Monthly Archive for May, 2008

Dear papa god

Pwedeng maging selfish naman minsan?

Yung tipong may maiipon ka naman sa perang pinagtatrabahuhan mo ng mahigit walong oras kada-araw?

Kaya bigyan niyo na ng trabaho ang tatay ko. Bigyan niyo ng pagkakataong maumpog ang ulo ng kapatid ko sa pader nangmabawasan ang pagiging magastos niya, at sana taasan na ng boss ko angsweldo ko para naman sasapat yung ipapadala kong pera para sa isa ko pang kapatid at sa lola ko sa prubinsiya, pati na rin yung pambayad ko ng bahay at mgatelephone bills ng pamilya.

Please?

Sa pagkakaroon ng anak

Kapag ako magkakaanak, paplanuhin kong mabuti ang agwat sa pagitan ng edad nila. Gusto ko kasing maging magkaibigan ang mga anak ko. Yung tipong buddies sila para hindi na sila maghanap pa ng kapatid sa katauhan ng ibang mga tao.

Hindi din kas praktikal na malayo masyado ang agwat nila. Mga dalawa hanggang tatlong taon ayus pa. Pero pag umabot na ng anim na taon pataas, asahan mo nang hindi magiging madali sa kanila ang magkasundo habang lumalaki sila. Malamang magiging magkaiba ang kanilang interes, mga grupo sa komunidad at mga bagay na gagawin. Dahil dito mas magiging mahirap ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Shempre, depende pa din ito sa pagpapalaki mo sa anak mo bilang isang magulang. Kung magkagayon man at talagang di maiiwasnag malayo ang agwat nila sa isa’t isa, dapat maituro na sa mga anak habang mura pa lamang sila sa mundo na hindi sila magkakumpitensiya ng kapatid/mga kapatid niya. Dapat habang bata pa sila ay maiparamdam na ng magulang na pantay ang kanyang pagtingin sa mga anak. Dapat ding makapaghanda nag mag magulang ng maraming mga gawaing makapagpapalago ng lalim ng pagsasama ng mga anak.

Ayun. Nararamdaman ko kasi na sa mga darating na araw ay magkakaroon na ako ng anak. At ito ang guso kong mangyari. Base sa aking karanasan, mahirap (pero posible naman) na magkasundo ang magkapatid na malayo ang agwat at naging magkaiba nag mundong kinalakihan.

Pagbabalik-loob

Paminsan-minsan, masarap ding makinig muli sa boses ni Chito at sa himig na gawa ng kanyang banda. Naglaho kasi ang pananampalataya ko sa parokya nang mapurga ako sa paulit-ulit nitong pagsesermon tungkol sa buhay pag-ibig.

Madalas kong iniiwasang patugtugin yung playlist ng parokya ni edgar sa media player sa pc kasi baka marindi lang ako sa mga kanta.

Naalala ko nung kasagsagan ng kasikatan ng kanilang banda, puro tugtog parokya na lang ang naririnig ko. sa canteen, sa school bus, sa jeep, sa bus, sa taxi, sa bahay, sa kwarto, sa classroom, sa kanto-kahit saan puro mga kantang pamparokya ang naririnig ko-wah! Nakakarindi ang paulit-ulit na pagkapit ng kumakantang boses ni Chito sa utak mo sa tuwing maglalakad ka pauwi sa bahay o sa tuwing lumulutang ang isip mo sa classroom.

Di ko naman masisi ang mga taong walang ginawa kundi gayahin ang mga kanta ng parokya; e sa madaling sundan at kantahin ang kanilang mga himig at tugtog.
Kaya naman noon, kapag hindi mo alam kantahin ang kanilang mga kanta, laos ka, olats.

Kanina, sa muling pakikinig ko ng himig parokya, naisip ko na hindi pala ako takot marindi sa kanta o sa tugtog. Naisip kong takot lang siguro ako dahil naiingit ako sa mga kanta ng parokya. Nakakainnggit ang mga kantang simple pero may tama. Nakakainggit na kahit papaano ay kayang pagtakpan ng mga simpleng kanta ang problema ninuman.
Ngayon alam ko na kung bakit maraming naaadik sa parokya.

Sana nga pwedeng daanin sa simpleng himig, tawanan o inuman ang lahat ng problema.
Kinakailangan ko yatang mas makinig ngayon ng mga himig parokya.

blonde

Naalala ko si Blandina.
Siya yung batang blonde na nakilala namin sa Cavite.
Bully siya.

Continue reading ‘blonde’

Shhh

Malakas ang ihip ng hangin ngayong gabi. Wala siyang kasamang ulan pero dinig na dinig mo yung paghampas niya sa mga dahon ng puno sa labas. Mula sa kuwarto namin sa taas ng bahay, madidinig mo kung papaano niya kinakatok ang mga pintuan at bintana ng mga kapitbahay. Madidinig mo kung papaano niya kinukuyog yung mga dinadaanan niya.

Di pangkaraniwan ang malakas na hangin sa parteng ito ng Amerika. Hindi uso dito ang mga ipuipo gaya ng sa texas o sa iba pang mga states kaya hindi naman ako nangambang matangay kami ng hangin habang natutulog. Nakakaaliw lang dahil mas malakas pa yata ang ihip ng hangin na ‘to kaysa sa hangin na naranasan ko noong winter. Partida, spring pa lang ngayon dito at bumibira na ang hangin.

Tama lang. Hindi kasi ako makahinga nitong mga nakaraang araw. Noong lunes ay biglang umatake ang sipon ko at nagdulo ng pagkabara sa aking ilong. Ilang araw din akong pasinghot-singhot sa trabaho at barado ang ilong. Ilang ulit na nagsusumbong sa amin ang ibang mga tao tungkol s akakulitan ng kapatid kong babae. Ilang beses na akong kinakantiyawan ng tatay ko na kuripot daw ako, na mag-ipon daw ako, pero ako naman halos ang nagbabayad ng lahat ng gastos sa bahay. Wala pa ding trabaho ang tatay. Kailangan ko pa yatang magpadala ng pang-tuition para sa isa ko pang kapatid na nasa Pilipinas.

Sa lakas ng ihip ng hangin hindi na nito kailangan pa ng ulan para lunurin ang paligsahan ng hilik mula sa mga kuwarto ng bahay, ang pagsesermon at pagmumura ng Pinay na nanay sa anak niyang babae sa kapitbahay, ang mga sirena ng pulis at ambulansiya na suki ng kalsada, ang pagba-vibrate ng cellphone na ppuno ng hinaing sa buhay ng mga kaibigan sa PInas, ang mga ungot ng laman na uhaw sa romansa, ang mga kabog ng dibdib na salat sa pag-ibig at ang mga alinlangan at takot na ume-echo sa isip.

May narinig akong tunog ng nag-uumpugang mga piraso ng chimes sa di kalayuan sa kapitbahay. Malamang di din siya nakaligtas sa hangin. Ilang minuto lang ang lumipas ay nilunod na din ng hangin ang tunog ng chimes.

Wala pang limang oras nang bansagang American Idol ng taon si David Cook sa di kalayuang lugar dito sa’min. Wala pang limang oras nang magsimulang magwala ang hangin sa labas. Wala pang limang oras nang magsimula kong madinig ang katahimikan ng Amerika.

The Crispin Beltran Narrative

“Hindi lang siya kaibigan, di
lang siya kapatid. Di lang kasintahan, o kaisang-dibdib. Di lang siya asawa, o inang uliran.
Siya’y aking kasama, sa mapagpalayang kilusan.”

-kasama mula kay Gary Granada

For the last two decades, the name Crispin B. Beltran has been associated with pickets,
demonstrations, strikes, and generally everything connected to the militant labor
movement. Not surprising with him being the chairman of the Kilusang Mayo Uno (KMU).
Since August of 2001, however, he has become known as something else – a member of
one of the biggest, most influential bastions of conservatism in the country, the House of
Representatives. From 2001-2003, he was one of three Bayan Muna solons. From 2004 up
to present, he now stands as the chairman and representative for labor and urban poor
concerns of the Anakpawis partylist. Ka Bel breathes, lives and practices the politics of
change and nationalism with the same fervor he does as a leader of the parliament of the
streets.

But no less interesting than his politics is his personal life. His love life alone is the stuff of
movies, megged by the late Lino Brocka or Ysmael Bernal, crossed with Jose Javier Reyes.
Since 1956, Ka Bel has been married to the former Rosario Soto from Malolos, Bulacan.
There’s a joke circulating around activist circles that goes “Ka Bel is a voice who should be
heard in the Lower House, but in his own house, it’s Ka Osang whom he listens to.”

This is their love story.


Ka Osang is the product of a broken home. Her parents separated early in her childhood,
and as the youngest among the three children, she was left to an elderly relative, her
father’s aunt who lived in Gagalangin, Tondo. Ka Osang grew up wanting for nothing – she
was given new dresses and jewelry whenever she asked for them.

But in exchange, she had to be obedient to the very strict, and sometimes unreasonable
rules of her grandmother. She was entered in La Concepcion, a convent- school, and was
told never to look at members of the opposite sex. “Wala talaga akong kaalam-alam sa
mga lalaki nun. Si Papa lang at yung mga kapatid ko ang pwede kong kausapin.” (“I knew
the least thing about boys or men.The only males I was aware of were my father and my
brothers.”) Continue reading ‘The Crispin Beltran Narrative’

Buhay Amerika (galing sa email)

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Continue reading ‘Buhay Amerika (galing sa email)’

hugasan mo ako

Sa dinami-dami ng mag kaibigang nakapalibot sa’kin, naisip ko na
ang mga kaibigan pala ay parang shampoo.
Ang pagpili ng kaibigan ay parang pagbili ng shampoo sa tindahan.

Iba’t ba ang ibinebentang serbisyo.

May pampahaba, may pampabango, may pampalambot, may pampa-itim, may nagbibigay ng shine, may para kang nagpa-cellophane,

May nagbibigay ng treatment, para kang nagpa-salon,

Continue reading ‘hugasan mo ako’

Pink Lola

“In the Philippines, we are taught of the history of other countries, even Armenians, we know about Armenians, the Hebrew, the Persians…” sabi ni Lola in pink sa kausap na Armenian habang naghihintay ng bus sa bus stop.

“We know a lot about other countries.”

“Ahh. That’s great.” Sabi naman ni manong Armenian.

“Armenia is poor. Turkey is rich.” Hirit niya kay lola na naka terno ng pink.

Pink ang blouse niya. Pink ang slacks niya, pink ang sandals niya, pink ang hat niya, pink ang frame ng salamin niya, pink ang dala niyang mga supot, pink ang strap ng relo niya, pink ang sumbrero niya na may pink na bulaklak, pink, pink. Siya na nag pink! Buti na lang hindi pink ang ngipin niya at mata niya. Continue reading ‘Pink Lola’

Survey sa food shortage ng mundo

Luma na ito, nahalungkat ko kung saan.

Pero may punto din naman kung titgnan natin.

Siyempre mukha namang ginawa lang ito ng taong (o mga taong) palaisip

pero kung iisipin nga natin, mapapa “Oo nga ano?” din tayo.

UN Survey.
“Would you please give your honest opinion about shortage of food in the rest of the world?”
Continue reading ‘Survey sa food shortage ng mundo’