EDSA bus where are you?
larawan mula sa blog na ito: http://tokwa.blogspot.com
Halos 30 minutes akong late kanina. Nakakaasiwa lang kasi maaga naman akong gumising. Maaga akong umalis ng bahay. 7:10am. At inaasahan kong maaga akong makakarating sa opisina. Pero hindi! Late ako, late.
Nakakaasiwa lang kasi sa pagkakataong ito, kasalanan na naman ng bus. Mga bus kasi dito may oras. Pero madalas, hindi sila dumadating sa oras. Kung hindi sila late, mabagal sila. Kung sakto ka namnag dumating sa bus stop, at tipong isang segundo na lang ang pagitan ninyo ng bus, hindi ka pa din hihintayin ng driver at pagsasarhan ka ng pinto kahit nakita ka na niyang humahabol. Ganun katindi ang mga bus dito. Sila ang hari. Sa mga pagkakataong ito ko namimiss ang mga bus sa EDSA.
Nakaka-miss lang yung sa kahit anong oras at pagkakataon, may masaakyan kang bus. Ordinary man yan o airconditioned, ayus lang. Ang mahalaga, may masasakyan ka, sa oras na gusto mo. Talo ka nga lang sa traffic jam sa EDSA. Sa dinami-dami ng mga bus na naghahanap at humahakot ng pasahero, maiipit at maiipit ka sa trapiko. Idagdag mo pa ang mga walang harabas na garapal na drivers na naghahari sa kalsada. Malalakas ang loob nila, lalo na kung kalawangin na at nakakatakot na yung itsura ng bus na minamaneho nila. Ano nga naman ba ang mawawala sa kanila diba? Eh kung bago ang sasakyan mo, ikaw ang magbibigay daan sa higanteng bus na naghahari sa daan. Yun lang ang downfall ng mga bus sa EDSA. Walang kaayusan. Kanya kanya. Labo-labo.
Dito naman, sa bawat City, o sa bawat county nila, may kanya kanyang bus company na namamahala. Mayroon silang sakop na ruta para hindi magulo. Ang mga bus, kadalasang numero ang mga tatak. Dapat alam mo ang ruta ng numero ng bus na sasakyan mo, kundi ay mapapadpad ka sa ibang dimensiyon. Mahirap na. Walang mapagtatanungan ng matino. Madami pa namang sabog na kausap dito. Kadalasan, may nagfa-flash na numero ng bus kasama ng huling destination nito sa taas ng salamin sa unahan. Yung tipong electronic na messageboard na kadalasang makikita sa airport, sa mga opsisina ng gobyerno, at sa reception area ng hotels, bars. Basta yung parang sa jollibee, yung may umaandar na pulang mga letra, na nagsasabi kung ano ang bagong meal sa araw, mga promos, ganun.
Tae lang yung mga bus driver na sooobrang bagal magpatakbo ng bus na akala mo eh nasa educational trip ka sa loob ng park o zoo. Pakshet lang sa bagal. Pwede namang bilisan. Eh wala namang traffic jam. Isa pa, may mga bus na may sariloing bus way, ibig sabihin, may kalsada na para s abus lang na yun, sa ruta lang na yun, so walang ibang eepla na sasakyan. Kanyang kanya ang kalsada. Kaya naman ninanamnam siguro ng driver yung view. Nakanang teteng siya!
Noong una ayus lang sanang nale-late ako eh. 9am ang pasok ko. Si biggest boss dumadating karaniwan ng 11am o kaya 1pm kaya ligtas ako. Pero nakakahiya kay kuya Jay na kasama ko dito. Malamang napapansin na niya ako. Di ko naman pwedeng idahilan lagi ang bus. O kaya yung tren, na madalas humihinto na lang sa ilalim ng lupa. Basta pag dating ko, traqbahao agad para bawi ang pagka-late. Kanina nasabihan ako ni kuya. Agahan ko daw bukas. Papasok daw ng maaga ang biggest boss.
Kung pwede lang amg-taxi eh. Kaso hindi ako gagastos ng 200$ araw-araw para lang mapaaga ang pasok. Tsktsk.
Miss ko lang ang EDSA at ang usok at ang kaguluhan ng kalsada.


2 comments
luwag na talaga ng edsa ngayon, di kagaya nung mga nakaraang linggo, biruin mo yung barkada ko dumating ng 3pm para makipag inuman sa schedule na 7pm, e paano, ang aga daw nya umalis ng bahay nila kasi baka matraffic, sobrang nagulat at wala ng traffic sa edsa
[Reply]
Discipline is always more fabulous than traffic jams.
[Reply]
Leave a Comment