Monthly Archive for June, 2008

Page 2 of 2

Be Practical daw

If your suitor will ask you what you want,

chocolates?

floers?

stuffed toys?

neclace?

Oh come on! Continue reading ‘Be Practical daw’

Galing Pinoy?

Panalo naman talaga ang mga pinoy pagdating sa pagkakakitaan. Kani-kanina lang napanood ko sa TV Patrol sa TFC yung bagong modus operandi ng mga magnanakaw ng pera sa ATM.

Ang nangyayari, nilalagyan nila ng aluminum foil na may pandikit yung nilalabsan ng perang wini-withraw sa ATM. Kaya naman kapag may nagwi-withraw, walang lumalabas na pera. At siyempre, kapag nabinyagan ka ng ganitong karanasan, eh magtataka ka at maari mong isiping may sira ang makina ng pera. Tapos sa susubukan mong tumawag sa 1-800 na customer service kaso , mas madalas na wala naman sasagot na tao sa iyo. Kaya ikaw, bilang taong nagulat sa pangyayari ay uuwi na lang na puno ng pagtataka at tanong sa pangyayari. Maiinis ka kasi wala kang pera na na-withraw. At iisipin mo na lang na i-report ang pangyayari sa susunod na pagkakataong mapapadaan ka sa branch ng bangko. Continue reading ‘Galing Pinoy?’

Don't fear Kukoman is here

Panalo ‘to! kahit tunog brand ng toyo yung title, super angas naman at astig yung trailer na napanood ko sa website ng animation na ito. (i-click ito para sa trailer)

Natagpuan ko si kukoman kakagala ko sa mga websites habang hindi ako inuutusan ni super big boss sa opisina.

Puntahan niyo yung website. Mukhang astig ‘to.

Dalawin niyo din sila sa megatrade hall. Alam ko may cosplay doon.

Sayangat hindi ako makakapunta, kaya kung nababasa mo ito at hindi ka naman busy sa June 14, hala sugod na sa Megatrade Hall 2 at 3 sa SM Megamall.

[youtube]http://youtube.com/watch?v=rQlEx4EzihI[/youtube]

*Eto ata yung unang release nila ng trailer para sa astig na animation na ito

Kung bakit parang mapapadalas ang late kong pag-uwi

Kanina pasado alas diyes na ng gabi ako narating ng bahay. Kadalasan kasi, alas siyete y media o kaya hanggang alas otso ang talagang late ko na pagdating. Na-late ako ng uwi kasi nagkita kami ni Lady S.

Si Lady S. yung hot momma na nakilala ko sa bus na sinasakyan ko papasok sa opisina. Nabanggit ko na siya noon dito. Yun yung panahong binabalita sa tv sa bus yung mga oso na lumalamon ng tao.

Anyways, nagkakilala kami ni Lady S. noong mga panahong pangiti-ngiti ako sa bus. Yung yung mga panahong I see the sunny and orangey and the happy side of the sidewalks. Basta trip kong pintahan ng ngiti ang mukha ko noon para naman gumaan-gaan ang pakiramdam ko. Continue reading ‘Kung bakit parang mapapadalas ang late kong pag-uwi’

Condolences sa pamilya ng yumaong Rudy Fernandez

Sa lahat ng mga kapamilyang ngkayayao lang na aktor na si Rudy Fernandez, condolences po mula kay Samjuan at sa mga kapamilya niya dito sa Amerika. Di naman maikakailang naging isang malaking bahagi siya ng pelikulang Pilipino. Lumaki akong nanonood ng mga bakbakan nila sa sine, at salamat sa kanya at sa mga kasama niyang artista, natuto ako ng mga da moves para maipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay.

Muli, Condolences po.

Mga sambuddies, ipagdasal natina ng kaluluwa ni Manong Rudy.

**Salamat sa Philipipne Daily Inquirer para sa balita

**Larawan galing sa: pep

slow your roll

Para sa lahat ng hyper at hiffhaffers, heto ang nauusong inumin sa Houston ngayon.

Anti-energy drink na nabibili sa convenience stores. O diba panalo?

Makapaghanap nga nito sa tindahan minsan. baka meron na dito sa parteng ito ng Amerika.

Larawan nagmula dito

Bawal magkasakit

Noong linggo habang nilalamon ng apoy si kingkong sa Universal City Studios, Hollywood ay ibinubuga ko naman ng todo sa mundo ang mga huling ubo ko na siyang unti-unting nagpabilis muli ng takbo ng oras sa buhay ko.

Nito kasing nakaraang mga araw ay pilit sinakop ng bacteria ang lalamunan ko sabay atake ng sipon-ubo-sakit ng ulo-lagnat-at-migraine combo. Noong mga panahong iyon para bang bumagal yung mabilis na oras ng Amerika. Yung dalawnag oras na byahe ko papuntang opisina eh parang naging apat na oras. Ang isang buong maghapon eh parang dalawang araw. Ewan ko ba. Siguro pinababagal ng sipon yung takbo ng utak ko kaya siguro pakiramdam kong bumagal ang oras. Continue reading ‘Bawal magkasakit’

Usok, layuan mo ako

Itay (Kakatapon lang ng yosi sa may labas ng garahe. Kausap si tita na nurse dito): Ayan, pagalitan niyo nga yan Ate! Matigas ang ulo niyan, puyat nang puyat kaya hindi matigil ang ubo!

Tita na nurse: Naku, oo nga Sam, makinig ka sa Papa mo. Magpahinga ka anak.

Continue reading ‘Usok, layuan mo ako’

Pinoy joke sa araw na ito

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na… Continue reading ‘Pinoy joke sa araw na ito’