mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Tama ang tatay. Hindi lahat ng mga crush mo noong highschool (lalo na yung mga di ka sinagot) eh mame-maintain ang kanilang mga ganda. Laking gulat kolang nung mag tingin-tingin ako kanina ng mga pictures ng mga dati kong kaklase, kaibigan at crushes noong highschool. Grabe. Ibang iba na sila. Madami ang nagsipag-anakan na, mga nagpakabit ng braces, mga nabago ang panga, mga nabanat ang mukha, basta andaming pagbabago. Limang taon lang ang lumipas. Panalo. Yung isa kong crush dati, nakita ko may anak na. dalawa na ata, Ang sipag. Akalain mo, ang liit noong babaeng yun. Kyut siya noon. Ngaun, mukha na siyang batang buragat. (buragat=malaking mata sa prubinsya namin). Basta natakot ako. Haha. Pero kahit na natakot ako, natuwa pa din ako sa kanya kasi naka-braces siya, tas yung boypren niya naka-braces din. Tas madmi silang laplapan pics sa internet. Haha. Match na match! Panalo ang halikan nila. Bakal sa bakal. Haha. Hay. Alas onse na ng gabi dito. At dahil di ako nakapag-internet kanina sa opisina, ngayon ako babawi. Haha. Maaga pa ang pasok ko bukas. PAsensiya na parang wala sa katinuan ang post na ito. Nakakagago naman kasi ang oras dito sa Amerika, ang bilis lang sobra. Takte.

Basta, promise na malupet, magkukwento na’ko sa susunod.  

1 comment

1 seriouslie { 04.10.08 at 9:42 am }

This is gooood.

:)) Natuwa naman ako! Since kolehiyo pa lang ako, magaganda pa rin ang mga crush ko (yung iba kumukupas nga lang - pero maganda pa rin).

Ang ayoko lang makita, yung katulad ng kantang “Alumni Homecoming”. Yung tipong super dami ng anak ng crush mo nung Hayskul at dampanget ng asawa.

Hahah ayos!

[Reply]

Leave a Comment