mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

pangako

Matagal din akong hindi nakasulat dito sa blog na ito dahil

 

Una, natakot ako.

Pangalawa, tinamad ako.

At pangatlo, andmi kong gustong sabihin pero hindi ko lama kung papaano magsisimula.

 

Natakot ako na baka hindi ko ito ma-maintain. Natakot ako na baka wala namanag magbasa. Natakot ako na bakakung anong magyari sa’kin dito sa Amerika at hindi ko na matuloy ang pagkukwento ng mga nangyayari sa’kin dito.

 

Siguro totoo na nakakatamad kapag malamig. TInatamad kang bumangon, tinatamad kang kumulos, tinatamad kang mag-isip. Di lang pala kulangot at at sipon ang naninigas dito sa lamig. Minsan, pati isip at damdamin tinatamad na din. Yown! Emo! Haha, Hindi, seryoso ako. Malamig pa din naman ngayon dito pero di na kasing lamig noong winter. Spring na, mainit ang araw pero malamig ang hangin. Siguro kahit papaano nakatulon yung parang nangungunsensiyang pagkurot ng araw sa mukh a ko tuwing umaga para makapag-blog ako ulit.

 

Marahil isa na talaga sa pinakamahirap gawin sa buhay eh ang magsimula. Ang simulan ang umaga at bumangon, madalas kinatatamaran natin, ang pagsisimula ng pagsusulat, ang pinakamatagal na proseso para sa’kin, ang pagsisimula ng kapayapaan (naks lumalalim na kunwari), ang pagsisimula ng pagmamahalan, basta kahit anong simula, parang ang hirap-hirap. Paano ba naman kasi, sa sobrang dami ng gusto mong gawin, sabihin at ibuga sa simula, may nagsasabi sa iyo na dapat simula pa lang, perpekto na. dapat, sa simula pa lang, may dating na. dapat, sa simula pa lang, may ibubuga na. Yun ang hirap dun eh, sa kagutuhan nating maging perpekto ang simula, lalo tayong nasisira. Lalo tayong nagkakagulo. Ewan ko ba. Pero kung hindi ka kikilos at gagwa ng kahit anong simula, tulad nito, pakiramdam ko walang saysay yung sinusulat ko ngayon, pero ano! Eto ang laman ng isip ko. Eto ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Sa mga kaibigan ko na nagbabasa nito ngayon, patawad kung hindi ako nakapagsulat dito ng matagal. Hayaan niyo, di magtatagal ay magkukwento na si Sam.

 

Pangako.

0 comments

There are no comments yet...

Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment