Sa pagkakaroon ng anak

Kapag ako magkakaanak, paplanuhin kong mabuti ang agwat sa pagitan ng edad nila. Gusto ko kasing maging magkaibigan ang mga anak ko. Yung tipong buddies sila para hindi na sila maghanap pa ng kapatid sa katauhan ng ibang mga tao.

Hindi din kas praktikal na malayo masyado ang agwat nila. Mga dalawa hanggang tatlong taon ayus pa. Pero pag umabot na ng anim na taon pataas, asahan mo nang hindi magiging madali sa kanila ang magkasundo habang lumalaki sila. Malamang magiging magkaiba ang kanilang interes, mga grupo sa komunidad at mga bagay na gagawin. Dahil dito mas magiging mahirap ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

Shempre, depende pa din ito sa pagpapalaki mo sa anak mo bilang isang magulang. Kung magkagayon man at talagang di maiiwasnag malayo ang agwat nila sa isa’t isa, dapat maituro na sa mga anak habang mura pa lamang sila sa mundo na hindi sila magkakumpitensiya ng kapatid/mga kapatid niya. Dapat habang bata pa sila ay maiparamdam na ng magulang na pantay ang kanyang pagtingin sa mga anak. Dapat ding makapaghanda nag mag magulang ng maraming mga gawaing makapagpapalago ng lalim ng pagsasama ng mga anak.

Ayun. Nararamdaman ko kasi na sa mga darating na araw ay magkakaroon na ako ng anak. At ito ang guso kong mangyari. Base sa aking karanasan, mahirap (pero posible naman) na magkasundo ang magkapatid na malayo ang agwat at naging magkaiba nag mundong kinalakihan.

10 Responses to “Sa pagkakaroon ng anak”


  • yay, pangalawang site na ito na nabasa ko na gusto na magkaanak, ahehe, uso ba? ako din gusto ko pag nagkaanak buddies sila, kasi kami gusto ko yun eh, d ko kasi naexperience yun… hehe, o basta tandaan, kung sila ay mahal nyo… magplano… wala lang… *toink*

  • aba kaibigang sam mukhang lumalawak na ang pananaw mo sa buhay ah. congratulations para diyan. huwag mong alalahanin ang agwat ng magiging anak mo, ang importante lagi kayong lalabas bilang isang pamilya. hindi lang sila silang magkakapatid ang magiging close kundi kayo ring magpapamilya.

    ikaw talaga pinalalabas mo ang serious side ko. natutuwa ako dahil ang pagpaplano ng pagkakaroon ng pamilya ay magandang simulain. naway maging maaliwalas ang pagpasok mo sa panibagong yugto ng iyong buhay.

    yippee!!! mabuhay ka!

  • nakakatawa, kakapost ko lang rin ng anak related post =D

  • Hala balak ko rin gumawa ng blog entry about my future kids haha kamusta naman yun :p

    after heartbreak posts uso naman ngayon anak post lol

  • mag kakaanak ka na ba?! eheheh

  • Yup 2-3 y/o ang recommended na agwat ng pag aanak ayun narin sa DOH yan haha..may ganun? Kung kailangan nyo ng contraceptives information tanong lang kau sakin bwahaha!

  • masarap nga kung malapit ang agwat ng mga anak para barkada lang sila…pero maganda din na malayo para kung tumanda na yung isa, may kasama ka pa din…

  • i agree sam! dapt tlga hnde malayo ang agwat ng age.

  • hahaha! congrats you’ll be having a baby =))

  • huwaw. planadong planado na ah.

Leave a Reply