di naman linggo-linggo
Nakabili ako ng madaming t-shirts kahapon. Masaya ako kasi nakuha ko sila sa murang-murang halaga. 4$-8$ lang ang isa. Mabuti na lang at may mga mqgagandang damit na nagkasya sa’kin mula sa kids section nung department store. Biruin mo, kung sa pang mga men’s ako bibili, eh nasa 15$ pataas ang presyo n mga damit. Super laki pa sa akin kasi naman higante mga tao dito.
So kahapon ang lustay day ko. Well, masayang lustay day naman kasi nakapamili kami ng mga ipapadala sa Pinas. Mga sabon, lotion, toothpaste, chocolates, gatas, cereals, damit, tsinelas, sapatos, laruan, mga de lata, at kung anu-ano pang pwedeng ipadala. Sana eh matuwa naman ang mga padadalhan namin. Aba, kahapon, damang-dama ko ang pagka-ofw ko. Haha. Pa’no ba naman, ako lahat ng angbayad ng mga pinamili. Kahit na medyo nalula ako sa binayaran ko (halos limandaan lahat!), sige lang. Di naman kami araw-araw na nagpapadala ng mga anik-anik sa Pilipinas. Di ko na inisip yung pera. Kikitain din naman yun.
Ang kagandahan naman kasi dito, lahat ng gustuhin mo mabibili mo basta ba magsipag ka lang. Lahat ng pagod mo at paghihirap may patutunguhan. Yung kayang kainin ng mga mayayaman sa Pinas, kaya mong kainin. Yung mga gadgets, damit at sapatos na gusto mo, mabibili mo.
Kahit mag-kayod marino ka dito, ayus lang kasi bayad ang bagod mo. Mararamdaman mong sulit ang mga pinagpaguran mo. Naalala ko tuloy yung trabaho ko dati sa Pinas. Inaabot ako ng alas tre ng medaling araw pero ang kinikita ko lang eh nasa 8-10 libo kada buwan. Olats na olats. Buti na lang di pa uso noon yung rice crisis na pinapauso ng gobyerno. Pero usong uso na nun ang price hike at di na naman bago sa pandinig ang salitang krisis.
Nga pala, muntik ko nang malimutan, nakabili din ako ng mga beach shorts. Para pag naburyong ako sa bahay ng weekend eh makakapag-beach naman ako. Sa kids section din ako kumuha ng beach shorts. Ayus na sana eh. Ang ganda. But no! Sa apat na biili kong shorts, isa lang ang kumasya. Yung large size na hanggang tuhod lang ang nagkasya. Kumusta naman kasi yung medium, mula baba, hanggang tuhod lang yun naipasok kong parte ng hita ko. Di pa naman gaanong bochog yung katawan ko. Siguro maliit lang talaga yung size. Buti na lang pwedeng magbalik ng mga damit dito. Babalik pa nila pera mo.
Hayun, may advantage din pala ang built at height ng meaty kong katawan. Haha. Sa pang-kids na ako palaging mamimili! Hehe

3 comments
maganda ngang sa kids section bumili ng damit….
pero dapat magaling kang pumili ng designs para di siya mukhang pambata…
siguro dapat piliin yung clothes na may designs like hello kitty,
mickey mouse, donald duck, baby’s day out and many more..
try mo lang… pili ka ng with rainbow colors ah… hahahaha…
san poh ba kayo sa states??…
[Reply]
wow swerte naman tatanggap ng balikbayan box na namumutok ng goodies. ang pag papadala sa mga myembro ng angkan isa na sa mga ‘gawain’ ng ofw. ang masaklap lang minsan dahil sa kagustuhan mong maabutan lahat meron pa rin ang magdaramdam. isipin mo na lang ang kasabihan, you can’t please everybody
after all there is no such thing as absolute fairness.
[Reply]
“Di ko na inisip yung pera. Kikitain din naman yun.”
Yun yown.
[Reply]
Leave a Comment