mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Sira

sa amerika?

Nang masira yung sinasakyan kong tren sa subway kaninang pauwi ako, hindi ko inaasahang magpapanic ang karamihan sa mga tao katulad ng OA na pagpa-panic nila sa mga pelikula. Yung mga tipong “OHHMAYHGHAAAD!!!” “WHAT THE HELL?!” “WHAT THE…(insert word)”

Well, hindi naman OA na OA na tipong may stampede. Parang may mild panic lang. Na-OA-yan ako dahil kagagaling ko lang mula sa pagkakahimbing nang mag-ingay ang mga reklamador na kasabay ko sa tren (kano, kana, mexi-kano, afri-kano, filipino-emeri-kano, intsikano, lahat na!) pagkatapos nila magrinig yung announcement ng operator na sira daw ang tren at wala daw munang tren na darating.

Parang gumising ako sa isang masamang panaginip. Wala naman akong nagawa kundi sumama sa mga taong dismayado at medyo nagpapanic na. Paglabas ko ng tren, ay panalo! Nasa malayong istasyon pa ako na-stranded! Naman. Mga 13 stations pa kasi bago ako marating sa isatasyon sa hilagang Hollywod. EH mga sampung istasyon pa ata ang kulang. Ang layo ko pa sa amin. NAisip kong magintay muna saglit at makinig sa mga usapan.

May mga di alam kung magba-bus na lang. Kung magba-bus nga naman sila, eh anlayo pa at mas matagal. Kung hihintayin namna nila yung tren, baka naman gabi na dumating. Marami ang nag-akyatan sa taas para mag-bus na lnag daw. Marami din sa kanila ang bumalik pababa sa pagbabakasakaling maautan ang tren. Nakakatawa na marami s amga na-stranded ay hindi alan ang sasakyang bus pauwi. Kaya madami din ang naghintay sa tren. Karamihan naman kasi ng mga sumasakay ng tren eh may mga kotse na naka-park sa isang specific na istayon. Nagte-tren sila papunta sa downtown para makatipid. Ngayon pa na pataas nang pataas nag presyo ng gasolina dito.

May mga nabuong firendships. Yung mga kano at itim kasi mahilig makipag-usap sa strangers. Basta trip lng nila makipag-usap. Ako? Ayoko. Bahala silang mag-panic. Tama lang pala na nga-shades ako at nagsumbrero. Para walang istorbo. Sa mga ganitong pagkakataon, mas gusto kong nagmamasid sa paligid. Mas marami kang makukuhang impormasyon. Mula sa mga taong maiingay, nalaman kong may nasira palang tren sa may Universal City station. Nabarahan ang mga riles. Panalo lang.

Dati na akong na-trap sa ilalim ng lupa sa loob ng nasirang tren ng mahigit 30 minuto. Bigla na lng huminto yung tren, namatay ang aircon at makina at nag-announce ang operator na nagkasira daw. Amerika nga naman oh. Wag ka, madaling araw pa yun kaya mas lalong nakakatakot. Wala naman akong planong malibing o madeds sa American subway. Ang jologs! Ayoko!

Anyways, mga 40 minutes na ang lumipas at wala pa ding tren. Ang mga tao makapal pa din pero madami na ang nag-bus. Pag ako namn ang magba-bus, hindi ko naman alam ang bus na sasakyan ko. Buti na lang natandana ko yung number ng Metro yung kumoanya ng tren. Wala akong signal sa ilalim ng lupa, pero buti na lang may payphone to the rescue.

Mga tatlong minuto muna bago sumagot ang operator. Binigay ko ang location ko at sabi ko kailangan kong malaman yung bus na sasakyan ko papunta sa Hilagang Hollywood. Pilosopo si ate. Sabi ba naman sa akin, nasa train station ka na eh, bakit di ka na lnag mag-train?! Aba, sinagot ko nga siya. Magte-tren ba ako kung gumagana ang tren niyo? Sira kaya mga tren niyo! Gago ka pala eh! (Paki-english na lang)

SOayun, habang hinahanap niya ang mga sasakyan kong bus, eh sakto dumating naman ang tren. Nagbabay ako kay ateng operator sa telepono at tumakbo para makasakaysa tren. Nakahabol naman ako bago magsara yung pinto.

1 comment

1 linglingbells { 06.28.08 at 3:04 am }

akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganyan.. hehe! panu kaya? kung mas matagal pa bago nakarating yung bagong tren??

[Reply]

Leave a Comment