horny

Sam: (kalahating tulog at kalahating gising sa malamig na madaling araw)

Itay: (nagbibihis at naghahanda pagpasok sa kanyang trabaho)

Sam: (pilit tinutuloy ang masayang panaginip sa kabila ng pagdadaldal ni itay)

Itay: Ano ba ang horny?

Sam: (Saglit na nagblur ang panaginip at naalimpungatan sa tanong ni itay. Di muna sumagot)

Itay: Hoy Sam, ano ba ang horny?

Sam: Ha? Bakit po? (Nag-iisip kung matatawa o maiinis o mawi-wirduhan sa itay)

Itay: Ano nga? (May sense of urgency sa tono ng boses)

Sam: Horny-Malibog!

Itay: Ay! Ganun ba yun? Kaya pala nila ako tinitignan at tinatawanan.

Sige hindi ko na nga isusuot ang T-shirt na ito.

Sam: (Inisip kung anong T-shirt ang sinasabi ni itay)

Itay: Yun pala yun. Sige Salamat.

Sam: (Naisip na kung ano’ng nakasaluat sa t-shirt na sinasabi ni itay)

Kumusta naman. BEER MAKES ME HORNY!

6 Responses to “horny”


Leave a Reply