Halos wala akong makita sa stage. Basta ang alam ko, bumibirit ako at pinapalakpakan na ako ng mga tao. Damang-dama ko talaga yung pagkanta ko. Tanda ko parang semi-finals na yun ng contest. Pagkatapos ng refrain ng kanta, muli akong bumirit, ramdam na ramdam ko ang musika, ang palakpak ng mga tao, ang malamig na buga ng aircon sa stage at ang dahan-dahang pagkalas ng contact lenses ko sa mata ko. Magkasunod na nagtalsikan ang contact lenses ko sa mga mata ko matapos kong bitawan ang mga matatas na nota ng kanta.
Siyempre di’ko pinahalata sa mga nanonood yung nangyari. Grace under pressure dapat. Dahan-dahan akong lumuhod sa may sahig para kapain yung mga rebelde kong contact lenses. Wala akong makitang malinaw. Blurred na lahat. Takte naman. Pero tuloy pa din sa pagkanta. MEjo kumakapa-kapa na ako sa stage. Yun lang kasi ang pares ko ng contact lenses. Sa pagkakatanda ko, sumaliako sa kontes na ‘to para makabili ng bagong pares. Tsk. Nagsilayas pa nang wala sa oras.
DI ko matandaan kung nanalo ako sa contest na yun. Basta alam ko parang Pinoy idol yun. Malaking contest. Eh nag-blur na lahat eh. Wala na akong matandaan. YUn ang isa sa mga panaginip kong blurry. Malinaw na nagsimula, pero lumabo sa gitna. Hindi ko na matandaan ang katapusan.

0 comments
Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment