blackout
Mahigit dalawampung minuto na ang nakakalipas nang bumalik ang kuryente dito sa amin. Nagising ako ngayong madaling araw mula sa pananaginip ng aking mga kaklase noong highschool.
Nakita ko si roberto na chubby pa din at mahilig sa pokemon na may dalang gitara na may mga pindutan at nakakapapatugtog ng mga mp3s. Alam ko magre-report siya. Nandun din si Patrick. Mahiyain pa din siya at may makapal na balbas. Bunot pa din ang buhok niya at medyo malangis ang mukha. Nagrereport siya tungkol sa mag-asawang pinirito. Tapos umupo ako sa upuan na walang armchair, malayo sa ibang mga nasa classroom. Tapos nakaramdam ako ng uhaw, tapos nagising na ako, tumingin sa labas ng bintana, at narinig ang pagpaparamdam ng bagbabalik ng kuryente.
First time kong makaranas ng brownout dito sa Amerika. Another first.
Sabi kasi nila pagdating ko dito never daw na nagba-brownout o blackout dito. Well, nasira na ang paniniwala nila.
Para ka lang din nasa Pinas. Yun nga lang, hindi mga Pinoy ang mga boses na maririnig mo sa labas kapag namatay na ung ilaw. Tapos mas tahimik. Balik payak ang lahat. Parang sa sandaling panahon, pakiramdam ko bumalik ako sa Pilipinas, sa kama ko sa prubinsiya, sa kama ko sa dorm ko noong college, sa kama ko sa kwartong inuupahan namin sa Cubao.

0 comments
Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment