mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Ikapitong buwan

Kahit pa nakatayo lang ako doon ng halos isang oras sa lilim at kumpleto pa with shades and bubble gum, eh medyo nalungkot pa din ako sa ginawa ko. Yung panoorin lang yung mga kuyang kargador na maglipat ng mga kahon ng damit mula sa isang 18-wheeler na container truck papunta s aisa pang 18-wheeler.

Akala ko nung una ayos lang yung gagawin ko. Kasi magbabantay lang naman ako sa kanila. Yun ang utos sa akin ng nakakataas na bosing kanina, ang bantayan ang mga kargador kasi baka daw magnakaw sila o kung anuman ang gawin. Ampangit lang sa pakiramdam nung wala kang nagagawang tulong sa kanila. Kahit na hindi ako ma-muscles ng todo, eh kaya ko namang magbuhay kahit papa’no.

Pero naisip ko din, hindi ko naman yun trabaho. Kapag umepal ako doon, magkakaroon ng injustice. Pauso ni Plato, kapag gumawa ka daw ng bagay bukod sa itinakdang bagay o gawain sa iyo ay magkakaroon ng injustice.

Trabaho nga naman nila yun. Doon sila binabayaran. Wala lang. Naawa lang din siguro ako sa kasama kong Hispanic na kamukha at kakatawan ni Hagrid ng Harry Potter series. Nagiging kamukha kasi siya ni Jabba the Hut mula sa star wars series kapag nagbubuhat siya ng mga malalaking karton. Pero malakas siya kahit mahigit 40 na siya. Halos 50 na ata. Ewan.

Buti mabilis silang natapos. Umiinit na din kasi ng todo ang araw at wala ng lasa ang bubblegum na nginunguya ko.

1 comment

1 boi { 07.03.08 at 3:54 am }

at bakit ka naka shades sa loob ng opis? or ng kung san mang may lilim na yan? hahahah!!! mataas ang araw?? heheeh :P

at totoo, may injustice kapag ginawa mo ang trabahong naka-assign sa isang tao… parang kinukuha mo ang sense of purpose nila sa mundo.. chos! plato tlaga oo.

=P

[Reply]

Leave a Comment