mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

kursunada

Ok lang na maging crush ka o kainggitan for a while eh, kaso iba na kapag nakursunadahan ka dito ng mga hinayupak na taong walang magawa sa buhay.

Kanina kasi habang kausap ko ang kaibigan ko sa cellphone at naghihintay ng bus pauwi eh may gagong may saltik na nakursunadahan ako. Noong una wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Akala ko tamang bored lang siya sa paghihintay sa bus kaya palakad-lakad siya sa harap ko.

Ako naman tuloy ang pakikipag-usap sa kaibigan kong may problema kung mag-eexam na ba siya ng IELTS o hindi. Kung ano-ano na yung napagkukwentuhan namin, dahil bihira naman kaming mag-usap nung taong yun, kaya naman nanag mapatawa niya ako, eh hindi ko na na-repress pa ang tawa ko at tumawa ako ng malakas. Yung tamanag malakas lang naman, hindi yung OA na tawang papansin na dinig sa kabilang kanto. Tama lang na tawa. Tamang ha-ha.

So ayun nga, napa ha-ha ako. Ha-ha lang ako ng Ha-ha hanggang sa napa-ha?! na lang ako ng yung gagong hinayupak na pangit na mamang may saltik sa harap ko ay nakatitig sa akin nang nakamulagat ang mata at ginagaya ako. Nag ha-ha din siya. Nampucha siya! Ha-ha din siya ng haha. Sabay palit ng seryosong mukha. Tamang may saltik lang talaga. Siyempre kinabahan naman ako. PEro pinabayaan ko siya. Nag ha-ha lang ako. Bakit ba. Gago siya gumaya siya hanggang gusto niya. Tas ang loko, aba, di umalis sa puwesto niya at talagang tumitig pa sa akin.

Iniwas kong makipag eye-contact sa kanya. Kabilin-bilinan kasi ng tita ko dito na huwag daw makikipag eye-contact dahil madaling mapikon ang mga tao dito at madami ngang mga may saltik dito na wala atang ibang misyon sa buhay kundi mang-perwisyo ng buhay ng iba.

Buti na lang dumating sa bus stop yung pamilyang kasama namin sa bahay na inuupahan namin. Napansin nila si gagong mama. May aura siya ng mga tipikal na kontrabida sa mga lumang pelikulang Pilipino. Naka-maong na madumi, Kupas na polong de-butones, at mala kontrabidang mukha. Naku judgmental na’ko kung judgmental pero medyo kinabahan naman ako nung nakipag ha-ha si gago sabay shift ng expression ng mukha. Pero hindi naman yung kaba tulad nung nahold-up ako dati sa may batasan sa Quezon City, ay iba na yun. May naganap nang tutukan ng baril at icepick nun. Kinutuban lang ako ke gagong mamang may saltik. Pero anupaman ang mangyari, handa naman akong lumaban.

Naka-cheeseburger na ata ako.

Napansin ko lang kanina, nung sa unang sakay ko ng bus pauwi, tinanong ako ng ka-opisina kong kahawig ni Hagrid sa mga pelikula ng Harry Potter, kung nagku-kung fu daw ba ako. Nagulat naman ako sa tanong niya kasi naalimpungatan ako mula sa nakawna idlip sa bus. Nagka-karate ako dati, at mahilig manood ng kung fu, pero kung fu? Haha. Asa. Nakita niya pala yung ad ng kung fu panda sa isang bus kaya niya naitanong. Sabi ko na lang sa kanya, “The Panda knows kung-fu, not me.” Hehe

Tapos kanina, nung bumili ako ng mga phone cards na pantawag sa Pinas, nakalanghap na naman ako ng matapang at masangsang na amoy ng marijuana. Wow. Grabe lang ang pagka-garapal ng mga taong nagmamarijuana dito. Siguro isa dun sa mga naka-park na kotse yung may tumitira ng marijuana. Hanggang sa bus stop, amoy na amoy ang marijuana.

Anyways, ayun nga, naalala ko lang yung mga yun kasi parang mga senyales ng panganib. Nakatulog ako sa mga unang bus na sinakyan ko at sa tren kaya naman medyo umokey na ako. Tapos nang makaramdam ako ng gutom eh nag-cheeseburger ako sa Mcdo.

Balik tayo kay gagaong mama na may saltik. So dumating na ang bus, sumakay na ako pati sina kuya at ate na kasama sa bahay. Akala ko wala na poreber si mamang gaya-gaya ng ha-ha, but no! Aba! Sumakay ang loko! Malayo namna ako sa kanya. Kaso, panalo, tingin ng tingin sakin ang gago. Taena niya, pasalamat siya may kausap ako. Di na ako muling tumawa. Nainis tuloy sakin yung kausap ko. Ano daw nangyayari sa’kin. Shempre nakikiramdam ako sa kung ano’ng pwedeng gawin ng mokong na yun, kaya alerto din ako.

Nakipag-usap pa siya sa mamang naka-wheelchair doon sa unahan ng bus. Hindi naman siya todohang may saltik, medyo lang. buti medyo malapit na lang yung babaan namin mula sa bus stop na pinagsakayan namin. Si gago nakaporma pa at pumwesto sa may pinto ng bus. Di ko siya pinansin. Asa naman siya. Pero medyo natakot pa din ako. Oh well, mas nakakatakot pa din yung college teacher ko.

Naisip ko na lang, naiinggit siguro siya kasi tumatawa ako at may cheeseburger. Ampf. PWede naman niyang sabihing pahingi ng berger diba?!

0 comments

There are no comments yet...

Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment