mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

isang araw

11:04 pm sa orasan ng laptop habang tina-type ko ang unang mga pangungusap dito.

Ka-chat ko yung mga kaibigsan ko sa Pilipinas. Mga 2:04pm sa kanila. Katatapos ko lang magluto ng baon ko para bukas. Ang bilis talaga ng oras. Inaantok na ako. Gigising pa ng maaga bukas, mag-aayos ng sarili, maghihintay ng bus, sasakay sa bus, sasakay sa tren, sasakay ulit ng bus, maglalakad, magtatrabaho, uuwi, sasakay ulit sa bus, sasakay ulit ng tren, sasakay ulit ng bus. Dalawang oras, one way ang biyahe ko araw-araw. Partida wala pang buhol-buhol na trapik sa byahe ko. Sadyang mayao lang talaga. Kailangang tiyagain para kumita ng pera.

Ganon lang ang pang araw-araw na routine ko dito. Si itay, asa trabaho.isang buwan siyang mawawala. Sinuwerte siyang makakuha ng trabaho na pang-isang buwan. Walang uwian.para mag-alaga ng pasyente. Walang week-ends para sa pera. Ganito lang naman halos ang buhay ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Amerika. Bahay-trabaho-bahay. Uuwi ka halos pagod ka na sa trabaho at biyahe.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dpaat amgpaka-tatag. Bawal ang mahinang katawan, pag-iisip at damdamin dito. Laban kung laban!

0 comments

1 gingertea { 04.15.08 at 10:15 pm }

tama nga sabi nila ang pag a-abroad daw di para sa mahihina ang loob lalo’t di mo kasama pamilya, kamag-anak o kapatid. at least kahit pano kasama itay mo. gudlak..gudlak

[Reply]

2 iamsamjuan { 04.16.08 at 6:21 am }

Oo, maraming salamt kabayan!

[Reply]

3 mindless expletive { 04.21.08 at 8:35 am }

para sayo ang laban na to. Walang bibitiw. Di rin ako bibitiw sa PInas. Magkikita-kita tayo jan sa Merica ng mga magiging inaanak mo men!

[Reply]

Leave a Comment