hugasan mo ako
Sa dinami-dami ng mag kaibigang nakapalibot sa’kin, naisip ko na
ang mga kaibigan pala ay parang shampoo.
Ang pagpili ng kaibigan ay parang pagbili ng shampoo sa tindahan.
Iba’t ba ang ibinebentang serbisyo.
May pampahaba, may pampabango, may pampalambot, may pampa-itim, may nagbibigay ng shine, may para kang nagpa-cellophane,
May nagbibigay ng treatment, para kang nagpa-salon,
May para kang nag-hair spa,
May para kang nagpa-hot oil,
May para kang nagpa-aroma therapy
May nagbibigay ng “ang gaan-gaang feeling,”
May anti-dandruff,
May limited edition,
May pang-baby,
May 2 in 1,
Meron sa sachet,
Meron din naman sa bote.
Maraming variants. Iba-iba ng presyo. Iba-iba ang sinasabi.
Pero lahat sila, shampoo.
Ika nga, kahit saan makakatagpo ka ng kaibigan.
Parang shampoo. Kahit saan makakatagpo ka ng shampoo.
Kahit sa gubat meron din-yung gugo na ginagamit ng mga katutubo, tsaka yung gatas ng niyog na ginagamit pa rin sa madaming probinsya.
Tulad ng shampoo, madaling makatagpo ng kaibigan ngunit mahirap makatagpo ng magtatagal sa’yo, yung magiging hiyang sa’yo, yung tipomng gagamitin mo pang-habangbuhay, yung palagi mong hahanap-hanapin at bibilhin.
Marami na’kong nasubukang shampoo, may mga nag-click sa anit at buhok ko, meron din naming hindi.
May mga di ko inaasahang magugustuhan ko,
Meron din naming mapagpanggap.
Yung akala ko nung una ay mapagkakatiwalaan, subalit puro harsh chemicals pala ang laman.
Nakakaaliw ang mga shampoo, kanya-kanyang gimik para mabili. May kanya-kanyang makukulay na bote para bumenta. Pero nasa atin pa rin naman ang desisyon kunganong shampoo ang bibilhin natin.
Parang pagpili ng makakasama at magiging kaibigan.
************
Wala na kasi kaming shampoo.

13 comments
ano ba gamit ng shampoo, wala ako nun e
[Reply]
emo post tungkol sa shampoo. haha.
magpapakafeelingera na ako at gusto kong isipin na ako yung all-in-one shampoo.
=D
at… ngayon ko lang narealize. wala ka yata sa blogroll ko.
[Reply]
namiss mo lang ako eh. sorry naman na hindi kita nasasamahan sa last two days
promise kung pwede lang naman eh… sasamahan kita. san kaya ako dyan na shampoo? hmm…
=P
[Reply]
ako sam ang klaseng kaibigan na anti-dandruff… dahil pag kasama moko, sasabog na parang mt. pinatubo lahat ng balakubak mo. pwamis.
can we be prends? link kita ha. salamat very many.
[Reply]
Wow! exciting ka palang kaibigan eh. Hehe.
Sige. Link lang ng link kabayan!
Link din kita!
[Reply]
Basta isa kang mabangong shampu
[Reply]
Yun naman doc mnel! Sabi ko na nga ba at all-in-one ka eh!
Ayun. andun na ako sa blog roll mo. Salamats!
[Reply]
lahat ng shampoo mabango kamon.
[Reply]
isa akong gugo - luma at natural pero epektibo.. hehehe!
[Reply]
Yun naman yun! Hehe!
[Reply]
Kung flickr lang ito, na-favorite ko na itong entry na to. Tama ka, ang kaibigan nga ay parang shampoo. Meron talagang nakakabalakubak, at nakakalagas ng buhok.
Link kita dun sa isang blog ko!
[Reply]
great analogy…. ahehe, pero naisip ko din, ang kaibigan ay para ding ballpen, lapis, sabon, cellphone, tsinelas, walis tambo, walis tingting, haha…. pero kahit saan pa man maihalintulad ang kaibigan, there’s no other place like home… kung anong konek, wala lang, feel ko lang sabihin, ahehehe! yay, nanggugulo na ako XD
[Reply]
May shapoo na sa umpisa, pag bagong launch, sobrang bisa! Walang katulad! Pag bumebenta na, ayun, bula na lang. Wala na yung magandang pagtanggal nila ng mga produktong pambuhok na pampapogi. Pakiramdam ko ganito na ang Clear styl-express. Dati sobrang ok, ngayon di na. Emo comment, har! Cool header you got here.
[Reply]
Leave a Comment