Kanina pasado alas diyes na ng gabi ako narating ng bahay. Kadalasan kasi, alas siyete y media o kaya hanggang alas otso ang talagang late ko na pagdating. Na-late ako ng uwi kasi nagkita kami ni Lady S.
Si Lady S. yung hot momma na nakilala ko sa bus na sinasakyan ko papasok sa opisina. Nabanggit ko na siya noon dito. Yun yung panahong binabalita sa tv sa bus yung mga oso na lumalamon ng tao.
Anyways, nagkakilala kami ni Lady S. noong mga panahong pangiti-ngiti ako sa bus. Yung yung mga panahong I see the sunny and orangey and the happy side of the sidewalks. Basta trip kong pintahan ng ngiti ang mukha ko noon para naman gumaan-gaan ang pakiramdam ko.
Yun yung mga panahong nakakamagnet ako ng mga ngiti sa mga taong hindi ko inaasahang magbibigay sa’kin ng ngiti. Tulad halimbawa nung African American na babae na kulay pula yung buhok (as in literal na bloody red) na nakatali nang dalawang bilog sa ulo niya na parang mga bilugang pan de regla, na iniirapan ang mga tao sa bus at nagme-make face sa mga tao, pero bigla siyang lilingon sa akin at titirahin ako ng kanyang mapang-akit na ngiti. Yung tipong napapa- rawrr siya. Isipin mo pa-demure siya pero anlaki niyang bulas. Parang nag volt-in yung mga higante niyang boobies sa tiyan niya tas ang bilog bilog niya sabay ngingiti siya sa’yo na parang asong gustong mangagat. Wah! Minsan naman may Hispanic na lola na naggagantsilyo ang lingon ng lingon sa akin. Mukha siyang Nova Villa na kulang sa paligo na naggagantsilyo ng kulay pink na yarn. Kada mabubuo niyang chain eh lilingon siyha sa akin at ngingiti. Siyempre nag alinlangan din ako kung pilingero lang ba talaga ako ng todo, pero wala akong katabi nung mga panahong yun. So ayun, nginitian ko na lang din si lola. Haha.
Anyways, balik tayo kay Lady S. Si Lady S. ay mukhang Latina na nasa late 20s o 30s na. Mukha siyang Latina. Malaki ang pagkakahawig niya kay Idina Menzel. Medyo kulang lang siya ng ilang paligo. Pero ok siya. Nang unang magtama ang aming mga mata sa bus, binati niya ako ng kanyang mga ngiti. Tapos tumabi siya sa akin. Tapos nagsabing “Hi! How are you?” Siyempre ako namna ay nag-alinlangan noon na sagutin siya. Kabilin-bilinan kasi nila sa akin dito, Never talk to strangers. Pero dahil pasaway ako, nag- “hi” din ako. May bonus pa, “Hello!”
TInanong niya kung kumusta ang pag-aaral ko. Ampucha. Napagkamalan na naman akong bata. Sabi ko tapos na’ko mag-aral at angtatrabaho na ako. Gulat na gulat si Hot momma Lady S. Tipong Oa sa gulat sabay smile. “Wow! You must be a very bright boy! I like you!” Muntik ko nang masabing “I like you too!” kaso nagpigil ako. Tas hayun nagkwento siya na nagtatrabaho daw siya sa downtown sa fashion industry na nagde-design daw siya, na taga Nepal daw siya at mag-isa lang siyang nabubuhay dito sa Amerika. Nauna siyang bumaba sa akin. Nagpalitan kami ng numero. Sabi niya tatwagan niya ako.
Naghintay ako noon ng tawag pero wala akong natanggap mula sa kanya. Ilang Linggo din ang lumipas at angkasabay ulit kami sa bus. Shempre, bungad na naman niya sa akin ang kanyang mga yum yum yummy na ngiti! Kwentuhan kumustahan, ganun, ta s inulit na namna niya na gusto niya ako. Hmm. Parang… wala. Ayokong magfeeling s apuntong yun. Ang tiyak ko lnag, may gusto siyang mangyari sa’ming dalawa. Haha. Nag-sorry siya. Tinatawagan daw niya ako pero di niya ako ma-contact. Sabi ko wala akong natatanggap na tawag. Sabi niya, weird. Sabi ko, yeah. Tatawagan daw niya ako ulit.
Wala pa din akong natanggap na tawag. Nagkita ulit kami sa bus. Sa pagkakataong ito, hiningi niyang muli sa akin ang number ko. Nawala daw niya ang number ko. Sabi niya ba’t daw di ako tumawag sa kanya. Aba, demanding? “If there’s a will there’s a way.” Si ate, cliche. Haha. Sabi ko, yeah, I’ll call you sometime. At hayun, noong araw na yun sinabi niya na gusto niya akong kunin sa busines sniya. Sabi niya ala daw muna siyang maipapangako. Basta tatawagan daw niya ako.
Linggo. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Lady S. Sabi niya magkita daw kami kinabukasan ng alas siyete sa ganitong street sa ganitong lugar. Ako naman napaisip. Shet ano kaya ito. Hindi kaya human smuggler siya at balak akong ibenta sa Nepal para gawing alipin? O kaya naman bait-baitan si hot momma para gawin akong porn-actor. Wah. Hindi pa ako handang mag-porn! Hindi pa. Nakakatakot. Oo, madaming pera doon, pero kung magpo-porn man ako, dapat magtakip ng mukha o kaya mag-maskara. Mahirap na. Baka mapirata sa Pinas at maibenta pa yung kopya sa Quiapo mapanood pa ako ng mga kakilala ko. Wah!
Kinabukasan na ako nagbigay ng sagot sa kanya at umoo ako. 5:30 ang labas ko sa opisina. Dumadating ako sa may istasyon ng tren sa may downtown ng 5:45. So mga isang oras at mahigit ko pa siyang hihintayin doon.
Kanina lang naghintay ako ng mahigit isang oras sa may upuan sa may park sa gitna ng mga higanteng buildings ng bangko sa downtown. Buti na lang may park dun. At buti na lang may nagtiyagang kumausap sa akin sa cellphone.
So pagkaraan ng mahigit bisang opras, nagkita kami at nagtungo sa starbucks. Oha, parang eyeball scenario lang sa Pinas. Haha. Panalo! Tas mula doon, nagbolahan na naman kami. Sabi niya ang positive daw ng aura ko at anggganda ng smile ko. Shempre ngiti namna ako lalo. Sabi ko naman ang ganda niya ang ang ganda ganda ng aura niya. Sabi niya gusto daw niya ang attitude ko kasi napaka-positive ko daw. Tas sabi ko naman dapat maging positibo kasi andami nang negatibo s amundo dadagdag pa’ko. Lalo namna siyang natuwa sa akin.
Nilibre niya ako ng kape. At sinimulan na niyang ibahagi sa akin ang kanyang business. Kala ko maglalabas siya ng porn dvd sa bag. Nabigo ako. Haha. Naglabas siya ng ballpen at papel at sinimulang i-discusss sa akin ang e-commerce. Ay nagulat naman ako diba? Haha. Pero di ko pinakita. So binnigyan niya ako ng madaming overview ng business niya. Tas me nakaka-enganyong figure siya na binigay, na tipong kikita daw ako ng 2500$ a month, mahina pa daw yun. Shempre kumislap ang aking mga mata dahil matindi nga ang aking pangangailangan. Sabi niya ano ang mga pangarap mo na gagawin mo sa pera kung halimbawang kikita ka ng ganun pwera pa sa kinikita mo sa trabaho mo sa umaga? Bawal yung sagot na iipunin. Basta dapat gagastusin. Ang hirap! May quiz pa! Sabi ko, una, mag-aaral ako ulit. Pangalawa, pag-aaralin ko kapatid ko, pangatlo, tutulungan kong makarating dito ang nanay ko para one big uber happy family na kami. Natuwa namna siya sa sagot ko at nagkwento na siya ng kanyang humanitarian stories. Siya pala ay tumutulong sa mga babae sa Nepal. At kwento pa niya, gustong gusto daw niya yung nakakatulong sa kapwa. Kaya daw sobrang naeengganyo siyang tumulong. Kaya daw tutulungan niya ako kasi may nakita siyang potensiyal sa akin. (Potential husband? Ikee. Haha.)
Anyways, isasama daw niya ako sa business meeting bukas ng gabi. Ako naman napa-ay! Bukas na?! shet. Dapat daw naka business attire ako. Takte. Wala akong Amerikana dito kahit tie. Long sleeves, meron, pero tie at black shoes, ampf wala din. Wah. Bahala na. Sabi ko baka gabihin na namna ako ng uwi. Sabi niya ihahatid daw niya ako bukas at wag daw akong mag-alala. Madami daw siyang ipapakilala sa akin madami daw mga ka-edad ko at mas bata pa sa akin na may mga malalkaing kita. Hmm. Sounds family ang kwento. May mga napuntahan na din kasi akong business seminars na tipong yayaman ka sa ganito ganyan pero ala lang. Joketime lang. Sana ito hindi. Eh parang pagba-blog lng naman sinasabi niya. Sana maging owkei bukas ng gabi.
11:25 na ng gabi. Medyo kumikirot na nag ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog sa tren. Nakakatakot kasi mga kasabay ko. Mukhang anytime pwede kang saksakin. Tapos antagal pa ng bus. Kaya grabe. Pasado 10:00pm na ako nakauwi. Andami pang mga lasing at bangag (literal na bangag sa droga o anuman) na nakasakay. Yung iba ang ingay at nagpapapansin. Takte talaga ‘tong parteng ‘to ng Amerika.
Pagpalain sana ako ng maykapal at sana maging maayus bukas. Nae-excite ako kasi makaka-meet ako ng mga tao. Hehe.

gudlak! sana di yan joketime, para yumaman ka na ng todo-todo at ipapamahagi mo samin yung ibang kayamanan mo.. hehe!
networking? heheheh daming nasa ganyang business ang magaling magsalita e …yung iba naman galing magsalita tapos tututukan ka… di tutok ng balisong ha? basta tututukan ka tapos tutok na tutok pa talaga! Kaya ingat ka…nagantso na ko minsan ayaw ko ng maulit pa lol!
nakow! networking dami ng naloko dito nyang ganyan a
mag ingat ka sa pinapasok mo, hokei?
selos ako.
still,
DON’T TALK TO STRANGERS!
ayan, makinig ka ke kingdaddyrich. pinagalitan ka tuloy.
at aba. meh nagseselos. hahahaha nakakatawa namn.