mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

watusi, check!

4:30 na ng hapon dito, Lunes, at naamoy ko pa din yung amoy ng watusi na dumikit sa ilong ko mula kaninang umaga. May bumista kasing lalake ditto na mag-checheck ng cartridge na inorder naming dito sa opisina. Asyano si kuya. May mga puti nang buhok. Dalawang guhit ang mga mata. Amoy watusi siya.

Walang halong biro. Dahil sa lakas ng kanyang pabango, naalala ko tuloy ang bagong taon sa Pinas, kung saan amoy na amoy sa mga kamay naming noong mga bata kami yung watusi. Kiskis dito,kiskis doon.

Si kuya hindi naman magalaw so wala siyang masyadong friction, but no! amoy watusi pa din siya. =(

Agad naman siyang umalis paglatapos niyang mainspect ang printer namin, pero yun lang, nag-iwan siya ng bakas ng chinese new year sa opisina.

Bandang alas tres nang may amoy na kumontra sa watusi scent ni kuyang bisita. Mas matindi ang amoy. Yosi. Yosi sa opisinang kulob ng aircon. Kaya walang pagtanggi naman kaming nag-hello ng mga ak-opisina ko sa second hand smoke na nanggagaling sa kuwarto ng second big boss ko.

Nagyoyosi na naman si boi. Gusto niya na atang mapaaga ang pagsasara ng kumpanya nila kaya yosi siya ng yosi sa loob ng opisina.

Hayun, natabunan tuloy yung amoy ng watusi na dulot ng bisitang kuya.

Ayan, mas gusto ko na yung amoy watusi kaysa amoy yosi.

Matagal na din ako ng huling makaamoy ng watusi. Akalain mong sa opisina ko pa yun maamoy? Haha


1 comment

1 tagabukid { 05.06.08 at 3:22 am }

rhyming…watusi…yosi…cool!

[Reply]

Leave a Comment