god-given

Gustuhin ko mang makatulog ng matino sa tren kanina, hindi ko magawa dahil sa nagsisisigaw na lalaki sa background. Para di ko siya marinig , nilakasan ko yung volume ng mp3 player ko. Pero wag ka, iba talaga yung kapangyarihan ni kuya, anlakas ng boses niya natatabunan yung tugtog sa tenga ko.

Nuung una parang mga walang kwentang sigaw lang yung naririnig ko. Ayoko naman siyang lingunin sa likod kasi baka batuhin ako o kaya ako naman ang pag-tripan niya. Kaya ang kunwari nakapikit na lang ako pero hindi naman talaga. Dahil may pagka-singkit ng onti ang aking mga mata, pwede akong mgapanggap na tulog kahit na hindi naman.

Nasulyapan ko yung mga parang naiiritang mga mukha ng mga babae sa tren. Narinig ko yung mga bulung-bulungan, mga pagkaasar, mga pandidiri, mga ganun.

Pinilit kong ibaon sa kantang Bleeding Love ni Leona Lewis ang kaguluhan sa paligid.

Nakapag nakaw ako ng mga isang minuto ng matinong idlip. Medyo masarap sa pakiramdam.

Nang imulat ko ng bahagya ang mga mata ko, naaninag ko yung katawan ng lalaking mainngay na nangunguit ng mga taong nakatingin sa kanya at ng mga taong gising sa tren.

So ako naman nagpatuloy sa pagpapanggap na tulog ako.

Nang mapansin niyang wala nang pumapansin sa kanya, pumunta siya sa may pintuan malapit sa pole.

Mas nakita ko siya sa ganoon niyang puwesto dahil yung upuan ko nakaharap ng patalikod at kitang kita ang pintuan.

Walang damit na pang-itaas si kuyang maingay. Ang kanyang pantalon, hinila ng todo ng gravity. Kaya naman pati guhit ng puwet niya eh anghe-hello sa madla.

Si kuya ay African American (walang intensiyong mang-discriminate) na nakainom yata bago sumakay ng tren. Kumakanta siya, sumisigaw, sumasayaw sa pole (para siyang literal na pole dancer) at winawagayway ang kanyang bewang para mag jiggle and wiggle ang kanyang junjun sa loob ng maluwag niyang pantalon.

Sa lahat ng ingay na ginawa ni kuya, eto ang mga salitang nasagap ko sa kanya na paulit ulit niyang sinasabi habang angpo-pole dance siya.

“You see this black dick? What’s wrong having too much dick? This is god-given! And I am proud of it!”

Ayoko nang isipin pa ang mga susunod na pangyayari kaya naman pumikit na’ko ng tuluyan.

Maingay pa din siya at pilit na inaagaw yung ilang segundong pahinga na inaasam ko.

Buti na lang may nakausap siyang puting Amerikano na nang-uto sa kanya. Di ko na pinakinggan yung usapan nila.

Ang alam ko lang, nakausap siya ng American kuya at sinakyan ang mga trip niya. Kinalaunan bumaba siya ng tren at nagbalik ang katahimikan.

Di na ako nakatulog muli.

Siguro yung ilang minutong idlip ko ay ang god-given rest period ko. Dapat na akong magpasalamat.

7 Responses to “god-given”


  • tama! we should all thank for even on very tiny blessingss..
    ang galing ng strategy mo ah.. singkit ka kasi…
    kala ko pagbaba nung lalaki, yung white american naman yung gaganun….
    hahahaha

  • freedom of speech and expression ba in action :D
    but flipping the other side of the coin, tama nga ang sabi nila sa kabila ng kasaganaang materyal na tinatamasa ng mga taong nagsisipag sa lupain ni uncle sam (pwede ring samjuan) e mas umaalingawngaw ang paghihirap ng kalooban ng mga tao. nag iisa. malungkot. kaya mas kumikita ng limpak limpak mga psychiatrist jan hehe…but seriously, kawawa din. sa kabila ng nakakabinging sigaw ay nakatago ang ngumagawang kalulwa. naghahanap ng karamay, kausap, kaibigan…(tamang senti ba? sensya nadala. ikaw kasi e hehe)

  • kakaiba at exciting naman yun. kung may magpole dancing kaya sa lrt at mrt? haha. gulo na ‘to.

  • Kay Nardito: Haha. Yun ang advantage ng singkit! Naku, goodluck naman kung yung Amerikanong puti naman ang angpole dance. Ewan ko na lang. Magdadrugs nako para makatulog! Haha

    Kay Gingertea: Madaming may saltik dito. Kung tutuusin madali naman ang pamumuhay dito kesa sa PInas, pero andamin depres-depresan na mga kano. Anlalakas pa pero namamalimos. Andaming palaboy. Hay buhay. (O ayan nag sentidin ako.haha)

    Kay Watusiboy: Haha. Goodluck kung may makapagpole dance sa mrt/lrt sa sikip at dami ng tao. Haha

  • lashing!!!…..asust…

  • Kay Aga: oo lashhhhhheeeng shiya

Leave a Reply