Long distance
Pagkaraan ng ilang buwan, nakausap ko din si Tita Bulak na nasa Roma. OFW din siya doon.
Walong taon na ata siyang hindi umuuwi ng Pilipinas. Nagtatrabaho, Nag-iipon, Nagbabakasakaling maayos ang buhay, at umaasang matitigil na din ang pagtatago.
Sa gitna ng kumustahan, kwentuhan at tawanan, nalaman ko sa kanya na jologs pala sa Roma. Kapag holidays day, (kasama angsabado at Linggo) ay walang tindahang bukas. Maaga daw nagsasara ang mga tindahan, malls at establishments. Lahat may oras. Bihira ang 24/7 stores tulad ng meron sa Pinas. Kaya kung hindi sa park ang punta mo, eh sa bahay ka na lang talaga tatambay kapag day -off mo.
Tinanong niya kung may mapapangasawa na daw ako. Tinawanan ko lang siya at sinabing “Kung bahay-opisina-bahay ang routine mo, eh mahirap makabingwit ng mapapangasawa.”
Binato ko pabalik sa kanya ang tanong. Inulit lang niya ang sagot ko. Magsisingkwenta na ata siya. Di ko alam. Basta matanda na siya pero hindi mukhang matanda. Nasa pag-aasawa na kasi ng ibang lahi (kahit ano basta citizen ng bansa nila) ang pag-asa para maayos ang papeles ng Tita. Sa ganung paraan, mas makakapagtrabaho siya ng maayos at baling araw ay makakauwi ng Pinas.
Napaisip naman ako. PInaalala na naman niya yung pag-aasawa. Kailangan ko na ding mag-asawa. ASAP. Kailangan ng mga creative na paraan para makabingwit ng blue-eyed chick na citizen dito dapat. Shet na malagket! Ngayun pa na tumawag ang tatay ko at binalita ang sinabi ng abugado ko. Di daw tinanggap ang petisyon kong magpa-extend. Woohoo! So ano na ibig sabihin nito? Adventure at pakikipagsapalaran na ‘to ng todo.
Di pa ako pwedeng bumalik ng Pinas. Gaya ng Tita Bulak, wala pa akong malaking ipon. Wala naman kasi kaming ari-arian sa atin. Seryoso. Wala kaming bahay. Walang uuwian. Andito naman pamilya ko. May lupa kaming maliit na pinamana ng lolo at lola ko. Pero sa prubinsiya yun. Back to zero at mas mahirap kumayod ng pera sa Pinas.
Kung tutuusin, onting tiyaga lang at diskarte, makakauwi din ako. Pero tadhana, lord, our father, in heaven, pls naman oh! Kahit gusgusin pa yan, kahit din a blue-eyed, basta citizen dito, ibalato mo na sa akin.

12 comments
–
hakhak
hawsad
nkakalungkot naman un
hakhak
ang malas walang tindhan
hakhak
tumalikod ka, may babae, yan ang mppangasawa mo
hakhak
elyens
XXXxx
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 2:54 pm:
Kim chiu ikaw ba yan?
[Reply]
pag umuwi ka ng pinas, sabi na sayo, kukupkupin muna kita.
kaya nga naandito kami eh. at ung trabaho, habang naandyan
ka pa, hanap ka dito.
kung sinasabi mong back to zero kayo dito, dyan din naman eh
mas mahirap ang dyan kesa dito. dolyares man yang kinikita mo.
haaaaaaay.
ingat ka lagi.
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 4:44 pm:
Salamat sa pag-aalala at sa offer ng pagkupkop. Yaan mo pag-uwi ko at wala akong mauwian, papakupkop ako sa iyo
[Reply]
EXCUSES, EXCUSES! Basta umuwi ka muna! Andami mo pang sinasabi.
Haha. Joke lang.
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 5:03 pm:
Hehe.
Di pa pwedeng umuwi ngayon kabayang Yoshke eh.
[Reply]
lahat na lang mahirap no? kahit nasaan ka. ibang bansa, pilipinas. kahit ata sa mars mahirap din (mahirap huminga). sabi ko nga sa mga kaibigan ko, magmass suicide na lang kami para tapos ang problema
xs: kala ko kung ano na ang masisilip pag pinindot yung silip button. hehehe.
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 5:39 pm:
Ayus sana ang mass suicide eh. Kaso ayus yun kung lahat sasama sa trip mong tumakas sa mundo.
E duda ko, hindi ganun ang mangyayari. Hehe.
Mauti pang harapin ang mga pagsubok para mas challenging ang buhay!
re: silip buuton. Haha. kaw, doc ah!
[Reply]
hehe..tama ka dun.. minsan, kailangan nga pairalin yung pagiging praktikal in life
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 5:40 pm:
Tama ka jan kabayan!
[Reply]
Hi Sam Juan. Sa Australia, lalo na sa Adelaide ay ganun rin. Maaga magsara ang mga tindahan (5 pm) except Thursdays (7 pm).
Siguro ay puwede ka na ring mag skilled migrant sa bansa na gusto mo. Marami naman choices na sa ngayon.
[Reply]
samjuan reply on August 7th, 2008 5:56 pm:
Talaga po?
Naku. Kung sana naa-appreciate lang ng mghaPinoy ang mga maliliit na bagay na tulad ng pagkakaroon ng 24/7 na mg atindahan ay mas lalo nilang mamahalin ang Pinas.
Salamat ngapo pala sa pagdalaw at pagbabasa.
Naisip ko nga din pong magtrabaho sa ibang bansa, kaso kailangan munang mag-ipon.
=)
Salamat po ulit!
[Reply]
Leave a Comment