Buhay Amerika (galing sa email)
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow.
Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..
Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse,creditcard, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedengtumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland,Seaworld , Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses,mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka satrabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
____________
Alam ko nabasa ko na ito noon, sa email din, pero nito ko lnag ito napansin nangmay mag-email ulit sa akin. Mas nakatawag-pansin ito sa akin siguro dahil nararanasan ko na ang ilan sa mga ito. Totoo ang karamihan sa mga sinasabi ng may-akda (kung sino man siya). Hindi puro saya, kinang at pera anghatid ng Amerika gaya ng iniisip ng karamihan nang nasa Pinas. Ang Amerika ay isanghigantengbansa ng oportunidat, isang malaking lugar para makapagsimulang muli, subalit isa din itong isang malaking magnet ng kalungkutan, isang malaking pagsubok ng katatagan, at isang malaking adventure na di dapat urungan.

24 comments
TOTOO.
Ang mahal ng yosi sa amerika = 6.50 WTF.
Akala nila kapag nakapunta ka nang Amerika, super yaman mo na. Nakakarelate ako tsong. At mahirap din ang buhay dyan (dahil mataas ang standard of living) at hindi kasing saya dito sa “lupang tinubuan” naks.
Nice post! Aprub aprub.:)
[Reply]
Nice article. Totoo nga yan. Ang mga tao kasi iniisip nila madali ang pera pag nakaalis na ng ibang bansa. Sana’y mamulat nga niya ang mga tao sa katotohanan.
[Reply]
gusto ko yung positibong tono mo sa bandang huli at uulitin ko lang: “isang malaking adventure na di dapat urungan”.
pagkatapos sabihin ang lahat, nakakalungkot lang isipin na karamihan ng tingin ng mga kamag-anak’t kaibigan sa pinas, na lahat na nag-aabrod ay obligasyon na mamudmod ng biyaya tuwing pasko o kaya pag uwi/bakasyon. hindi ko minumungkahi ang pagmamaramot bagkos isa ako sa naghihikayat na mamahagi ng nakakamtang biyaya sa mga kamag-anak man, kaibigan o sino pa na nangangailangan. ang pinupunto ko lang yung nakasanayang ‘pag-iisip’ at ang nakagisnang pananaw ng mga tao sa atin tungkol sa ‘obligasyon’ ng isang nag-aabrod. at nakakalungkot ding isipin, na minsan sa kagustuhan mong maging parehas sa lahat ng binibigyan mo (lalo’t sa kamag-anak) meron pa ring magtatampo.
sa tingin ko hindi sana naging pang-materyal lang ang pag-iisip natin kung lahat ay produktibong naghahanap buhay at kumikita ng sapat. siguro dala na rin lahat ito sa kakulangan ng opurtunidad pangkabuhayan, ang pakiramdam na nakakaangat sa kapwa dahil sa galing-amerikang kasuotan, at ang pag iisip na maghigit masarap ang tumanggap kesa magbigay. ang diwa ng pagiging malalahanin, pakikipag kapwa, pagbibigay ay madalas sinusukat sa tatak at halaga.
hindi man magandang pakinggan subalit lutang pa rin ang pag iisip na tatak ng tinatawag ng third-world na bansa na nagiging sagabal sa ating sabayang pag unlad bilang pilipino.
[Reply]
Mhhhmmm… ako, meron akong relative na gustong kumuha sakin para magtrabaho bilang nurse sa Amerika, kaso ayaw ko. Sa ngayon ayaw ko talaga.
[Reply]
marami nga nagsasabing mahirap ang buhay sa amerika.. perO ang totoo, bumaba na rin ang dolyar.. mas mataas pa ang euro.. perO mahal talaga ang pera sa amerika katumbas d2 sa pilipinas.. perO di natin maiiwasan na marami pa rin ang nangangarap na makarating jan.. :p
[Reply]
I like this article. Both my parents are in the US and I got the perception that they lived a fancier life there.
I realized the hard way that they were not having fun living there and all they did was work. Ever since, I never took for granted anything my mom and dad gave us or did for us. I thank them everyday…
[Reply]
nabasa ko na rin yan dati. oo nga, lahat ng sinabi diyan ay totoo, although yung ibang figures outdated na. ehehehe…. gayunpaman, sumasalamin pa rin ang kabuuan nito sa katotohanan.
[Reply]
[...] samjuan » Buhay Amerika (galing sa email) [...]
[...] samjuan » Buhay Amerika (galing sa email) [...]
Korek Ka diyan!
[Reply]
Maaring mas malaki ang kinikitang pera kesa sa Pinas, pero hindi madaling kitain ang pera sa ibang bansa
[Reply]
Talagang yosi boy ah. Hehe.
oo. Wala dito ang saya.
Asa Pinas
[Reply]
Natumbok mo kabayan Isa nga marahil sagabal sa kolektibong pag-unlad ng mga Pinoy ay ang tatak ng pagging third world.
Nakakalungkot lang yung kaisipan ng maraming Pinoy na pag asa abroad ka, eh dapat hindi ka kuripot, dapat ganito ka na, na kesyo mayaman ka na, nakupo!
.
[Reply]
Sa ngayon, angmga nurses at nagtatrabaho sa Medical field ang mga humahakot ng pera dito sa Amerika. =)
try mo lng pag gusto mo na.
[Reply]
Sinabi mo. Noong kumukuha pa alng kami ng visa ay sandamakmak na ang nakapila sa US Embassy aakalain mong may pila ng wowowwee o eat bulaga.
Grabe lang.
Totoongmas malaki ang value ng dolyar kumapara sa Piso natin. mantakin mong (sabihin na nating) isang dolyar eh times 40 agad anlaki diba?
[Reply]
Tama yan kabayan.
Mahalin mo ang mga magulang mo.
Isa kang mabuting anak.
Salamat sa pagbisita
[Reply]
Luma na kasii kaya outdated na angpresyo.
Malamang mas tumaas na ang mga presyop pero ganun pa din naman ang pinupunto niya.
[Reply]
Diba? Salamat s pagdalaw
[Reply]
salamat din sa pagbisita. sure pwede pong i-link ang blog ko at i link din kita.
[Reply]
how true! wla naman ako sa amerika pero close enough na rin dahil andito ako sa inglatera. sa totoo lang doble ang presyo dito compared sa amerika. fyi, talambuhay ko ang movie ni ate shawie na care giver. haha
hindi nga, tumataya na nga lang ako sa lotto nang makauwi na sa mainit kong barong barong sa davao.
[Reply]
Wow! sa INglatera ka pala! Astig! Hehe
[Reply]
Walang anuman! Congrats din sau!
[Reply]
totoong totoo yang article na yan
[Reply]
kayod kalabaw. Pagod na pag uwi sa bahay. wala yung mga barkadang pedeng ayain kahit saan kahit kelan kse lahat nakaschedule sa kalendaryo. walang kapitbahay na pedeng katsismisan. Walang kapitbahay na pedeng makikain kung wala kang ulam. malungkot.
but it’s the price we pay para sa mga tinataguyod natin sa pilipinas.
[Reply]
Leave a Comment