mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

sumalangit

Kaka-iyak ng kasama kong pinoy dito sa opisina.

Halos katatanggap lang niya ng text mula sa Pilipinas na nagsasabing binaril at hinold-up ang pamangkin niya na may isangn buwang taong gulang na anak.

Kagabi, habang naghahapunan kami ng pancit sa bahay ng mga tito’t tita ko, napag-usapan naming kung gaano kadelikado sa PInas. Naungkat ang mag kwento ng mga panghoholdap, mga pagnanakaw, at mga patayan. Madugo sa pandinig yung mga kwento. Nakakatakot habang lumalalim ang kwentuhan. Nakakapanghina, lalo na kung iisipin mo kung saan ba talaga nag-uugat yung mga kahayupang ginagawa ng mga Pilipinon sa kapwa nila Pilipino.

Dito, delikado din. Marahil mas delikado, pero medaling maagapan, masagip at mailigtas ang mga nabiktima o mabibiktima. Nagtutulungan ang mga institusyon at mga tao sa lipunan para i-report ang anumang krimen o kahina-hinalang gawain. Noon pa man, epektibo ang 911 dito.

Sa Pinas, magdadalawang isip kang humingi ng saklolo sa mga Pulis. Di mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Hindi mo alam ung sino ang may kuneksiyon sa kung sinong hudas na criminal. Hindi mo alam kung sino ang taong talagang tutulong sa’yo.

Dito, kahit papaano, kapag may gumago sa’yo may maasahan kang tulong.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ng lahat ng napaslang ng mga walang kaluluwang nilalang.

0 comments

1 Tracy { 03.27.08 at 3:54 am }

omg.

[Reply]

2 mindlessexpletive { 04.09.08 at 11:41 am }

kaya nga nauso sa Pinoy movies yung mga palaging huli ang mga Pulis sa scene of the crime.
And mind you, the “scene of the crime” is always, always cleaned up first by our police or the SOCO, so that the media will be having a hard time unveiling the truth.

So much for our jingle “Pulis! Pulis! Titing matulis!”

[Reply]

Leave a Comment