mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Pink Lola

“In the Philippines, we are taught of the history of other countries, even Armenians, we know about Armenians, the Hebrew, the Persians…” sabi ni Lola in pink sa kausap na Armenian habang naghihintay ng bus sa bus stop.

“We know a lot about other countries.”

“Ahh. That’s great.” Sabi naman ni manong Armenian.

“Armenia is poor. Turkey is rich.” Hirit niya kay lola na naka terno ng pink.

Pink ang blouse niya. Pink ang slacks niya, pink ang sandals niya, pink ang hat niya, pink ang frame ng salamin niya, pink ang dala niyang mga supot, pink ang strap ng relo niya, pink ang sumbrero niya na may pink na bulaklak, pink, pink. Siya na nag pink! Buti na lang hindi pink ang ngipin niya at mata niya.

Hindi ako o.a. pink talaga si lola. Feeling ko idol niya si Paris Hilton o kaya fixated siya kay barbie nung bata.

Anyways, muli kong narining ang usapan nila ni kuyang Armenian. Hindi ko naman talaga pinapakinggan ang usapan nila. Nagkataon lang na yung tinatawagan ko sa telepono ay hindi ko makontak kaya di ko naiwasang mapakinggan ang pagkukuwento ni pink lola. Isa pa, tawag pansin naman kasi yung kulay niya. Buti nga hindi neon pink ang pagka-pink eh. Tamang pink lang. Parang si Pink five ng bioman. Parang yung pink ni Pink ranger. Basta ganung pink.

“I hope every nation gets ok. I mean, every country becomes friends. Filipinos, Armenians, Arabs, Japanese, even Americans.”

“Even Americans are divided, the democrats…and what is that? Yeah, the republicans!”

Sabi ni lola. Di ko masyadong marinig yung mag sagot ni kuyang Armenian dahil mahina ang boses niya.

“You know what, my youngest son, my son in law, is Irish!”

May sinagot si kuya pero yun nga mahina ang boses niya.

“And one of my sons, is Korean. He’s in South Korea. My other daughter is American.”

“And you know what, my father is half Italian, half Spanish, Half Japanes and Half Filipino!”

Waw. Andaming hati-hati ng dadi ni lola. Oha?! San ka pa?

“Haha (mahabang tawa ni lola in pink na may pahampas pa kay kuya) You know, even some of my relatives traced a Hebrew blood in us! Imagine that! Oh my god! Hebrew blood. I wonder what is next. Maybe I’ll find out that I have a russian blood. Haha. Or one of my daughters would go to Russia. Haha (more tawa more fun naman siya)”

Ilang minuto pa ng tawa niya at kwento ng kanyang mga multi-national na anaks ay natanaw na namin ang bus. Pareho pala kami ng sasakyan na bus. Pumwesto na siya sa may sign post na may bus number kung saan ako nakatayo. Lumingon siya sa akin. Nginitian ko siya. Matigas na ata mga facial muscles niya kaya di na siya nakangiti kaya ok lang sa’kin. Sabi niya:

“Are taking the same bus? Where are you going?”

“Ah, jan lang po sa kanto. Malapit lang. Kayo po?” Nag-Pilipino na ako kasi narinig ko namang galing siyang Pilipinas at kahit Ingles siya ng Ingles eh puntong Pinoy pa din siya.

Lumayo siya ng tingin sa akin at sinabing

“Ok. I’m just new in the area so sometimes I get confused.”

Ay. Iningles ako ni pink lola. Malamangnaintindihan naman niya ako kasi sumagot siya. Kaya nag-ingles na din ako.

“I know. It takes a while before you can get used to the busses here.”

“Ok. Sabi niya.”

Umakyat na siya ng bus.

Siya na ang naka-pink.

10 comments

1 Chester { 05.19.08 at 9:18 pm }

hahaha. what an experience. alam mo, nag eenjoy tlga akong magbasa ng mga entries mo.

[Reply]

2 yoshke { 05.19.08 at 11:16 pm }

natawa ako sa half-half-half-half. So dalawang buong tao pala sya. hihi.

Nakakatawa nga yung ganun. Kahit ako, natrace namin na may German at Spanish blood pala kami.

[Reply]

3 sam-body =P { 05.20.08 at 1:02 am }

ay. ipokrits si pink lola. pity her.

“I hope every nation gets ok. I mean, every country becomes friends. Filipinos, Armenians, Arabs, Japanese, even Americans.”
“Even Americans are divided, the democrats…and what is that? Yeah, the republicans!”

Sabi ni lola.

tapos biglang Filipino-hin mo eh biglang layo ng tingin at English galore. Tss.

=P

[Reply]

4 =P { 05.20.08 at 1:03 am }

para na silang dogie ng pamilya niya… maraming breed. hahah :)

[Reply]

5 sam-body =P { 05.20.08 at 1:06 am }

ay. ipokrits si pink lola. mepa-

“I hope every nation gets ok. I mean, every country becomes friends. Filipinos, Armenians, Arabs, Japanese, even Americans.”
“Even Americans are divided, the democrats…and what is that? Yeah, the republicans!”

Sabi ni lola.

tapos Filipino-hin mo. tingin sa malayo at sabay Ingles… tss.

[Reply]

6 iamsamjuan { 05.20.08 at 6:22 pm }

Sinabi mo. Iba talaga si lola! Haha. Salamat sa pagbisita!

[Reply]

7 iamsamjuan { 05.20.08 at 6:23 pm }

Wow! German ka pala eh! astig!
Oo, andaming niyang half. naisip ko nga baka naman mananaggal siya. Haha

[Reply]

8 iamsamjuan { 05.20.08 at 6:23 pm }

Haha

[Reply]

9 mnel { 05.21.08 at 11:54 am }

natakot ako. ano kayang itsura ni lola sa dami ng half niya? doble ang ulo niya? ang katawan? hehe. at mega-pink siya. hindi kaya siya ang lola ni pink 5?

[Reply]

10 iamsamjuan { 05.21.08 at 2:26 pm }

Mukha naman siyang normal. Naghuhumiyaw langa ng pagka-pink niya. haha

[Reply]

Leave a Comment