga kaibigan kong madalas ay nagcha-chat sa opisina, hanggang pagba-blog na lang muna ako. Surf-surf ng onti sa internet, hanggang malimutan kunwari na nalulungkot na pala ako.

Nakakalungkot kasi sa internet pa’ko naghahanap ng makakausap. Di din naman kasi ako makabili agad ng phonecards. Yung 5 dollars mo eh 30 minutes lang na pag-uusap.1:28 na. andami kong alibis bago ko ito maisulat. May isusulat pa’ko para sa magazine sa pinas na di ko magawa kasi ang tamad ko.

Biyernes na dito. Walang mga santo. Di uso sa mga amo ko yung mahal na araw. Tuloy ang trabaho.

0 comments

1 aaronjames { 03.30.08 at 2:28 pm }

malapit na rin ba mangyari sa akin yan? haaay. kelangan ihanda ko na siguro ang sarili ko. marami akong pangarap. para mapabilis ang pag-abot, kelangan may isakripisyo minsan.

[Reply]

Leave a Comment