mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Nawawalang piraso

Madalas sabihin sa akin noon ng ex ko na hindi daw niya ako mabasa. Magulo daw ako. Mahirap intindihin. Isang puzzle.

Madalas hindi ko maintindihan kung bakit ba ako napadpad sa hinayupak na bansang ito. Electrician na kargador na tagalinis ako kanina maghapon. Ayus lang. Alam ko namang matatapos din ang ginagawa ko. Kahit gaano pa nakakapagod, alam kong may katapat yun na ligaya o biyaya. Kundi para sa akin eh para sa pamilya ko o sa mga mahal ko sa buhay. Ganun naman siguro ang mundo. S abawat luhang ipapatak ng mga mata mo, may mga ngiting maipipinta sa mukha ng iba. Sa bawat pagod at hirap na sinasakripisyo mo,  may mga tao at buhay na makakaranas ng ginhawa.

Alam ko darating ang panahon at makakaalis din ako dito sa bodegang opisina na to. Makakaalpas din ako sa boss kong kamukha ni Count Dracula at sa pinsan niyang amoy hinog na bayabas at curry. Makakahinga din ako sa paulit-ulit nilang pag-uutos, pabago-bagong isip at mga paulit-ulit na utos. Ang labo lang nila. Di daw ako nagtatrabaho eh kakatapos ko lang gawin yung inutos nila. Labo!

Parang puzzle.

Lahat naman siguro ng tao napa-puzzle. Lahat tayo, puzzle. Ang mundo, puzzle.

Lahat napa-puzzle dahil puro pira-pirasong puzzles ang nakikita natin sa isa’t-isa. Lahat naghahanap ng mga tamang piraso para mabuo ang sarili, para masagot ang mga tanong, para malaman ang mga gustong malaman, para mapunan ang bakanteng espasyo sa ating mga puso.

Lahat siguro ng tao may missing piece na habangbuhay na niyang hahanapin para makumpleto siya at masagot ang mga katanungan sa buhay.

Lahat naman may katapusan.

Sana matapos na din yung paghahanap ko sa nawawalang piraso o mga piraso ng puzzle.

Lahat siguro naghahangad na makumpleto siya. SI Joker, di pinapatay si Batman kasi naaliw siya dito at nabibigyan siya ng purpose. Si Batman, hindi din agad mapatay si Joker kasi kahit papaano sa kaila-ilaliman ng kanyang isipan at kalooban eh natutuwa din siya kay Joker at nabbigyang saysay ang buhay niya. Piraso sila ng puzzle ng isa’t-isa.

Alam ko balang araw mahahanap ko din ang mga nawawalang piraso. Kung hindi man, matatagpuan na lang o kaya makakahalubilo.

Nang tanungin ako ng ex ko kung bakit daw ako parang puzle na hindi niya ma-solve, sabi ko sa kanya noon, “dahil ikaw ang nawawalang piraso sa buhay ko.”

11 comments

1 xio { 07.24.08 at 12:06 pm }

Okay na sana, hiniritan pa ng “nawawalang piraso sa buhay ko”! Mwahaha.

Oh btw, Batman won’t kill Joker because Batman–and all other superheroes out there, perhaps except for my ultimate hero, Mandy from The Grim Tales of Billy and Mandy–is a wimp.

Very true, the second paragraph.

I’m sure your time will come. Our time will come. Maybe for now all we can assassinate are the bodega rats and back yard worms. But we’ll move up… ;>

[Reply]

samjuan reply on July 25th, 2008 5:04 pm:

=) Tama ka jan. Tiis tiis muna sa ngaun kabayan. Hehe.
Naku, di kaya magkapolusyon kapag pinasabog ang mga bodega rats? haha

[Reply]

2 The Gasoline Dude { 07.24.08 at 2:10 pm }

Huwaw! Napahanga mo ako sa post mong ito! Bigla tuloy akong napaisip tungkol sa buhay-buhay ko.

Siya pala ang nawawalang piraso eh, bakit “X” na lang siya ngayon???

[Reply]

samjuan reply on July 25th, 2008 5:21 pm:

Salamat sa pagbabasa kabayan!
Well, may mga piraso kasi sa buhay mo na akala mo magfi-fit sa butas, pero hindi naman pala. Merong mga kailangang mawala para mabigyan mo p aang sarili mo ng pagkakataong mahanap ang pirasong bubuo sa puzzle mo.

Hehe

[Reply]

3 straycat { 07.24.08 at 5:00 pm }

Naks naman. Siguro ikaw rin ang nawawalang piraso ng buhay ko. Joke. May mga tototoo sa sinabi mo tsong, astig.

[Reply]

samjuan reply on July 25th, 2008 5:23 pm:

Hehe. Malay mo, kabayan, baka ako nga, o ikaw nga. oha! Ahaha

Salamat sa pagbabasa

[Reply]

4 boi { 07.24.08 at 10:25 pm }

oh.

[Reply]

samjuan reply on July 25th, 2008 5:24 pm:

Bakit ka naman napa-oh, kabayang boi?

[Reply]

5 straycat { 07.25.08 at 7:21 pm }

Wala ka bang balak umuwi?

[Reply]

6 boi { 07.27.08 at 3:55 am }

wala lang.

[Reply]

7 the cause { 07.29.08 at 3:44 am }

Hindi ko kinaya. teka. tatawa muna ko. Sinabi mo ba talaga yung last line sa ex mo? (*-*)

Mukhang matatagalan pa bago masagot ang mga tanong. I-enjoy muna natin ang pagsubok sa kung san pwedeng ilagay ang mga pirasong hawak natin at magbakasakaling darating pa ang ibang piraso.

At heto lang ang masasabi ko sa pinsan ng boss mo, ganun kalalala? Iniisp ko pa lang, naaamoy ko na. Haha.

At heto pa, mind over matter. =p

[Reply]

Leave a Comment