Monthly Archive for July, 2008

Long distance

Pagkaraan ng ilang buwan, nakausap ko din si Tita Bulak na nasa Roma. OFW din siya doon.

Walong taon na ata siyang hindi umuuwi ng Pilipinas. Nagtatrabaho, Nag-iipon, Nagbabakasakaling maayos ang buhay, at umaasang matitigil na din ang pagtatago.

Sa gitna ng kumustahan, kwentuhan at tawanan, nalaman ko sa kanya na jologs pala sa Roma. Kapag holidays, (kasama ang sabado at Linggo) ay walang tindahang bukas. Maaga daw nagsasara ang mga tindahan, malls at establishments. Lahat may oras. Bihira ang 24/7 stores tulad ng meron sa Pinas. Kaya kung hindi sa park ang punta mo, eh sa bahay ka na lang talaga tatambay kapag day -off  mo. Continue reading ‘Long distance’

Nay, contacts

Sana nababasa mo din itong blog ko diyan sa Dubai.

Mag-blog ka na din, nay! Ayus na ayus pangtanggal ng kahit kaunting stress na nararamdaman mo diyan.

Kapag may extra ka namang pera, padalhan mo ako ng pampagawa ng bagong contact lens. Halos magtatalong taon na ksi tong gamit ko. Madalas nang mag-dry kapag tumatawid ako sa kalsada o kaya bumababa ng hagdan papuntang subway. Pag may extra kang pera, padalhan mo naman ako ng kaunti para mas malinaw kong makita ang aking mga dinadaanan. Continue reading ‘Nay, contacts’

OOHMAHYYGHAAHHD

OMG na lang para maikli. Yun ang madalas sabihin ng big boss ko kapag nagugulat siya o kaya may kausap siya sa telepono at may kakaiba siyang nadiskubre, nakita o dagling naranasan.

OHHMAAAAHHYGHHAAAHHHDD.

Minsan mas mahaba pa dun.

OA lang.

Pero kanina hindi siya nakasigaw ng ganun. Di siya nakapag-react. Pinalabas niya lang kami ng opisina habangkinukuyog ng pagyanig ng lupa ang opisina at bodega.

Umatake na naman ang pasma ni mother earth.

Continue reading ‘OOHMAHYYGHAAHHD’

EB

Eat bulaga logo

Sabi  ni Karen manood daw kami ng Eat Bulaga. May extra daw siyang tickets. Samahan ko daw siya.

Siyempre umoo ako. Noon ko pa planong manood ng Eat Bulaga. Kaya nang malaman kong dadayo sila dito sa Amerika, eh na-excite ako ng todo. Sabi ko sa sarili ko, eto na ulit ang pagkakataon para makasali sa kontes at kumita ng limpak limpak na salapi.

Pero sabi nga nila, wag kang masyadong ma-excite, dahil ang mga excited, mas napapansin ng tadhana, mas napapagtripan. Continue reading ‘EB’

Focus!

Kailangan ko ang mantrang ito hanggang makauwi ako sa bahay mamaya:

Mind over

matter.

Continue reading ‘Focus!’

Nawawalang piraso

Madalas sabihin sa akin noon ng ex ko na hindi daw niya ako mabasa. Magulo daw ako. Mahirap intindihin. Isang puzzle.

Madalas hindi ko maintindihan kung bakit ba ako napadpad sa hinayupak na bansang ito. Electrician na kargador na tagalinis ako kanina maghapon. Ayus lang. Alam ko namang matatapos din ang ginagawa ko. Kahit gaano pa nakakapagod, alam kong may katapat yun na ligaya o biyaya. Kundi para sa akin eh para sa pamilya ko o sa mga mahal ko sa buhay. Ganun naman siguro ang mundo. S abawat luhang ipapatak ng mga mata mo, may mga ngiting maipipinta sa mukha ng iba. Sa bawat pagod at hirap na sinasakripisyo mo,  may mga tao at buhay na makakaranas ng ginhawa. Continue reading ‘Nawawalang piraso’

EDSA bus where are you?

larawan mula sa blog na ito: http://tokwa.blogspot.com

Halos 30 minutes akong late kanina. Nakakaasiwa lang kasi maaga naman akong gumising. Maaga akong umalis ng bahay. 7:10am. At inaasahan kong maaga akong makakarating sa opisina. Pero hindi! Late ako, late.

Nakakaasiwa lang kasi sa pagkakataong ito, kasalanan na naman ng bus. Mga bus kasi dito may oras. Pero madalas, hindi sila dumadating sa oras. Kung hindi sila late, mabagal sila. Kung sakto ka namnag dumating sa bus stop, at tipong isang segundo na lang ang pagitan ninyo ng bus, hindi ka pa din hihintayin ng driver at pagsasarhan ka ng pinto kahit nakita ka na niyang humahabol. Ganun katindi ang mga bus dito. Sila ang hari. Sa mga pagkakataong ito ko namimiss ang mga bus sa EDSA. Continue reading ‘EDSA bus where are you?’

vanity

Madalas akong masabihan ng “You look different!” nitong nakaraan.

Buti na lang madalas ding may kasunod na “You look better” kundi iisipin kong nagmumukha na akong alien o sadyang lumobo na ako ng todo.

Siguro dahil sa buhok ko at sa shades. Ngayon lang kasi ako ulit nag-ayos as in ayos talaga na pampa-pogi kapag pumapasok sa trabaho. Continue reading ‘vanity’

Hikab

Madalas antukin ang mga muscles ko nitong nakaraang mga araw.

Madalas din akong traydurin ng mata ko at agad akong dinadala sa mundo ng panaginip sa sandaling maipikit ko sila tuwing nagbi-biyahe ako sa bus o sa tren.

Madals ganyan din ang daing sa akin ng mga kaibigan ko sa pInas na nakaka-chat ko sa gabi. Yun yung mga panahong asa opisina naman sila at dinadalaw madals ng antok.

Sabi ko sa kanila, wala naman sa haba ng tulog o sa pagkapuyat ang dahilan ng pagkamaantukin.

Naisip ko lang, ang taong madalas antukin, (minus ang epekto ng droga dito) ay ang taong madaming iniisp. Ang taong madalas antukn ay ang taong may mabigat na puso. Pusong pagod. Weary heart, kumbaga.

Dati naman kahit alas kwatro na ako ng madaling araw matulog at gumising ng alas siyete ng umaga, malakas pa ako at puno ng enerhiya. Pero ngayon, lalo na nitong mga nakaraang araw, kahit na may lima o anim na orasa kong tulog, inaantok pa din ako. Haaaaaaaaaaay.

Sana magkatrabaho na ang tatay. Sana magtino na ang kapatid ko. Sana maayos na ang kalagayan namin dito.  Haaaay ulit.

Isang araw sa bodega

Tatlong beses naglabas ng sama ng loob si Riki sa kubeta.

Alam kong tumae siya at hindi nagpanggap na tumatae kasi matindi ang amoy na naiwan sa mga kamay niya. May amoy jebs, may amoy sabon na pang-jebs, yung amoy bulaklakin na parang amoy pulbos, ganun.

Halos anim na oras akong nakatayo kanina sa bodega. Continue reading ‘Isang araw sa bodega’