45 minutes Eraserheads reunion concert?

Hindi nga? Hindi nga ako agad naniwala nang una kong marinig ang balita noong Sabado pa ata. Kung saan-sana ko nabasa at poof! parang Koko Krunch lang, ayan, may Reunion Concert nga talaga ang E-heads.

Yes it’s true. It’s been in the works for several months na. Marlboro

is sponsoring this concert and paid each of the members a staggering

P10M each to do a full 45-minute set. This is the official

announcement:

“No more blind items my dear friends. Yes. We are confirming it.

There is no point denying:

August 30, 2008 will be LEGENDARY!!!

The country’s most influential band ever will be reunited for ONE

NIGHT ONLY.

This once in a lifetime experience will be staged at the CCP

opengrounds.

Tickets are free and you can download it early August. Website to be

announced.

ONE BRAND.

ONE BAND.

ONE NIGHT ONLY…

ERASERHEADS REUNION CONCERT!”

Ayon sa nabasa kong blog, (blog ng kababayang si Azrael) galing daw ang actual na statement na yan mula sa isang taong nagngangalang Villy Jay Villacorta na galing sa mailing list ng dating nabuwag na banda.

Wow lang. Na-excite naman ako. Oo, hindi ako makakapanood, pero na-excite pa din ako ng kaunti.

Eto pa pala ang press release na sinulat ni Ricky Lo mula sa Philippine Star- (i-click itong link na ito)

Sabi ni Ginoong Ricky Lo,

Really now, don’t the Eraserheads fans wish that the band would stay together not just for a one-night-only concert but for good…for old time’s sake?

Naisip ko lang, may mga bagay talagang hindi nagtatagal. May dahilan naman siguro sa pangkalahatang takbo ng kalawakan ang pagkabuwag ng banda noon. May mas malaking rason siguro na hindi kailanman maiintindihan ng karamihan lalo na ng mga taong nagkaroon na ng attachment sa musika na nilikha ng grupo.

Parte na ng kabataan ko ang bandang Eraserheads. Trip na trip ng Tita ko (na noon ay dalaga pa) ang musika nila. Nakalakihan ko ang mga tugtog ng banda. Hanggang sa college, laman pa din ng radyo at ng lovelife ko ang mga kanta ng Eheads. Madalas nga akong kantahan ng Torpe noong dati kong ka-puso at ka-romansa. Torpe daw kami pareho.

Hindi kami nagtagal noong ka-romansa kong iyon.

May mga bagay lang talaga na parte na ng buhay mo pero sadyang mahirap nang ilagay sa kasalukuyan.

Pero ayan, salamat sa Marlboro at sa 10Million Pesosesoses! (Andami nun uy!) makaka-reunion concert sila at tutugtog ng 45 minutes. Oha! Goodluck sa dami ng tao na pupunta. Alam ko madami nang naging die-hard E-heads fans na umusbong sa pagdaan ng panahon.

Sa organizers, sa mga pupunta, sa Eheads, gudlaks sa inyo.

Worldpeace!!

8 Responses to “45 minutes Eraserheads reunion concert?”


  • putangina! totoo pala.. kala ko joke lang.. kelangan kong makakuha ng tickets! kelangan ko! kelangan ko! waaaah

  • Sayang hindi ko ito mapapanood. Nasa Singapore na kasi ako. But I’m a big fan. Favorite ko ang Magasin at Maselang Bahaghari. Hehe.

  • Di ko pa rin alam kung pupunta ako o hindi. Dati pang walang magandang live concerts tong mga to, ano ang magiging kaibahan ng ngayon? Dahil ba may kanya-kanya na silang mga banda? Masaya na akong naaalalang kabisado ko dati ang isang buong Cutterpillow album hangang sa bumili pa ako ng minus-one para tugtog ko to habang naglalaba ako ng damit (kasi sabi ko magka-range kami ni Ely pero mas magaling lang sya sa falsetto LOL). Alam ko pagkakasunud-sunod pa nun. At todo volume. Yun ang paborito kong album nila. Ok na sa akin ang alaala. Pero, baka sakaling para rin sa katiwasayan ng isipan ko, pumunta ako. Pero dapat nasa VIP section para malaho sa sakuna LOL (nagiingat lang). Balitaan kita. Pati pictures kung sakali.

  • nakow! sayang ang layo ng pilipinas. walang kamatayan talaga ang E-heads sa akin. sayang talaga..sayang!

  • kelan b yang reunion concert n yan,?

Leave a Reply