Pinoy text power
“What are you doing?”
Sabi ng kasama kong Mexicano na kamukha ni Hagrid habang pinagmamasadan niya akong magtext.
“You press and press your cellphone. What is it?”
Ah! I am texting, amigo. sabi ko naman.
Tama si ate na kasama naming sa inuupahan naming bahay. Dito sa AMerika, madali mong malalamn kung sino ang mga Pinoy. Basta nagtetext sa bus o sa tren, Pinoy yun.
Noong isang araw habang nakasakay ako sa bus papuntang trabaho, tinabihan ako ng isang hot momma. Mukhang latina ang features niya- matangos na ilong, magandang mata, slim na katawan, kulot na buhok. Nagtetext ako nun sa mga kaibigan ko sa Pilipinas. May tatlo ata akong katext noon na di pa dinadalaw ng antok.
Pusta ko di pa nag-iinet ang puwet ng katabi ko nang kausapin niya ako at ngitian.
“Are you texting? Is that texting?” Yes I am texting. Why? Gusto ko sanang itanong kung ngayon lang ba siya nakakita ng taong nagtetext pero mabilis siyang humirit.
“Kids nowadays love to text. So how’s school? Where do you go to school?”
I’m done with school.
“Oh! Really? You’re young!”
Opo ate. Bata pa naman ako. Bakit kaya lagi na lang akong napagkakamalang hayskul student dito? Ampf.
Ayun, at bilib na bilib sakin si Ms na katabi ko. Madami siyang kinuwento tungkol sa trabaho niya, sa ginagawa niya, mga hilig niya, lugar na pinanggalingan niya hanggang sa maalala niyang amgpakilala. Siya daw si Sangita (sang-gi-ta), taga Nepal na may trabaho sa fashion line. Ewan kung san siya nagtatrabaho. Basta fashion daw. Feeling ko may tindahan siya sa Santee, yung divisoria ng LA.
Aliw na aliw siya sa akin at sa pagtetext ko. BAgo siya bumaba, binigyan niya ako ng numero niya at binigyan ko din siya ng sa’kin. So phonepal na kami. Hehe.
Kahapon naman, nasa bus ulit ako, papauntanga trabaho, nagtetext. May katabi akong babaeng maganda na naka-shades. Tahimik lang siya. Mukhang bored kaya di ko pinapansin. Isa pa, di naman ako nakikipag-usap basta basta sa di ko kilala ditto. Mahirap na, andaming may saltik ditto ipa-911 pa ako.
Anyways, text galore ako sa mga kaibiganko sa Pinas. Gamit ko yung telepono ko dito na pang-text tapos yung dati kong telepono sa Pinas kung saan ko naman pinag-rereply ang mga katext ko sa PInas. Naka-roaming kasi yun at para Piso lang ang bawas sa kanila. AYun na nga, text ako ng text. Kung sa PInas sanay ang mga taong mag-text nang hindi nakatingin sa keypad, ditto, isa yung mad skill! Yes! Mad skill beybeh!
“Hey! Are you texting without looking at you phone?! Wow! That’s so awesome!” sabi ni ate na katabi ko.
Ako naman tumango lang at ngumiti. Tas nagkwento siya nang kung anu-ano. Kung san siya pupunta, mga ganun. Ako naman nakikinig lnag. Napansin ko lang, andaming mga friendly-friendlihan na mga kano ditto. Hehe. So ayun, sa tagal ng pagkukuwento niya, di nawawala yung pagkamangha niya sa pagtetext ko. Uulitin pa niya yung “Wow! That’s a mad skill!” na nakakamangha din kasi namamangha siya. Haha.
Palibhasa puro naka plan ang mga tao ditto kaya tawag galore sila. Hindi nga talaga uso ang texting. Siguro yung mga bata nagtetext para di sila mahuli ng mga magulang nila na katext ang mga secret boyfreiends/girlfriends nila. Pag sawa na siguro sila sa boses ng magulang nila, ayun, magtetext na lang sila.
Nakakatuwa lang isipin na sa aspeto ng pagtetext eh angat pa din ang mga Pinoy. At least may something to be proud Pinoy.

12 comments
mukhang hayskul ka din?ahe he he..pareho tau..indi nga ako pinapapasok sa mga sinehan na r 18 kasi indi daw pwde hayskul..ampootah!ahe he he…musta ang USA? kitakits nalang tayu dyan if matutuloy ako.
[Reply]
wow! kelangan kong pumunta dyan para naman maamaze sila sa pagtetext ko.. hahahaha
parang commercial lang ng HAppee Toothpaste.. Proud to be Pinoy! hahahaha..
anyhoo salamat sa dalaw sa site ko pasensya na at ngayon lang din ako nakadalaw dito.. ahihihihi
naglalandi kase ako kaya di makadalaw.. weee
[Reply]
ganyan tlg ang pinoy!
adik sa text!!!
[Reply]
ahahaha. Parang natural na lang dito sa pinas ang texting without looking at the keypads. Waw. MADSKILL!
[Reply]
No doubt kung bakit text capital of the world ang Pinas. hehehe.. Sa matagal na panahon madalas sabihin nila pag ang Pinoy nagpunta sa Amerika, nawawalan ng identity unlike Chinese na nagmigrate sa Tate. E di ngayon unti-unti magkakakilanlan na pag nakitang nagteteks.
Thanks nga pala for visiting my blog.
Pasyal2 ako dito. Astig yung picture na nakabalot ng bandila yung mukha tsaka yung si Darna katabi ng statue of Liberty. Nice.
[Reply]
natawa ako dito, I swear. I’ve never traveled abroad so i don;t know the feeling pero astig, haha. kung alam lang nila na napakanormal lang nun dito.
[Reply]
Dapat sinabi mo, may mga contest sa Pilipinas na pabilisan mag-text. It’s an underrated talent. Lol.
[Reply]
Kay Maldito: Eto at US pa din. Hehe. oo,. feeling nila lagi bata ako. huhu
Kay Ferbert: Dali punta ka na dito nang mamangha sila sa iyo. Hehe. Tama na ang landi!
Kay Eloiski: Tumpak!
Kay Mindless Expletive: Oo. Madskill talaga ito!
Kay Straycat: Salamat sa pagpasyal mo dito. balik ka ah!
Di ko nga lang alam kung nakakatuwa na mabigyan tayo ng identity dahil sa pagtetext. hehe.
Kay Yoshke: naku, OA Sila mag-react sa mga bagay bagay. talagang napapa WOW sila. haha
Kay Ken: Hahaha. Sa susunod hayaan mo
[Reply]
Natawa naman ako kay Ferbert pati paglalandi nya eh pinost pa sa blog ng iba. Hahaha! = P
Mabuhay ang Pinoy! Woot woot! = D
[Reply]
hehe. natawa ako dun sa sinabi mong napapagkamalan kang highschool. ayaw mo nun? mukha kang bata sa paningin ng mga tao jan. paano pa kaya ako no? eh dito palang napapagkamalan na kong bata. (haha. isip bata kasi)
mad skill! naku! paano pa kaya yung mga nagtetext while driving? =P insanity na siguro sa kanila yun.
[Reply]
haha. natawa ko sa hirit nung sangita. high school. hindi na nawala sayo ang mark na yan. texting. naalala ko, nawala na naman ng phone si mama. maraming magnanakaw dito ang mahilig din magtext kaya iyon, goodbye phone.
[Reply]
haha…kahit pawisin at maliit daliri mo, magaling ka magtext..haha…totoy ka pa talaga
tignan…
naalala ko lang, nagpunta kaming hotel ng boypren ko..hiningan din kami ng id..tinanong kung ano edad namin..sabi ko, ‘im already working’..ayaw maniwala nung guard pati nung receptionist..
pinakita k pa company id ko..umph..’in your face kuya!’ haha
[Reply]
Leave a Comment