wish ko lang
Sana mamatay na lahat ng yosi na may sindi sa mundo.
Nakakasulasok na kasi ang usok eh.
Eh hindi mo naman basta-basta maawat ang mga taong nagyoyosi, lalo na kung parte na ng buhay nila yun-na tipong pang-alis ng tensiyon sa katawan, pantanggal stress, pampa-init kapag malamig ang panahon. Kay nga sana isang araw eh mawalan na alng ng sindi ang mga yosi ng mga taong walang pakialam sa pagkasunog ng mga baga nila at sa pagkakaroon nglung cancer ng mga katabi nilang nakakalanghap ng usok.
Tulong na din yun sa inang kalikasan na malamang eh sakal na sakal na sa usok na binubuga ng mga smoke-belchers. Naman, sa mga kalalakiha, kung gusto niyong mabawasan ang sperm count niyo, at di makabuntis, maraming ibang paraan na hindi nakakaliit ng junjun. Sa mga kababaihan naman, kung gusto niyong mang turn-off ng lalake/babae/tao sa pangingitim ng labi at pagkabaho ng hininga, may iba pa ding paraan na di nakakaperwisyo ng iba.
Nampucha naman kasi to ng not-so-bog boss ko eh. Yosi ng yosi sa loob ng opisina na naka-aircon!
Woohoo. Goodluck talaga sa mga baga namin.
Iniisip ko pa kung paano ko sasabihin kay super big boss yung concern ko eh.
Daka ma-offend sila at magalit sakin at patalsikin ako sa trabaho.
Dati kasi, nang pigilan kong magyosi ang tatay ko, nagalit siya sa akin.
Yun na ng alang kaligayahan niya, pinipigilan ko pa siya.
Eh paano naman ang kaligayahan ng iba diba? Ang kaligayahan ko?
Ehem. Hayun. So ngayon, habang tinatayp ko ito ay lumalanghap ako ng usok mula s ayosi ni not-so-big-boss dito sa opis. takte.
Di naman ako naiinis sa taong mahilig mag-yosi eh. Yung pagyoyosi niya ng wala sa lugar ang nakakakulot ng buhok sa ilong!
Grr.
Sana mamatay na lahat ng may sinding yosi sa mundo.

10 comments
gumawa kayo ng petition diyan sa opisina. pwede rin yung signature campaign! ahahaha!
[Reply]
hahaha. tinamaan ako ng malupit duon ha?! hahaha. pero naiintindihan kita. smoker ako pero i am a responsible akong smoker. kailangan parin ikonsider ang mga non-smokers. you guys ought our respect dapat! hehehe
[Reply]
nakanang! magyosi sa loob na may aircon, bantot nyan men, ako malakas ako magyosi pero dito sa office pag may nagyosi sa cr habang jumejebs, at may aircon din tong office ansama ng pang amoy ko…
[Reply]
pag nakalingon, kuhain mo yosi itapon mo pag bumili ulit kuhain mo ulit tapos itapon mo hanggang sa mapilitan na siyang wag ipakita ang yosi niya sa loob ng opisina kasi biglang nag eevaporate ang yosis niya.
[Reply]
Kay Kingdaddyrich: Hehe.pwede!
Kay wanderer: Tama!
Kay kulot: Sinabi mo mehn!
Kay boi: Haha. Baka mapatalsik ako sa opis
[Reply]
shempre wag ka magpahuli sam
or pagsalit-salitan ninyo ng mga ka opis mong iba hehehe :))
[Reply]
You have a very kind wish. I used to wish that one day, ALL smokers in the universe would just drop dead. Imagine the rollback in world population and global warming. But my Friends began disliking me for that. So now I wish for ALL smokers in th universe to one day just stop moving.
[Reply]
aray….
[Reply]
Hehe. Wag naman smokers. Andami nila eh. Baka malumpo ang mundo. MAwala na lang lahat ng yosi one day. Oks na yun
[Reply]
Pinigilan ko rin si Tatay dati, pero mas malakas ang powers ng yosi. Kaya ayun, kahit sa sasakyan, nagyoyosi. Medyo naglie-low siya kamakailan kasi nagka-Asthma kapatid ko. Subukan mo kayang magpanggap na hinihika, yung tipong hindi na talaga makahinga. Dapat awrd-winning ang acting para makonsensya at doon na sa labas magsunog ng baga. May gehd. Nakakaloka ang boss mo!
[Reply]
Leave a Comment