mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Galing Pinoy?

Panalo naman talaga ang mga pinoy pagdating sa pagkakakitaan. Kani-kanina lang napanood ko sa TV Patrol sa TFC yung bagong modus operandi ng mga magnanakaw ng pera sa ATM.

Ang nangyayari, nilalagyan nila ng aluminum foil na may pandikit yung nilalabsan ng perang wini-withraw sa ATM. Kaya naman kapag may nagwi-withraw, walang lumalabas na pera. At siyempre, kapag nabinyagan ka ng ganitong karanasan, eh magtataka ka at maari mong isiping may sira ang makina ng pera. Tapos sa susubukan mong tumawag sa 1-800 na customer service kaso , mas madalas na wala naman sasagot na tao sa iyo. Kaya ikaw, bilang taong nagulat sa pangyayari ay uuwi na lang na puno ng pagtataka at tanong sa pangyayari. Maiinis ka kasi wala kang pera na na-withraw. At iisipin mo na lang na i-report ang pangyayari sa susunod na pagkakataong mapapadaan ka sa branch ng bangko.

Pag nakalayo ka na sa ATM branch na di naglalabas ng pera, tsaka naman lilitaw yung mga matatalinong naglagay ng takip sa labasan ng pera tsaka kukunin yung perang winithraw mo. Why not diba? Sa hirap makahanap ng pera ngayon kailangan ng creativity para mabuhay. Sino nga naman makaka-isip nang ganun di ba? Kaysa garapalan nga naman silang mangholdap eh di maging mautak na lang daw sa pagkuha ng pera.

Siguro sila yung mga frustrated hold-uppers pero kinulang sa lakas ng loob. Sana hindi yun napanood ng ibang mga lahi na naggagago dito. Pero well, di din naman nila magagwa yun dito kasi kada ATM machine dito may camera na nakatutok sa mukha. Huling huli ka agad. Mga Pinoy talaga o. Magaling eh, lalo na pag nagigipit. Yun nga lang madalas sa hindi magandang bagay nagagamit ang kagalingan.

3 comments

1 aaronjames { 06.15.08 at 5:45 am }

lahat ng panggugulang, asahan mo napakabilis matutunan. haaay. hindi ko naman masabi na dala ng krisis kasi noon pa man, talamak na ang ganitong mga bagay. maging maingat na lang. yun na nga lang siguro.

[Reply]

2 sam { 06.15.08 at 1:42 pm }

antagal ng modus nito :D baka nakapag isip na sila ng bago :D heeheh

[Reply]

3 kulot { 06.15.08 at 11:32 pm }

yan ang pinoy, magaling sa pag imbento

[Reply]

Leave a Comment