Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs
Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.
Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.
Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable.
Naalala ko lang sa pag-aaral namin ng kasaysayan na baka marahil sa tagal nang panahong inalipin tayo ng mga dayuhan ay unti-unti nating nabuo ang kaugaliang maging komportable agad s amga bagay na ginagawa natin.
Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.
Madami ang walang trabaho ngayon. Bakit nga ba mag-iinarte pa. Yan ang madalas na katwiran ng karamihan sa ating mga Pinoy. Kaya nga kahit mahirap, sige lang, titiisin. Kaya kahit kulang ang suweldo, sige na lang. Basta may makakain, basta may sinusuweldo, solb na.
Ako nga, may kung ano na namang pinagawa sa akin noong nakaraang linggo sa trabaho. Wala kasi akong malinaw na job description sa trabaho ko ngayon. Basta ang alam ko lang, all round alalay ako ng bosing ko. Adaming dahilan kung bakit ko tinanggap ang trabahong iyon. Pero ang pinakamabigat dun ay para may makain kami dito sa ngayon at para may suweldo ako kahit papaano. Ngayon pa na pa-part-time partime lang ng pagke-caregiver si Itay.
So ayun nga, naisipan ng bosing ko na utusan akong magdeliver ng mga catalogs namin sa mga tindahan sa may downtown. Yung parang Divisoria o kaya Quiapo dito. Sobrang Init ng panahon dito. Tipong 50 Degrees Celsius at hindi pa daw ito summer. Para akong ang-extra challenge noon. BItbit ang mahigit singkuwentang piraso ng catalogs na kasing laki ng ordinaryong manipis na textbook sa Pinas, ay dapat makapagbigay ako sa mga tindahan at makakuha ng mga business cards nila. Di naman ako gaanong nahirapan. Mas mahirap pa din yung dinanas kong pagmamarket ng mga productions namin noong asa kolehiyo pa ako kaysa dito. Isa pa, sanay na idn namna ako sa mga pagkakataong ganito. Yung makikipag-usap ka sa mga tao na hindi mo naman kilala. Ngayon nga lang eh may extra sa challenge, shempre karamihan sa mga kinakausap ko ay hindi gaanong maalam mag-ingles. Karamihan ay mga Hispanics, Jews, o kaya Intsik. Pero nalampasan ko naman ang challenge na yun sa unang araw. Kaya wag ka, nawili ang boss ko pinadala ulit ako sa initan kinabukasan.
Alam ko sa sarili ko na ginagawa kong matino lahat ng pinagagawa sa akin sa trabaho. At minsan nga, kung ano-ano na lang ang pinagagawa nila na nagagawna ko ng paraan kahit hindi naman talaga ako marunong. Kasama na diyan ang pag-aayos ng mga sirang PC, Printer, at iba pang electronics, ang paggawa ng website at pag-aaral ng accunting software.
Alam kong medyo maliit ang sahod ko kumpara s aiba at sa dami ng ginagawa ko, pero sapat na iyon sa ngayon, lalo na kung sasabihin ko ang estado ko nagyon dito (Na ikukwento ko sa mga darating na araw).
Lagi ko tuloy naiisip, ganoon na ba ako kakumportable sa buhay ko kaya pakiramdam ko hindi io umuusad? Dapat kumilos para s apagbabago, ,alam nating lahat yan. Pero madalas, mas nahihila tayo sa panig na mas komportable, mas masarap, mas ok sa ngayon.
4 comments
ano ba dapat ang gawin ng mga pinoy, lalo na yung mga nasa ibang bansa, para umusad ng kahit bahagya paitaas ang antas ng kanilang pamumuhay?
maaari ngang nagiging complacent ang mga pinoy sa oras na makamit ang maliit na kaginhawahan at di na mag-asam ng anupaman. sa isip natin (o sa akin lang), mabuti nang magtiis sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon kaysa isugal ito para sa isang mas mataas na posisyon. ang hirap yatang kitain ng pera.
kung papansinin, sa ating bansa, kakaunti pa rin ang mga entrepreneurs at halos lahat ay sitting pretty na sa kanilang 8-5 jobs. hindi ko rin sila masisi sapagkat sa estado ng ating ekonomiya, mas binibigyang importansya ang immediate need.
ika nga ng tatay ko kapag nakakapanood ng pera o bayong dati, “kung ako yan, kukunin ko na yung 100,000 kaysa naman mauwi sa wala.”
ang mga risk-takers ay yung mayroong extra na pera o yung walang pera. yung una, ok lang malugi. yung huli, walang mawawala kahit malugi.
(pasensya na sa mahabang comment)
[Reply]
samjuan reply on June 26, 2008 1:54 am:
Naku maraming-maraming salamat sa komento kabayan!
sasang-ayon ako sa iyo.
sa panahon ngayon, ang immediate need agad ang concern ng karamihan.
Kaya ng papatuin na kahit mahirap ang trabaho at lugi sa sweldo.
Tungkol naman sa mga risk-takers, pwede din namang maging risk takers ang mga asa gitna ng walang pera at amy extrang pera.
Yun nga lang, mas dama nila, namin, natin ang kabog ng pagkatalo kung saka-sakali.
[Reply]
mejo matagal di ako nadalaw dito sa blog mo, tas ng mabasa ko ‘tagabukid’ binalikan ko pa hahaha. babaw.
generally tayong mga pinoy madali lang i-please. we are willing to walk an extra mile for a simple gesture like tapik sa balikat. isang pakiusap. ano pa kaya isang artik sa dayuhang pahayagan like arab news.
ang pakikisama natin di nasusukat sa pera o materyal na bagay. yan ay tanda ng ating pakikipag-kapwa tao. kadalasan we are too generous to a fault. sa financial, sa oras natin, sa angking talino. marami sa ating naniniwala, hindi man hayagan, na it’s better to err on the side of generosity. at dito tayo talo. dito tayo naaabuso.
likas tayong matiiisin. nasa pinoy psyche na yan ‘mabuti na kesa wala’, ‘pakunswelo’ (de bobo…kaya siguro dinagdagan ng salitang bobo, an indictment of our clownish mediocrity).
siguro talagang fatalistic lot lang tayo. matiisin. kahit gina-gago na ng hayagan ng pangulo, sige lang kasi ‘mabuti na yang kilala mo ang magnanakaw kesa maglagay ng bagong hindi kilalla’. kaya tiis tayo. tikom bibig. wag makiaalam.
sa tingin mo naka-alpas na tayo sa panahon ng pagpapakaalipin sa mga dayuhan sa colonization? think again. kung dati involuntary tayo ang sinakop at pinailalim sa kanilang kapangyarihan. ngayon voluntary na. tayo na mismo kumakatok sa kanilang mga pintuan. the history of ’slavery’ is being repeated in each one of us sa twing tinatanggap natin ang sistemang di makatarungan. sa trabaho man, kalakal, o pakikipag-kapwa.
tama, hindi lahat nasusukat sa pera o sa sweldo. ang binabanggit ko ay ang sistema.
pero yon nga aangat lang ang tingin at pakikitungo sa atin ng mga dayuhan kung nakikita nilang mataas ang papahalaga natin sa ating sarili, sa ating kakayahan at sa ating lahi.
violence and exploitation have been pervasive and entrenched features of modern life. truth or fallacy, ‘we’ decide…
[Reply]
samjuan reply on June 26, 2008 2:05 am:
Alam ko ay colonized pa din tayo at ang mentalidad natin bilang mga PIlipino.
Nakakalungkot lang at ganun ang sistema.
Bulok.
Mula sa mga sinabi mo noonn, tahasan na tayong inaabuso, ninanakawan, sinasamantala, wala pa din.
Marahil mas nangingibabaw pa din ang mga mas immediate na pangangailangan.
Marami pang mga dahilan, oo.
Pero tama ka kabayan, asa sa’tin ang pagdedesisyon kung magpapaapi na lang ba tayo o kikilos tayo para sa pagbabago.
[Reply]
Leave a Comment