pause

Bumabagal na ang takbo ng mga sasakyan dito.

Yung dating 20 minutes na tren na sinasakyan ko, ngayon inaabot na ng 35 minutes.

Yung mga bus, madalas nale-late sa oras nila.

Kaya kahit maaga akong umalis sa bahay eh late pa din ako.

Siguro late yung orasan ko.

O kaya sadyang mabagl lang ako.

Pero seryoso, bumabagal na nga ba ang sadyang mabilis na oras ng Amerika?

Siguro dahil nawawala na yung malamig na hangin ng spring.

PInababagal siguro ng init ang mga bagay-bagay.

DI ito maganda.

Mukhang magtatagal pa talaga ako dito.

0 Response to “pause”


  • No Comments

Leave a Reply