Hikab

Madalas antukin ang mga muscles ko nitong nakaraang mga araw.

Madalas din akong traydurin ng mata ko at agad akong dinadala sa mundo ng panaginip sa sandaling maipikit ko sila tuwing nagbi-biyahe ako sa bus o sa tren.

Madals ganyan din ang daing sa akin ng mga kaibigan ko sa pInas na nakaka-chat ko sa gabi. Yun yung mga panahong asa opisina naman sila at dinadalaw madals ng antok.

Sabi ko sa kanila, wala naman sa haba ng tulog o sa pagkapuyat ang dahilan ng pagkamaantukin.

Naisip ko lang, ang taong madalas antukin, (minus ang epekto ng droga dito) ay ang taong madaming iniisp. Ang taong madalas antukn ay ang taong may mabigat na puso. Pusong pagod. Weary heart, kumbaga.

Dati naman kahit alas kwatro na ako ng madaling araw matulog at gumising ng alas siyete ng umaga, malakas pa ako at puno ng enerhiya. Pero ngayon, lalo na nitong mga nakaraang araw, kahit na may lima o anim na orasa kong tulog, inaantok pa din ako. Haaaaaaaaaaay.

Sana magkatrabaho na ang tatay. Sana magtino na ang kapatid ko. Sana maayos na ang kalagayan namin dito.  Haaaay ulit.

7 Responses to “Hikab”


Leave a Reply