Monthly Archive for June, 2008

Boto ni Samjuan

Heto ang aking mga pambato para sa Top Ten Emerging influential blogs project ni Ms Janet Toral

(in no particular order)

Filipino Voices- (a Collective Voice) –dahil idol ko sila at minsan sa buhay ko ay pinangarap ko ding maging astig na manunulat tungkol sa mga nagaganap sa lipunan ng bansang Pilipinas
http://www.filipinovoices.com/

Missing Carlo (ni Ate Micamyx)- blog na buhat sa pagmamahal ng ateng si Micamyx s akanyang kapatid na si Carlo. Awww
http://missingcarlo.filblogs.com/

Fritzified.com (ni Fritz Tentativa)- halo-halo. Mga adventures ni kabayang Fritz, angkanyang mga gimiks at pagkakawanggawa. Nakakaaliw ang kanyang mga larawang kinukunan.
http://fritzified.com/

Cinemabuzz (ni Coco Collantes) – heto ang isa sa mga blogs na binibisita ko kapag nasa opisina ako. Nakakaaliw dahil may mga mapupulot kang mga kung ano-ano tungkol sa iba’t ibang pelikula sa mundo
http://cinemabuzz.i.ph/

http://marroxas2010.blogspot.com/ (Kevin Ray Chua)- hindi ako hard-core Mar Roxas fan. Nakakaaliw lang yung dedeikasyo ni Mister Kevin sa kanyang blog at pagpi-pimp kay Mr Palengke. Panalo!

http://www.alifebe.com/ (Alan Lim)-akala ko pinoy siya, but no, hindi pala. Haha. Mukha kasing sa maynila lang kinunan yung ibang mga larawan sa blog niya. Ok na din. Basahin niyo minsan. Hindi naman naka Chinese character ang mg anakasulat doon. (Sori kuya, may naisip akong Pinay na contender mo. Hehe)

All Knowing Superboi (Superboi Sam)- Yun ang pangalan ng Pinay na ito na nakakatuwa at nakaka-inspire ang mga isinusulat. Puno ng mga pasaring sa pag-ibig at samundo ang kanyang blog kaya nakakaaliw basahin. Alam ko makulay siyang tao at lovable sa personal.

http://inherent-omniscience.blogspot.com/

Menthol-guy (Kevin) –Isa pang Kevin sa listahan ko. Yosi-boy daw siya gaya ng boss ko pero di naman siya nagyoyosi sa opisina kasi estudyante pa lang siya. Magaling sumulat ang batang ito na kilala din pala bilang utakgago.

http://menthol-guy.com/

http://holdencaulfieldisms.wordpress.com/ -napadpad ako sa blog niya dahil sa paggu-google ko kay Holden Caulfield. At poof! Astig siya magsulat. The blog speaks for its url.

http://www.sosickoftaxi.com/- mga kwentong taxi. Minsan nakakatawa. Minsan aliw lang, ganun. Sana meron ding sosickofbusses na blog. Haha

http://talamascaisms.blogspot.com/ (ni Talamasca)- Kupal siya. Puro mga Fuck, shit, watchamacallit, at iba pang mga slang sa kalye ng Amerika ang gamit niya. Naisip ko nga baka batang kano siya na na time-space warp somewhere sa Pinas kaya siya ganun. Pero anupaman, nakakaaliw naman yung kakupalan niya at mga panlalait niya. May punto naman din siya minsan. Ktnxbai!

Diaz, ginawang punching bag ni Pacquiao

(AP Photo/Jae C. Hong)

Unang round pa lang nagpakitang gilas na si kabayang Manny Pacquiao sa ring. Ambibilis ng mga suntok niya. Parang mga super upper-cut at jab combo sa Street Fighter o kaya sa Marvel versus Capcom. Tipong ganun. Continue reading ‘Diaz, ginawang punching bag ni Pacquiao’

Emerging

Isang malaki at madaming pasasalamat kina kabayang Fritz, Ederic at Nina sa pagbabanggit sa blog ng inyong lingkod sa kanilang listahan ng mga nominadong blogs sa Top-10 emerging Influential blogs of 2008.

Bagama’t pakiramdam ko ay sa emerging na category pa lang magsu-swak ang blog na ito (dahil hindi naman ganoon kaimpluwensiya si Samjuan, hehe) ay lubos ang pasasalamat ko sa kanilang mga naniwala. Salamat din sa iyo na padalaw-dalaw at pabasa-basa dito.

Padayon!

Sira

sa amerika?

Nang masira yung sinasakyan kong tren sa subway kaninang pauwi ako, hindi ko inaasahang magpapanic ang karamihan sa mga tao katulad ng OA na pagpa-panic nila sa mga pelikula. Yung mga tipong “OHHMAYHGHAAAD!!!” “WHAT THE HELL?!” “WHAT THE…(insert word)”

Well, hindi naman OA na OA na tipong may stampede. Parang may mild panic lang. Na-OA-yan ako dahil kagagaling ko lang mula sa pagkakahimbing nang mag-ingay ang mga reklamador na kasabay ko sa tren (kano, kana, mexi-kano, afri-kano, filipino-emeri-kano, intsikano, lahat na!) pagkatapos nila magrinig yung announcement ng operator na sira daw ang tren at wala daw munang tren na darating. Continue reading ‘Sira’

Bilog ang buwan

Ngalay ang mga daliri ko kahapon kakatype sa opisina ng mga pinataype ng bosing ko. Mantakin mong magpa-type ng mga pangalan at address mula sa kay-liit na mga fonts. Tipong size 8 yata yun tapos apat na columns sa isang page. Buti na lang at pag-uwi ko ay nakapaglaba na ang kapatid ko. Hindi lang yun, nakapag-luto na din siya at hindi lang basta kanin at ulam ang niluto niya. Pinagluto niya ako ng sinampalukang manok. Continue reading ‘Bilog ang buwan’

Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs

Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.

Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.

Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable. Continue reading ‘Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs’

blackout

Mahigit dalawampung minuto na ang nakakalipas nang bumalik ang kuryente dito sa amin. Nagising ako ngayong madaling araw mula sa pananaginip ng aking mga kaklase noong highschool.

Nakita ko si roberto na chubby pa din at mahilig sa pokemon na may dalang gitara na may mga pindutan at nakakapapatugtog ng mga mp3s. Alam ko magre-report siya. Continue reading ‘blackout’

Heroes at Broadway

Sabi dati sa napanood kong cartoons, kapag may gusto kang hilingin sa buong sanlibutan, ibulong mo daw sa hangin kasi ang hangin nakakapaglakbay sa maraming lugar. Basta ba bukal sa puso mo ang iyong kahilingan ay wala kang dapat ipangamba.

Kanina, habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakbay papunta sa opisina ay pasikreto kong ibinulong sa hangin ang kahilingan ko sa araw na ito.

“Sana mabigyan ako ng break at mapasama sa cast ng TV Series na Heroes. Kahit kapatid lang o pinsan ni Hiro Nakamura. Basta kahit tulungan ko na yung writers na gumawa ng plot para sa’kin. Mabigyan lang ako ngbreak. Yung tipong naglalakad ako sa downtown tapos may lalapit sa’king casting agent tapos sasabihing, ‘Boy! You’re perfect for the role!’ Ganun.”

Continue reading ‘Heroes at Broadway’

Jolly day

Nasabihan akong pogi nung sexy mexican chick na staff ng Jollibee. Binuo niya ang araw ko. Siyempre kahit alam kong nang-uuto lang siya, ay malakas pa din ang naging talab sa akin nung sinabi niya. Masarap din kasing makarinig ng pang-uuto paminsan-minsan.

At dahil sa maganda siya at tinawag pa niya akong pogi, nalimutan kong hindi masarap yung nakain kong spaghetti-chickenjoy combo. Unti-unti ko ding nalimutan na kulang sa tamis yung raspberry iced-tea na inorder ko. At siyempre, nalimutan ko na ding kulang sa lasa ang gravy nila para sa chickenjoy na sunog.

Continue reading ‘Jolly day’

Mag-imagine muna tayo

Ano nga kaya kung walang Pinoy sa mundo ano?  Pusta ko hindi masaya. Madami ang malulungkot. Parang may kulang. Siguro masyado akong assumtionista sa sinasabi ko. Siyempre may self-serving bias ako sa lahi ko. Ganun talaga. Pero kung iisipin nating mabuti, hindi man kasing dami ng mga Intsik ang mga Pinoy, eh damang-dama naman ng mundo ang ating kolektib na presensiya. Kahit na negatibo o positibo mang presensiya yan, dama ng mundo kapag Pinoy na ang bumira.

Gusto kong ibahagi sa inyo itong article na nahanap ko sa internet na sinulat ng isang taga gitnang silangan tungkol sa kahalagahan ng mga Pinoy sa kanyang buhay.

Heto:

Imagine a world without Filipinos
Abdullah Al-Maghlooth | Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa

Muhammad Al-Maghrabi became handicapped and shut down his flower and gifts shop business in Jeddah after his Filipino workers insisted on leaving and returning home. He says: “When they left, I felt as if I had lost my arms. I was so sad that I lost my appetite.” Continue reading ‘Mag-imagine muna tayo’