(AP Photo/Jae C. Hong)
Unang round pa lang nagpakitang gilas na si kabayang Manny Pacquiao sa ring. Ambibilis ng mga suntok niya. Parang mga super upper-cut at jab combo sa Street Fighter o kaya sa Marvel versus Capcom. Tipong ganun.
Kasabay ng bawat bira niya at ng mga hiyawan ng mga tao sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas, Nevada, ay ang matinding lebel ng excitement na may halong pasigaw-sigaw nang “Sige!!” “Uum!” “Upakan mo! Ayan! SIge pa!” ng tatay ko.
Magaling ang pinakitang performance ng pambansang kamao ng Pilipinas sa laban niya kani-kanina lang. Pinatumba ng mabibilis at malalakas niyang mga kamao ang kalabang si David Diaz sa round 9. Si Manny Pacquiao na ngayon ang ma hawak ng titulo ng WBC lightweight champion. Tiyak tumigil ulit sandali ang mundo sa Pilipinas at saglit na huminto ang krimen.
Mabuhay ka kabayang Manny Pacquiao!
Sana ay maging totoo ka sa mga sinabi mo sa telebisyon at gamitin mo sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ang perang napalanunan mo!
Mabuhay kang muli!


congrats kay manny!!!
pwede na siya magretire… yaman na niya…
waaaah. kahit ano gawin ko, hindi ko maappreciate ang boxing. too violent for me. haha