Monthly Archive for April, 2008

Page 2 of 2

pause

Bumabagal na ang takbo ng mga sasakyan dito.

Yung dating 20 minutes na tren na sinasakyan ko, ngayon inaabot na ng 35 minutes.

Yung mga bus, madalas nale-late sa oras nila.

Kaya kahit maaga akong umalis sa bahay eh late pa din ako.

Siguro late yung orasan ko.

O kaya sadyang mabagl lang ako.

Pero seryoso, bumabagal na nga ba ang sadyang mabilis na oras ng Amerika?

Siguro dahil nawawala na yung malamig na hangin ng spring.

PInababagal siguro ng init ang mga bagay-bagay.

DI ito maganda.

Mukhang magtatagal pa talaga ako dito.

Meeee

Nang mag-cr ako kanina para iwasan ang boss ko, napansin kong mahaba-haba na pala ang goatee ko.

Para na akong tao sa panahon ng sinaunang dinastiya ng Tsina. Naalala ko tuloy yung mga kalaban sa palabas na Julio’t Julia. Di pa naman kakapalan ang goatee ko. Mabilis lang talaga silang humaba. Tamad kasi ako mag-ahit. Continue reading ‘Meeee’

pick-up line #1

You must be Jamaican,

Cause Jamaican me crazy!

Wahaha! Tawa ako ng tawa sa opisina dahil dito.

Siyempre tawang repressed. Yung kumikibit-kibit lnag yung balikat. Syempre bawal tumawa ng malakas sa opisina.Isipin pa nila baliw ako. Wahaha.

Naku, kung kayo eh may maibabahaging pick-up line, joke o anumang nakakatawa, ibulong niyo na agad kay sam, para maibahagi natin dito. Mas corny, mas masaya. hahaha!

horny

Sam: (kalahating tulog at kalahating gising sa malamig na madaling araw)

Itay: (nagbibihis at naghahanda pagpasok sa kanyang trabaho)

Sam: (pilit tinutuloy ang masayang panaginip sa kabila ng pagdadaldal ni itay)

Itay: Ano ba ang horny?

Sam: (Saglit na nagblur ang panaginip at naalimpungatan sa tanong ni itay. Di muna sumagot)

Itay: Hoy Sam, ano ba ang horny?

Sam: Ha? Bakit po? (Nag-iisip kung matatawa o maiinis o mawi-wirduhan sa itay)

Itay: Ano nga? (May sense of urgency sa tono ng boses)

Sam: Horny-Malibog!

Itay: Ay! Ganun ba yun? Kaya pala nila ako tinitignan at tinatawanan.

Sige hindi ko na nga isusuot ang T-shirt na ito.

Sam: (Inisip kung anong T-shirt ang sinasabi ni itay)

Itay: Yun pala yun. Sige Salamat.

Sam: (Naisip na kung ano’ng nakasaluat sa t-shirt na sinasabi ni itay)

Kumusta naman. BEER MAKES ME HORNY!

Halos wala akong makita sa stage. Basta ang alam ko, bumibirit ako at pinapalakpakan na ako ng mga tao. Damang-dama ko talaga yung pagkanta ko. Tanda ko parang semi-finals na yun ng contest. Pagkatapos ng refrain ng kanta, muli akong bumirit, ramdam na ramdam ko ang musika, ang palakpak ng mga tao, ang malamig na buga ng aircon sa stage at ang dahan-dahang pagkalas ng contact lenses ko sa mata ko. Magkasunod na nagtalsikan ang contact lenses ko sa mga mata ko matapos kong bitawan ang mga matatas na nota ng kanta. Continue reading ”

Tama ang tatay. Hindi lahat ng mga crush mo noong highschool (lalo na yung mga di ka sinagot) eh mame-maintain ang kanilang mga ganda. Laking gulat kolang nung mag tingin-tingin ako kanina ng mga pictures ng mga dati kong kaklase, kaibigan at crushes noong highschool. Grabe. Ibang iba na sila. Madami ang nagsipag-anakan na, mga nagpakabit ng braces, mga nabago ang panga, mga nabanat ang mukha, basta andaming pagbabago. Limang taon lang ang lumipas. Panalo. Yung isa kong crush dati, nakita ko may anak na. dalawa na ata, Ang sipag. Akalain mo, ang liit noong babaeng yun. Kyut siya noon. Ngaun, mukha na siyang batang buragat. (buragat=malaking mata sa prubinsya namin). Basta natakot ako. Haha. Pero kahit na natakot ako, natuwa pa din ako sa kanya kasi naka-braces siya, tas yung boypren niya naka-braces din. Tas madmi silang laplapan pics sa internet. Haha. Match na match! Panalo ang halikan nila. Bakal sa bakal. Haha. Hay. Alas onse na ng gabi dito. At dahil di ako nakapag-internet kanina sa opisina, ngayon ako babawi. Haha. Maaga pa ang pasok ko bukas. PAsensiya na parang wala sa katinuan ang post na ito. Nakakagago naman kasi ang oras dito sa Amerika, ang bilis lang sobra. Takte.

Basta, promise na malupet, magkukwento na’ko sa susunod.  

Epal

Pinay na kapitbahay na atribida sa tatay ko: Aba! DIyan na pala kayo nakatira! May pambayad kayo? Saan ka naman nakakuha? (Insert bitchitang tawa ng matandang mapera)

Tatay kong nagtitimpi: Siguro ho may pambayad na kami. Dito na kasi kami nakatira eh.

Hanggang sa Amerika may mga atribidang kapitbahay pa din pala. Tsk.tsk