Kung bakit ako madalas matulog sa tren
Bukod sa pagod sa trabaho at puyat sa nakaraang gabi, wala naman talagang matinong dahilan na makakapagpatulog sa’yo sa tren.
Kung hindi maririndi ang tenga mo sa ingay ng mga katabi mo, eh makukulitan naman ang ilong mo sa sari-saring amoy na malalanghap mo. May amoy ng pinaghalong sibuyas, sili, kilikili, damit na di naarawan, damit na natuyuan ng pawis, damit na basa ng pawis, damit na amoy bagong plantsa, damit na amoy tide, katawan na amoy nahihinog na bayabas, hininga ng may halitosis, mga pinagsalong hininga ng kasalukuyan at kahapong mga ulam, mga ulam sa bag, panis na ulam sa plastic, mga pagkaing sagana sa sibuyas, mga jebs na natuyo, lahat na!
Kung sa Pilipinas kapag sumakay ka ng MRT o LRT ang madalas mong maririnig ay mga mp3 alerts ng mga cellpohnes, dito eh mga naglalakasang ipods ang maririnig mo. Oo, naglalakasang mga tugtog mula sa earphones ng mga ipod ng mga tao dito. Ewan ko ba. Sadyang naiingayan na siguro sila sa mundo kaya nag-iingay na lang sila at nagpapakalunod sa pagkabingi gamit ang kanilang mga ipod at mp3 players.
Idagdag mo pa yung mga OA sa lakas magkwentuhan at magtawanan, na kadalasan mga batang puti o kaya mga African-americans. Di ito panlilibak o pang-didiscriminate sa mga itim, eto lang naman eh napapansin ko sa araw-araw kong pagsakay ng tren.
Minsan naman kndi mga batang teeny boppers, mga batang hardcore emo (with super heavy eyeshadoooow at eye liner at super bangs) ang maiingay eh mga fil-am/pinoy/pinoy na brat ang maririnig mong nag-iingay at nag-iinarte sa tren. Dun nga ako nakarinig ng usapan tungkol kay Janina San Miguel eh. Sabi nung pinay na may kulay ang buhok na di naman kagandahan: “Grabe talaga, nakakahiya siya ah! Sabi ba naman taft ten! E diba dapat tough yun! As in t-o-u-g-h!”
Ay ewan ko na lang sa kanya at sa mga kasama niyang naka hiff haff na damit. Hahaha.
So ayun nga, natutulog ako sa tren para maiwasan yung mga ingay, para malimutan kong may mga masangsang pala at di kanais-nais na amoy sa paligid, at para di ako mapilitang ibigay ang upuan ko sa mga babaeng nakatayo o kaya sa mga matatanda.
Sa tren ako nakakapag-isip. Masarap matulog kasi kampante ka. Asa ilalim ka ng lupa. Pag lumindol, diretso libing na kayong kahat. Pag tulog ka, di mo na mararanasan ang pagbagsak ng lupa sa iyo, ang pagpapanic ng mga gtao, ang kaguluhan ng mundo, ang pagguho ng buhay. Ay.Sori, naging emo. Haha. Pasensiya na. Inaantok na ako. 11:27 na ng gabi sa orasan ko. Masaya ako kasi ngayon na lang ulit ako nakasagap ng wireless sa mga american neighbors. Hay. Pramis. Magba-blog na ako sa opis.
________
Sa maniwala kayo’t sa hindi, madumi ang mga train stations na napuntahan ko dito. Bukod sa luma na ang mga tren, madumi pa ito at medyo maliit. Walang panama sa MRt2 at LRT 3 sa Pilipinas. Ang malaking kaibahan lang ng mga sinasakyan kong tren ditto kesa sa Pinas, dito, walang mahabang pila. Wala nang tiket tiket. Yung mga tikets bibilhin mo na lang sa may vending machine. Walang nagche-check ng bags na parang joke lang. Honesty policy kasi sila. Pwede kang sumakay ng tren kahit walang tiket. Yun nga lang, lagot ka pag may nag-inspect (na random nilang ginagawa) at mumultahan ka ng 250$!
Ang kagandahan kasi sa tren dito, kapag halimbawang bumili kang day pass mo sa unang bus na sasakyan mo, un limited ride na yun sa bus at tren nang maghapon. Kapag may weekly o monthly pass ka naman, na karaniwang nabibili sa madaming mga tindahan sa tabi-tabi, ay meron kang unlimited ride sa loob ng isang lingo o buwan sa parehong tren at bus. Kaya convenient para sa mga tao, lalo na s mga nagmamadali ang tren. Every 5 minutes ang intervals ng dating ng mga tren sa isa’t isa.

7 comments
Hoy.
Bakit may teeny bopper phrase dito?
Talaga? Madumi? Tsk, masyado talagang na-edify ng mga Pinoy ang west para pati mga tren diyan ay gawing 100x mas maganda sa tren dito in terms of convenience, as shown sa mga pelikula.
Alam mo na kung sino ako. Teeny bopper pala ha. Kinilabutan ako ah. Judgmental! Haha.
[Reply]
onga mas hygienic talaga tayong mga pinoy mababango pa hehe.
[Reply]
Kay the cause: Masama ba ang teeny bopper na salita? haha. Eh mas convenient naman ang pagsakay dito at pagbaba sa tren kesa sa mrt. Yun nga lang, mas maganda ang tren natin. haha
Kay Gingertea: Oo! Siyang tunay!
[Reply]
alam mo
nabasa ko na
yung tungkol sa mga pilipina
na naguusap
tungkol sa taft ten
nalimutan ko na
haha
hinahanap ko yung link e
tsk tsk
anyways
hindi ako mahilig sumakay
ng mrt o lrt
hahahaha
maJeep kasi akong tao
ang ayaw ko
BUS SA PINAS
tae.
hahaha
[Reply]
maswerte ka dito kung babae ka. di sari-sari ang amoy na masasagap mo dahil may sariling coach para sa mga babae.
hehe. janina is so tough. hanggang jan pala umabot siya.
[Reply]
sabe nga rin, maayos ayos pa daw trains natin dito. kahit yung mga subway sa europe daw, madumi din.
natawa ako sa post na to. haha.
[Reply]
Kay Xeienah: kung amy jeep lang dito eh magji-ip din ako. hehe
Kay Mnel: Di ba naghahalo-halo ang mga amoy ng pabango ng mga babae sa coach?
Kay Yoshke: oo nga. Sabi ng kaibigan ko sa Europe, yak daw ang mga trens dun! haha
[Reply]
Leave a Comment