mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Charisse Pempengco sa Oprah

Kahapon, mga tanghali dito, nakatanggap ako ng mga updates na ilang munto na daw ay lalabas na sa Oprah Winfrey Show si Charisse Pempengco (na Charisse na lang daw ngayon). Siyempre hindi naman ako nakapanood dahil asa opisina ako, kaya heto, salamat sa youtube at posibleng mapanood ang mga na-miss mo na palabas.

Pansin ko lang, parang tumatangkad nga si Charisse. Naku, nagdadalaga. Baka mamaya pumiyok siya. Haha

Hala! Baka naman lalaki si Charisse! (oy,joke lang po sa mga Solid Charisse fans, fan din naman ako) kaya siya tumatangkad habang nagdadalaga. Hala, naalala ko naman si Judiel sa kanya. Yung dating batang pinagpala na pinakikitaan ng Birheng Maria na inakala ng lahat na babae pero lalaki pala, tas naging singer tas ang cross dress tas lalaki na ulit. oha? Hayun.Pero di naman siguro lalaki si Charisse. Sori na naisip ko si Judiel at naisip ko na baka posible yun na mangyari kay Charisse.  Pero di din. natutuwa lang talaga ako kay Charisse.

 

3 comments

1 tagabukid { 05.14.08 at 11:55 pm }

CHARISSE WOWS OPRAH…yes, proudly PINOY!!!

[Reply]

2 boi { 05.15.08 at 12:08 pm }

akala ko ba hindi ka fan ni Charice… nanonood lang sila sa opis mo kaya nahahawa ka. hahaha :P peace sam, you know naman me… hahah

[Reply]

3 iamsamjuan { 05.15.08 at 12:41 pm }

Kay tagabukid: wow talaga! hehe!

[Reply]

Leave a Comment