blonde
Naalala ko si Blandina.
Siya yung batang blonde na nakilala namin sa Cavite.
Bully siya.
Madalas niyang inaaway yung mga batang kapitbahay nila.
Nang-aagaw siya ng pagkain at basta-basta nanununtok.
Pinoy siya, pero kalawangin ang buhok.
Kaya nga blandina ang tawag sa kanya.
Kanina nakapanood ako ng mga batang blonde sa tv.
Naiirita ako.
Hindi dahil naalala ko si Blandina kundi dahil nakakairita lang.
Ewan ko kung yun lang ang gusto nilang i-project sa audience pero nakakairita talaga sila.
Hindi ko alam kung bakit parang walang mga disiplina ang mga batang kulay mais ang buhok.
Di sumusunod sa magulang, brat at madalas, bully.
Naalala ko nung bata pa ako, madalas kong mapanood sa rescue 911 yung mga aanga-angang bata na wala namn talagang problema kung tutuusin. Mayaman sila, Nasa kanila na lahat ng laruan, pagkain at me yaya pa. Pero ano’ng ginagawa nila? Kundi kakainin yung laruan, ipapasok ang ulo sa bowl, o kaya sasakay sa truck hanggang makaladkad sa highway.
Ewan ko ba. parang walang commonsense. wala naman akong intensyong mangdiscriminate ng mga batang blonde. Sinasabi ko lang ang napapansin ko.
Idagdag mo pa ang nakakairita nilang mga mukha na puno ng freckles at ang nakakarindi nilang mga boses kapag nag-iyakan na sila. Ewan. sa tingin ko, ang tatamad nilang mga nilalang. tamad mag-isip, tamad kumilos. kaya hayun, madalas, napapanood ko sat v, yung ,mga batang malilikot, naiipit sa escalator o kaya sa elevator.
Halimbawa, kung nanonood kayo ng desperate housewives, yung mga anak ni lynette scavo, parang mga timang. ang lilikot. parang di naturuan ng magulang. wala namng problema kung tutusin, pero gumagawa ng problema. Wah. Hindi na lang para sa mga blondes yung sinabi ko, para na sa lahat ng mga tao na may iba’t ibang kulay ng buhok.
Basta. andaming tao na wala namang problema kung tutuusin, e gumagawa ng sarili nila ng malaking problema. parang yung minsang naging kaklase ko nung hayskul. Mayaman siya at suportado ng pamilya, pero nang malaman niyang ampon siya, ayun, nagdrugs, nakipagjugjugan kung kani-kanino at madalas nagpa-paabort. ewan. hindi ko nga rin alam kung bakit ko pinoproblema yung mga batang blondes eh.
Siguro dahil nakikita ko silang lahat na lalaki bilang si Paris Hilton. hay. kawawang mga blondes. Kumusta naman kasi ang imaheng pinoproject nila sa mga audience. Sa mga pelikula pa lang, andami nang mga dumb blondes na effective namn dahil talagang nakakairita sila.
Hehe. Kaloko. Gusto ko pa namn magpa-blonde, pero naisip ko, wag na rin.
Ayokong maging tulad nila. ah basta.
(Draft na sinulat ko noong 9/10/06 sa Pilipinas)

8 comments
Pansin ko rin yan. Nabibigla nga ako kasi kung nanonood ako ng palabas ng mga puti yung mga minor na artista nagmumura at nambabastos. Natural, gagayahin yun ng mga audience kasi akala nila tama.
Hay.. wag mong palakihin ang magiging anak mo dyan sa tate. Pauwiin mo muna dito sa atin
[Reply]
Waaah! parang mga pinsan ko lang sa Tate… kaya lang hindi sila Blonde. Pero mga utak blonde kasi nahawaan. ewan. tsktsk na mga bata.
[Reply]
LOL! I hate blonde kaya ako lol
Hehe ang tagal na nito ha kala ko ikkwento ang mga kalaro mo nung bata ka ay censored masama pala yun hehe…
[Reply]
oo nga.. dahil kay paris hilton, jessica simpson at sa mga teen flicks na may mga characters na “dumb blondes”, ang tingin ko lagi sa mga blonde ay shunga-shunga at parang happy-go-lucky… pero di pa rin natin dapat lahatin..
[Reply]
asa kultura yata yan, samjuan.
maging dito man, di ko maintindihan kung anong gusto nilang mangyari sa mga anak anak nila, ambabastos sa magulang at nag-iinarte sa publiko! ay naku, iniisip ko kung nasa pinas ang mga to malamang nakatikim na ng magasawang palo ng belt sa puwitan.
[Reply]
haha, oi samjuan, ilang beses ko naencounter ang “samjuan” sa nakaraang bloggers boozefest, at tinatanong ko kung sino si samjuan, at madalas ko din makita ang mga message sa iyo ng mga twitter frends ko…. ayun naman pala… kamusta naman?
lols, nanonood ka ng 911 nung kabataan mo, mukhang pareho tayo ng henerasyon, haha! piece!
uu, marami ngang ura-ura na blonde, mga batang blonde na bully, mga bata at matatandang blonde na pasaway… sila ang nagpapasaya sa mundo, sa kaeng-engan nila, ahaha!
[Reply]
samjuan, salamat sa pagbisita sa aking blag, parang kelan lan ay naririnig ko lang ang pangalang “samjuan” sa mga usapan ng mga blaggers, at nababasa ko lang ang pangalang “samjuan” sa twitter, pero ngayon ay nabisita ako ng isang “samjuan”, maraming salamats… napakaganda ng iyong header, pangako ahehehe!
samantala, sa usaping blonde, marami nga ang uura-ura sa kanila, mapa-bata o mapa-matanda, napakarami nilang pasaway…. aheheh… yun lang! ingats dyan!
[Reply]
blonde ako. hahahaha.san ka sa cavite? haha
[Reply]
Leave a Comment