Meeee
Nang mag-cr ako kanina para iwasan ang boss ko, napansin kong mahaba-haba na pala ang goatee ko.
Para na akong tao sa panahon ng sinaunang dinastiya ng Tsina. Naalala ko tuloy yung mga kalaban sa palabas na Julio’t Julia. Di pa naman kakapalan ang goatee ko. Mabilis lang talaga silang humaba. Tamad kasi ako mag-ahit.
Ang gusto lang naman ay kumapal ang goatee ko, para astig diba? Haha. Eh kaso, di nila tip magpakapal. Mas trip nilang magpatangkad. (Sana ganun din mga buto ko sa hita)
Dati nga nung college, meron akong isang piraso lang ng buhok sa may baba. Loner si goatee. Walang friends. Hintay ako ng hintay noon kung may tutubo bang iba, pero nagdaan na ang isang sem eh mag-isa pa din siya. Napansin yun ng room-mate ko dati sa dorm at sinabing bakit daw ba di ko pa putulin ang goatee nay un. Distracting daw. Nag-iisang ala lubid na nakasabit sa baba ko. Sabi ko naman, yun lang kasi ang kauna-unahang goatee ko sa tanang buhay ko. Baka pag pinutol ko eh din a tumubo pang muli. Tinawanan niya ako at sinabing ahitin ko na daw yun agad. At araw-araw daw akong mag-ahit kahit wala pang tumutubo para makiliti ang ibang mga buhok at magsipaglabasan mula sa lungga ng mga pores ko sa baba.
Kaya ayun, kahit labag sa kalooban ko, inahit ko si goatee. At nag-ahit ako ng nag-ahit. Di naglaon, nagkaroon na ng mga kaibigan si goatee. Dumami na sila. Sa wakas. Nang pakiramdam ko eh may sapat nang kaibigan yung loner kong goatee, tinamad na akong mag-ahit. Kaya ayun. DI na sila nadagdagan. Bakit ba kasi kailngan pang ahitin para kumapal ang goatee? ANu ba yung blades, asawa ng baba? Ahaha. At yung mga goatee ang mga anak nila? Nakupo. Mamaya pag-uwi ko mag-aahit na nga ako. Sabi nga ng tito ko, bawal tatamad-tamad dito sa Amerika. Ang tatamad-tamad ditto walang mararating.
Tama. Ayokong maging samjuan tamad! Kaya mamaya, operation ahit!

0 comments
ahehehe ang haba-haba ng kwento mag-aahit ka lang pala1
haays…ahehehe
[yas]
[Reply]
ah kwento ni goatee…bow…hahaha…
e bat pag kalbo kahit shave ng shave wala pa rin tumtubo? tsaka sa binti ko dati ahit ako ng ahit para kumapal balahibo, me tumubo nga kalat-kalat naman pa-isa-isa…hampanget weeeee…
[Reply]
Leave a Comment