EB
Sabi ni Karen manood daw kami ng Eat Bulaga. May extra daw siyang tickets. Samahan ko daw siya.
Siyempre umoo ako. Noon ko pa planong manood ng Eat Bulaga. Kaya nang malaman kong dadayo sila dito sa Amerika, eh na-excite ako ng todo. Sabi ko sa sarili ko, eto na ulit ang pagkakataon para makasali sa kontes at kumita ng limpak limpak na salapi.
Pero sabi nga nila, wag kang masyadong ma-excite, dahil ang mga excited, mas napapansin ng tadhana, mas napapagtripan.
Isang araw na lang bago ang show ng Eat Bulaga. Wala pa din akong ticket. Tinawagan ko si Karen.
“Karen, kumusta? Saan tayo magkikita bukas?”
“Uhmm. Friendship, kasi ano eh, uhm…hindi na ako matutuloy. Sorry hindi kita natawagan kahapon. Sila Mama na lang daw ang manonood.” sabi ni Karen.
“Ah sayang naman. Teka, may tickets pa kaya? Gusto mo ilibre na lnag kita? Nood tayo! Gusto ko lang masubukang manood.”
Tila nag-isip muna siya bago sumagot.
“Uhm..Feeling ko wala nang ticket. Ubos na yun.”
“Pa-check naman sa internet o, para matawagan ko. Nandito pa kasi ako sa bus.”
“Karen, ok sige titignan ko.”
Pagkauwing pagkauwi ko, hinanap ko kaagad sa internet kung may tickets pa. Sa mga unang sites, mukhang malabo na. Puro mga lugar na lang kung saan may nagbebentang tickets ang lumilitaw. May reservations, kaso, naghahanap ng credit card. Wala naman ako noon. So naghanap pa ako, Sige lang. Browse lang. Hanggang sa makita ko yung page kung saan pwedeng magpa-reserve. Email add at telephone number lang ang hinahanap. Sinubukan ko lang. Wala namang mawawala. Email add alang naman ang hinahanap nila. Nagpa-reserve ako ng dalawang Tickets.
Gayumpaman, tinanggap o na sa sarili ko na wala na. Maybe it’s not for me. Baka hindi pa panahon. Una akong nakapanood ng live na taping ng Eat bulaga noong grde 2 ata ako. Field trip yun. Nasa channel 9 pa sila. Sabi ng mga kapitbahay namin at ng mga kamag-anak ko, na-focus daw ako sa T.V. Ewan ko kung pinagti-tripan lang nila ako. Kung saka-sakali, yun ang unang T.V. exposure ko ng ilang mga segundo.
Mga ilang buwan matapos kaming gumradweyt ng mga kaibugan ko sa kolehiyo, naisipan naming mag-Eat Bulaga o kaya Wowowee. Pero mas trip ko ang Eat Bulaga. Inaya ko sila para makasali kami sa contests. Siyempre excited kami noon, pumila kami ng mahaba. Sa may dulo na kami ng pila pero ayus lang. Makita lang sila ng live, busog na ako. Pero hindi namin araw yun eh.May regla ang manong guard. Hindi kami pinapasok sa loob, kasama ng mga pito pang naiwan na tao sa labas kasi daw puno na ang venue. Ohhhkeeeey. Hindi talaga para sa amin ang makapanood ng araw na iyon.
Kinabukasan, Sabado ng umaga. Papunta ako sa trabaho nang may tumawag sa cellphone.
“Hi! Is this Sam Juan? I have two tickets for you for Eat Bulaga.”
Weh. Di nga? Parang Joke. Pero totoo na. Sila daw yung organizer na nagbebenta ng tickets. Napasubo ako at napabili ng ticket kahit wala talaga sa plano kong manood ng Eat Bulaga sa gabi. Sige na bahala na. Nakupo! Wala akong dalang camera! Dapat may magdala ng camera. Hmm. Tinawagan ko ang tatay ko at kapatid ko. Pinapunta ko sila sa Eat Bulaga. Sinabihan ko silang dalhin ang camera.
Pagkagaling samaghapong trabaho diretso ako sa coliseum kung saan magtatanghal ang Eat bulaga. 7:30 pa ng gabi ang show pero excited ako. 4:40 pa lang andun na ako. Padami ng padami ang mga tao. Nakakalula na nakakatuwa. Puro Pinoy. May mga may kulay ang buhok, may mga pilipit ang dila, may mga nagpapanggap na foreigner, pero alam mong PInoy sila. Karamihan sa kanila nag-iingles pero alam mong Pinoy sila.
Umupo ako sa may ugat ng malaking puno sa labas ng venue kung saan malapit nakapila ang mga tao. Hindi akoi masyadong excited kaya hindi muna ako pumila. Tumawag muna ako sa kaibigan kong si Mary sa PIlipinas at kinuwentuhan siya kung papaano ako nililingon at pinatitinginan ng mga tao kapag nagsasalita ako sa wikang Pilipino. Nakakatawa sila, pramis.
So mga ilang oras ko pang hihintayin ang tatay ko at kapatid ko kaya naglibot-libot muna ako.
May lumapit sa akin na bata na kyut at kyut ding magsalita ng English.Pinay siya. Kayumanggi, pero suuper inglisera. Buti na lang kyut siya magsalita at kyut din siya, kung hindi hindi ko siya papansinin.
May pinapipirmahan siyang raffle form. Para daw mamaya. Siyempre tinanong ko kung may babayaran. Wala naman daw. So pumirma ako.
Nang makuha ko ang tickets na pinareserba ko sa ticket booth, pumasok na ako sa lobby ng venue. Puno ng tao. Puro pila kung saan-saan. Madaming booths sa loob. Kanya kanyang raket ang mga Pinoy. Freebies dito freebies doon. Nakakuha naman ako ng ilan, Mga diyaryo, flyers at sky flakes.
May lumapit ulit sa akin na nagpapapirma ng raffle entires. Isang ate na may kulay ang buhok na hanggang balikat na naka-shades at medyo madaming layers ang tiyan.
Nang sinabi ko sa kanyang nakapirma na ako, aba, nagalit siya sa akin at inismiran ako.
“Well, goodluck to you!” (sa boses at paraan nang mga taong angsasbai ng tse!/che! sa ibang tao)
7:15 na wala pa din ang tatay at kapatid ko.
7:35 sila dumating. Awa ng Diyos eh narating nila ang venue sa kabila ng layo ng biyahe.
Hindi pa din ako makapaniwala na napadpad ako salugar para manood ng Eat Bulaga.
Nakakatuwa pa din sina Tito Vic at Joey. Naaliw naman ako kay Allan K, Wally at Jose.
Payat pala talaga si Juday.
Tunay ngang nakakataba sa TV. 10x daw ang itataba mo sa TV.
Kaya ako, ayoko nang lumitaw sa TV.
Pang backstage lang ako.
Hindi na namin naabutan si Marian Rivera at DIngdong Dantes dahil kailangan naming habulin ang huling biyahe ng bus pauwi pati na ang tren. Limang sakay pa kami bago nakarating sa bahay.
Nakauwi naman kami ng buo at mapayapa.
Pasado ala una ng madaling araw nasa bahay na kami.
Iniisip ko pa din noon si Marian.


5 comments
Ikaw na ang adik kay Marian. Haha.
[Reply]
samjuan reply on July 29th, 2008 4:15 pm:
Uy kabayangthe cause,
hindi naman adik. Fan lang. Hehe
[Reply]
marian ba talaga?
[Reply]
samjuan reply on July 29th, 2008 2:55 pm:
Hi pia at vic
Wow dalawa pa kayo!
“marian ba talaga?” ang alin? Hehe.
Oo. Si Marian ang ipinunta ko doon, kaso di ko siya naabutan. Kaaya naman gumawa ako ng paraan para makita siya kinabukasan
[Reply]
naaliw naman ako sa kwento mo.
paborito ko din ang eat bulaga.
nuong birthday ko, nagkantahan kami sa centerstage. nakita namin dun at nagpapicture kami kay karyl and dingdong, kaso wala si marian. hahaha…
nagtataka naman ako bakit natawa ka sa tingin ng ibang pinoy dahil lang nagsalita ka as pinoy. hay…
[Reply]
Leave a Comment