mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

umi-emo

Hindi ko alam kung ano’ng meron sa mga bus stops na binababaan ko. Kundi mga naghahalikang mag-asawa ang makikita mo eh mga batang emo na naglalaplapan ang nanakaw ng atensiyon mo habang naghihintay sa bus.

Di naman ako naiilang ng todo sa mga naglalaplapan. Bahala sila. Trip nila yun eh. Isa pa, sa pangkalahatang kultura naman ng mga Kano eh tanggap naman ang magpakita ng affection kahit sa mga pampublikong lugar.

Emo sila, as in parang yung stereotipikal na emo sa mga palabas sa tv at sa mga magazines. May emo bangs, emo tirik ng hair, emo eye-liners, emo skinny jeans, emo sneakers, emo nails, basta emo na lahat. Yun na. Ayun nga, naglalaplapan sila like there’s no more emo tomorrow. Akala ko mga batang kano lang sila na may rumaragasang agos ng teen hormones at hayok na hayok sa laway ng isa’t-isa. But lo, and behold! Mga pinoy pala sila! Ampf!

Nagulat lang ako dahil nang magpaalam na sila sa isa’t-isa,( si emo girl eh sumakay na ng bus, at si emo boy eh naiwan sa bus stop) ay nagtagalog sila pareho! Wala. NAgulat lang ako. Literal. Mas nagulat ako dun kaysa sa nakita ko dati sa bus na nagdidilaan naman ng palad. Oha? San ka pa. Sa susunod ikukwento ko naman yun. Mejo inaantok na ako. 1041 na ng gabi dito. May pasok pa mamaya. Hehe

6 comments

1 sanyata { 05.09.08 at 4:55 am }

kamusta naman ang nagdidilaan sa bus?

freakazoid.

E kasi naman dun sa city of angels ka, malamang talagang maraming ganun siguro. Haha.

[Reply]

2 boi :P { 05.09.08 at 5:58 am }

<3 i kissed you goodnight dear sam ingat sa pagpasok mamaya :D hahaha!

[Reply]

3 boi { 05.09.08 at 9:50 am }

<3 i kissed you goodnight and goodmorning sam hahaha! u teker.

[Reply]

4 xG { 05.09.08 at 6:09 pm }

harujosku
nagtagalog?
hahaha

ano bang meron
sa mga pampublikong sasakyan
at napapablog ka tungkol doon?
hahahaha

emo ako
pero sa palagay ko
di ako mapalagay sa pagkawindang mo
sa pagtatagalog nila

di ako makaget ober sa reaksiyon mo
hahaha

[Reply]

5 yoshke { 05.09.08 at 10:06 pm }

uuuy, may sarili na syang domain name. congrats. haha

[Reply]

6 bisita { 05.21.08 at 1:28 am }

bakit special mention ang pagka-emo nila? may pinagkaiba ba ang paghahalikan ng taong hindi emo sa emo?

[Reply]

Leave a Comment