Heroes at Broadway

Sabi dati sa napanood kong cartoons, kapag may gusto kang hilingin sa buong sanlibutan, ibulong mo daw sa hangin kasi ang hangin nakakapaglakbay sa maraming lugar. Basta ba bukal sa puso mo ang iyong kahilingan ay wala kang dapat ipangamba.

Kanina, habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakbay papunta sa opisina ay pasikreto kong ibinulong sa hangin ang kahilingan ko sa araw na ito.

“Sana mabigyan ako ng break at mapasama sa cast ng TV Series na Heroes. Kahit kapatid lang o pinsan ni Hiro Nakamura. Basta kahit tulungan ko na yung writers na gumawa ng plot para sa’kin. Mabigyan lang ako ngbreak. Yung tipong naglalakad ako sa downtown tapos may lalapit sa’king casting agent tapos sasabihing, ‘Boy! You’re perfect for the role!’ Ganun.”

Simple lang naman ang hiling ko. Sana narinig yun ni Tim Kring, producer ngHeroes o ng kanyang mga alipores na naghahanap ng cast. At sana din, eh na-translate ng hangin yung mga sinabi ko para maintindihan ng mga kanong producers at staff.

Sa haba ng biyahe ko papasok sa opisina tuwing umaga, (dalawang oras, at partida ala pang traffic jam ito at nagsa-subway pa ako) ay napakarami kong nakikita at napapansin kapag hindi ako natulog sa biyahe.

Tulad halimbawa nung ohhlala na magandang African American na babae na nakasabay ko sa bus. Matangkad siya ng onti sa akin, payat, pero may boobs, maganda ang bone structure ng mukha, maganda ang mga labi, maganda ang mga mata, pang model, at pawisan! Napansi n ko siya kasi halos lahat ng babaeng nakatayo na natatapat sa kanya eh kinakausap niya. Yung lugar kasi sa bus kung sa’n siya nakaupo eh parang sa mga jeep o MRT sa Pinas na harapan ang upuan. Kaya meron at merong tao na tatayo sa harap mo.

Anyways, mas lalo niyang nakuha ang atensiyon ko ng banggitin niyangumaarte siya sa broadway, sa New York. Napa-Wow na lang ako ng tahimik. Astig siya. Sana ako din makapag-broadway baling araw. Hindi ako marunong sumayaw pero napag-aaralan naman yun. At sa palagay ko, kaya naming makipagsabayan ng boses ko sa mga boses nila. Ano ba ‘to. Puro ako pangarap kapag nakasakay sa bus eh.

Naisip ko ding pormahan itong si Ms. Victoria. Narinig ko nga palang Victoria daw ang pangalan niya. Seksi. Ano kaya ang kanyang mga secrets? Haha.

Balang araw, Samjuan will go to broadway and shock the world! (Insert evil Laugh)

4 Responses to “Heroes at Broadway”


Leave a Reply