Published on
May 17, 2008 in
Jokes.
Three contractors are bidding to fix the White House fence.
One from the Philippines , another from Mexico and an American.
They go with a White House official to examine the fence.
The American contractor takes out a tape measure and does some measuring, then works some figures with a pencil. Well,’ he says. ‘I figure the job will run about $900: $400 for materials, $400 for my crew and $100 profit for me.’ Continue reading ‘Iba (daw) talaga ang Pinoy’
Sam1: Mag-toothbrush ka nga!
Sam2: Nababahuan ka na ba sa hinihinga kong mga sama ng loob sa’yo?
Continue reading ‘Make it a toothbrush habit’
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=kqzL3xznfiU[/youtube]
Pinahanga ni Gian Dapul, isang incoming senior sa Philippine Science High School, ang mga hurado’t iba pang mga kalahok sa English Speaking Union’s International Public Speaking Competition na ginanap sa London, United Kingdom noong ika-9 ng Mayo nitong taon.
DInaig ni Gian ang mahigit sa limampung mga kalahok mula sa tatlumpu’t limang mga bansa sa mundo na kasapi ng English Speaking Union sa kanyang speech na Fish Mucus and Foot Fungus.
Ayon sa balita, ang relax na pagbibitaw ng linya na may halong pagka-komedya ang nakapagpanalo kay Gian.
Isa na naman itong proud Pinoy moment!
Mabuhay ka kabayan!
Apat na taon na ang nakaraan nang iuwi ni Patricia Evangelista ang panalo sa nasabing patimpalak sa kanyang speech na Blonde and Blue eyes.
Heto ang kopya ng speech ni Gian Dapul na nakapagpanalo sa kanya:
Continue reading ‘Gian Dapul, Fish mucus and foot fungus winning speech sa ESU’
Sana mamatay na lahat ng yosi na may sindi sa mundo.
Nakakasulasok na kasi ang usok eh.
Eh hindi mo naman basta-basta maawat ang mga taong nagyoyosi, lalo na kung parte na ng buhay nila yun-na tipong pang-alis ng tensiyon sa katawan, pantanggal stress, pampa-init kapag malamig ang panahon. Kay nga sana isang araw eh mawalan na alng ng sindi ang mga yosi ng mga taong walang pakialam sa pagkasunog ng mga baga nila at sa pagkakaroon nglung cancer ng mga katabi nilang nakakalanghap ng usok. Continue reading ‘wish ko lang’
Q. What’s the difference between corruption in the US and corruption in the Philippines ?
Continue reading ‘Joke sa araw na ito’
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=HeGUYY2TnCI&e[/youtube]
Kahapon, mga tanghali dito, nakatanggap ako ng mga updates na ilang munto na daw ay lalabas na sa Oprah Winfrey Show si Charisse Pempengco (na Charisse na lang daw ngayon). Siyempre hindi naman ako nakapanood dahil asa opisina ako, kaya heto, salamat sa youtube at posibleng mapanood ang mga na-miss mo na palabas.
Pansin ko lang, parang tumatangkad nga si Charisse. Naku, nagdadalaga. Baka mamaya pumiyok siya. Haha
Continue reading ‘Charisse Pempengco sa Oprah’
Ok lang na maging crush ka o kainggitan for a while eh, kaso iba na kapag nakursunadahan ka dito ng mga hinayupak na taong walang magawa sa buhay.
Kanina kasi habang kausap ko ang kaibigan ko sa cellphone at naghihintay ng bus pauwi eh may gagong may saltik na nakursunadahan ako. Noong una wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Akala ko tamang bored lang siya sa paghihintay sa bus kaya palakad-lakad siya sa harap ko.
Ako naman tuloy ang pakikipag-usap sa kaibigan kong may problema kung mag-eexam na ba siya ng IELTS o hindi. Kung ano-ano na yung napagkukwentuhan namin, dahil bihira naman kaming mag-usap nung taong yun, kaya naman nanag mapatawa niya ako, eh hindi ko na na-repress pa ang tawa ko at tumawa ako ng malakas. Yung tamanag malakas lang naman, hindi yung OA na tawang papansin na dinig sa kabilang kanto. Tama lang na tawa. Tamang ha-ha. Continue reading ‘kursunada’
Hindi ko alam kung ano’ng meron sa mga bus stops na binababaan ko. Kundi mga naghahalikang mag-asawa ang makikita mo eh mga batang emo na naglalaplapan ang nanakaw ng atensiyon mo habang naghihintay sa bus.
Di naman ako naiilang ng todo sa mga naglalaplapan. Bahala sila. Trip nila yun eh. Isa pa, sa pangkalahatang kultura naman ng mga Kano eh tanggap naman ang magpakita ng affection kahit sa mga pampublikong lugar.
Emo sila, as in parang yung stereotipikal na emo sa mga palabas sa tv at sa mga magazines. May emo bangs, emo tirik ng hair, emo eye-liners, emo skinny jeans, emo sneakers, emo nails, basta emo na lahat. Yun na. Ayun nga, naglalaplapan sila like there’s no more emo tomorrow. Akala ko mga batang kano lang sila na may rumaragasang agos ng teen hormones at hayok na hayok sa laway ng isa’t-isa. But lo, and behold! Mga pinoy pala sila! Ampf!
Nagulat lang ako dahil nang magpaalam na sila sa isa’t-isa,( si emo girl eh sumakay na ng bus, at si emo boy eh naiwan sa bus stop) ay nagtagalog sila pareho! Wala. NAgulat lang ako. Literal. Mas nagulat ako dun kaysa sa nakita ko dati sa bus na nagdidilaan naman ng palad. Oha? San ka pa. Sa susunod ikukwento ko naman yun. Mejo inaantok na ako. 1041 na ng gabi dito. May pasok pa mamaya. Hehe
Presenting, si kuya na winner sa lahat ng mga “You’re a Filipino if…” videos na napanood ko sa youtube kanina.
[youtube]http://youtube.com/watch?v=sEn6-5prp-s&feature=related[/youtube]
Ka-chat ko yug isang kaibigan ko kanina na nagre-research tungkol sa youtube at sa mga Pinoy o kulturang pinoy kaya naman naghanap-hanap kami ngmga videos sa youtube. Nakakagulat na madaming videos ang lumabas na may pamagat na: “You know you’re a Filipino when…”, ”How to know you’re a Filipino”, “The Filipino accent” at kung anu-ano pang may labels na “Filipino”, “Pinoy”, at “Flip”
Ang nakapukaw ng interes ko dito ay kung hindi mga Fil-ams o mga Pinoy sa PInas ang mga gumagawa ng videos, eh mga dayuhan. Madalas pinagtatawanan yung mga PInoy, Pinoy accent at Pinoy culture. Kundi naman eh mag-iiwan sila ng sarcam sa mga videos nila o kaya mga pilit na pagpapatawa.
Anupaman, wala naman talagang exclusively na makakapag-kahon ng konsepto ng kung ano at sino ba talaga ang mga Pinoy kasama ng kultura nito. Kung titignan natin, eh masyado nang mabilis at dynamic ang pagbabago ngayon dulot teknolohiya, globalisasyon, akulturasyon at marami pang ibang mga salik.
Sa ngayon, heto muna ang ilan sa mga nakuha kong You’re a Filipino If… mula sa internet: Continue reading ‘You're a filipino if…’
4:30 na ng hapon dito, Lunes, at naamoy ko pa din yung amoy ng watusi na dumikit sa ilong ko mula kaninang umaga. May bumista kasing lalake ditto na mag-checheck ng cartridge na inorder naming dito sa opisina. Asyano si kuya. May mga puti nang buhok. Dalawang guhit ang mga mata. Amoy watusi siya.
Walang halong biro. Dahil sa lakas ng kanyang pabango, naalala ko tuloy ang bagong taon sa Pinas, kung saan amoy na amoy sa mga kamay naming noong mga bata kami yung watusi. Kiskis dito,kiskis doon.
Si kuya hindi naman magalaw so wala siyang masyadong friction, but no! amoy watusi pa din siya. =(
Continue reading ‘watusi, check!’
SamComments