Ngalay ang mga daliri ko kahapon kakatype sa opisina ng mga pinataype ng bosing ko. Mantakin mong magpa-type ng mga pangalan at address mula sa kay-liit na mga fonts. Tipong size 8 yata yun tapos apat na columns sa isang page. Buti na lang at pag-uwi ko ay nakapaglaba na ang kapatid ko. Hindi lang yun, nakapag-luto na din siya at hindi lang basta kanin at ulam ang niluto niya. Pinagluto niya ako ng sinampalukang manok.
Parang may sapi siya kahapon. Bihira kasi siyang gumawa ng gawaing bahay. At magluto? Naku, once in a blue moon lang yun mangyari. Kaya naman nawala lahat ng pagod ko kahapon. At muntik ko nang makalimutan, naglinis din siya ng kuwarto namin. Nakakapanibago lang.
PInagluto niya din ako ng baon kong ulam para sa araw na ‘to. Beefsteak. Talagang nag-effort pa siya para magluto kahit na alam kong pagod na din siya. Bihira lang siyang maging ganito kaya samantalahin na. Isa pa, nung sabi ko ipagluto niya ulit ako kinabukasan, sabi niya mag-eexpire na daw sa alas dose ng gabi yung kasipagan niya. Ang kupal lang. Ganoon kakupal yung kapatid kong babae peromahal ko siya.
Kahit na mataas ang antas ng mood-swings niya, ayus lang. Madalas kasi siyang topakin. Tipong manunuplada lang maghapon, iiyak, magsusungit, manghaharot, (maglagay pa ng ibang mga gawain o ka-topakan ng mga tao dito) nang buong maghapon.
Nito na lang din naman kami mas naging malapit sa isa’t-isa. Wala na nga namang ibang magdadamayan dito sa bansang ito kundi kami-kami din lang. Ganun siguro talaga kapag nararamdaman mong walakang masyadong malapit na kaibigan o kakilala sa isang lugar. Mas matututunan mong mahalin ang mga kapamilya mo.


yiii
sweet ni sister. hahaha
Reply
samjuan reply on June 25th, 2008 1:54 am:
Bihira lang yun. Ngayon expired na ang sweetness niya.Haha
Reply
wahaha. sana ganyan din sister ko. haha. asa pa.
Reply
samjuan reply on June 25th, 2008 1:54 am:
Malay o diba, may sumapi din sa kanya at bumait siya bigla. Hehe
Reply
Yung kapatid kong si Carlo pinagluto ako ng spagetti at sinigang noon :p
Reply
samjuan reply on June 26th, 2008 11:57 pm:
Aww. Ang sweet ni Carlo!
Reply