Hindi pa summer dito pero summer na din naman sa ibang parte ng mundo kaya pwede na ‘to.
Isa pa, nakikisabay na summer ang init ng panahon dito ngayon sa init sa Pinas.
kaya heto ang isang joke na natanggap ko sa text kanina lang:
Hindi pa summer dito pero summer na din naman sa ibang parte ng mundo kaya pwede na ‘to.
Isa pa, nakikisabay na summer ang init ng panahon dito ngayon sa init sa Pinas.
kaya heto ang isang joke na natanggap ko sa text kanina lang:
Gustuhin ko mang makatulog ng matino sa tren kanina, hindi ko magawa dahil sa nagsisisigaw na lalaki sa background. Para di ko siya marinig , nilakasan ko yung volume ng mp3 player ko. Pero wag ka, iba talaga yung kapangyarihan ni kuya, anlakas ng boses niya natatabunan yung tugtog sa tenga ko.
Nuung una parang mga walang kwentang sigaw lang yung naririnig ko. Ayoko naman siyang lingunin sa likod kasi baka batuhin ako o kaya ako naman ang pag-tripan niya. Kaya ang kunwari nakapikit na lang ako pero hindi naman talaga. Dahil may pagka-singkit ng onti ang aking mga mata, pwede akong mgapanggap na tulog kahit na hindi naman.
Nasulyapan ko yung mga parang naiiritang mga mukha ng mga babae sa tren. Narinig ko yung mga bulung-bulungan, mga pagkaasar, mga pandidiri, mga ganun. Continue reading ‘god-given’
Nakabili ako ng madaming t-shirts kahapon. Masaya ako kasi nakuha ko sila sa murang-murang halaga. 4$-8$ lang ang isa. Mabuti na lang at may mga mqgagandang damit na nagkasya sa’kin mula sa kids section nung department store. Biruin mo, kung sa pang mga men’s ako bibili, eh nasa 15$ pataas ang presyo n mga damit. Super laki pa sa akin kasi naman higante mga tao dito. Continue reading ‘di naman linggo-linggo’
Bukod sa pagod sa trabaho at puyat sa nakaraang gabi, wala naman talagang matinong dahilan na makakapagpatulog sa’yo sa tren.
Kung hindi maririndi ang tenga mo sa ingay ng mga katabi mo, eh makukulitan naman ang ilong mo sa sari-saring amoy na malalanghap mo. May amoy ng pinaghalong sibuyas, sili, kilikili, damit na di naarawan, damit na natuyuan ng pawis, damit na basa ng pawis, damit na amoy bagong plantsa, damit na amoy tide, katawan na amoy nahihinog na bayabas, hininga ng may halitosis, mga pinagsalong hininga ng kasalukuyan at kahapong mga ulam, mga ulam sa bag, panis na ulam sa plastic, mga pagkaing sagana sa sibuyas, mga jebs na natuyo, lahat na! Continue reading ‘Kung bakit ako madalas matulog sa tren’
Kung sa PInas eh kyut na kyut na tayo sa mga tidibers, tulad nung mga giant ones na tinitinda sa blue magic na madalas ipangregalo sa may birhday o sa nililigawan, dito nalaman kong hindi pala sila kasing kyut gaya ng inaakala ko. Continue reading ‘Hindi cute ang mga bears dito’
“What are you doing?”
Sabi ng kasama kong Mexicano na kamukha ni Hagrid habang pinagmamasadan niya akong magtext.
“You press and press your cellphone. What is it?”
Ah! I am texting, amigo. sabi ko naman.
Tama si ate na kasama naming sa inuupahan naming bahay. Dito sa AMerika, madali mong malalamn kung sino ang mga Pinoy. Basta nagtetext sa bus o sa tren, Pinoy yun. Continue reading ‘Pinoy text power’
Nakuha ko ito sa kaibigan ko sa internet. Sobrang akma ito pata sa Pilipinas at sa iba pang mga bansang nakararanas ng krisis.
________________
” What are Politics?” a son asks his father.
Dad says, “Well son, let me try to
explain it this way:
#1. I’m the head of the family, so call
me The President.
#2. Your mother is the administrator of
the money, so we call her the
Government.
#3. We’re here to take care of your
needs, so we’ll call you the People.
#4. The nanny, we’ll consider her the
Working Class.
#5. And your baby brother, we’ll call
him the Future.
Now think about that and see if it
makes
sense.
So the little boy goes off to bed
thinking about what Dad has said. Later
that night, he hears his baby brother
crying, so he gets up to check on him.
He finds that the baby has severely
soiled his diaper.
So the little boy goes to his parent’s
room and finds his mother sound asleep.
Not wanting to wake her, he goes to the
nanny’s room. Finding the door locked,
he peeks in the keyhole and see his
father in bed with the nanny. He gives
up and goes back to bed.
The next morning, the little boy says
to
his father, “Dad, I think I understand
the concept of politics now.”
The father says, “Good, son, tell me in
your own words what you think politics
is all about.”
The little boy replies,
“The President is screwing the Working
Class, while the Government is sound
asleep. The People are being ignored
and
the Future is in deep shit.”
Eto muna, noong una ko tong makita sa internet napa- ano daw?! talaga ako.

Opo. Siya si Nancy Jane, na mas kilala bilang Nancy Castiglone. Yng Nancy jane daw eh ang tunay nyang pangalan. May bago siyang album. Singer na siya. Mapera siya.
Eto naman maagang horror treat.

“Just opened, near Kimaya Kothrud.
I’m lovin’ it.”
Advertising Agency: Leo Burnett, New Delhi, India
Copywriter: Rondeep Gogoi
Art Director/Illustrator: Sumonto Ghosh
Ano kaya iniisip ng gumawa ng ad na ito? Hindi siya cute. Lalo lang nitong pinalala ang nakakatakot na pagtingin ko sa mga clowns.
Nang lumaki na si baby clown

Mc Nigga
Haha. akalain mong may nigga side din pala itong si Ronald. nasobrahan ata sa quarter pounder yung gumawa ng ad na yan. Pero in fairness, nakakatuwa siya. haha
Kung si Mcdo eh napatawa ako sa kanyang Nigga pose, eto, mga boxing babes, panalo talaga

Lupet ng gumawa nito! bored na bored na siguro siya sa opis kaya nagawa niya yan. Nakuha ko ang larawang ito sa isa sa mga contacts ko sa multiply.com
Panalo ang pambansang kamao. Wahaha. Ito na siguro ang pinaka-paborito kong manny-spoof na larawan sa ngayon.
______________
Ayan, ilan sa mga larawang dulot ng pagkaburyong sa opisina.
Ikaw, baka may maibabahagi ka ding larawan na kakaiba, ibahagi na kay sam. i-email sa email add sa gilid para maibahagi natin sa iba.
Published yesterday on Neal Cruz’s article in the Inquirer.
TODAY’S JOKE: Modern thinkers now believe that Adam and Eve were Filipinos. Why?
Because they had no house, no jobs, nothing decent to wear, no rice, and still they went and multiplied.
11:04 pm sa orasan ng laptop habang tina-type ko ang unang mga pangungusap dito.
Ka-chat ko yung mga kaibigsan ko sa Pilipinas. Mga 2:04pm sa kanila. Katatapos ko lang magluto ng baon ko para bukas. Ang bilis talaga ng oras. Inaantok na ako. Continue reading ‘isang araw’
SamComments