Nay, contacts
Sana nababasa mo din itong blog ko diyan sa Dubai.
Mag-blog ka na din, nay! Ayus na ayus pangtanggal ng kahit kaunting stress na nararamdaman mo diyan.
Kapag may extra ka namang pera, padalhan mo ako ng pampagawa ng bagong contact lens. Halos magtatalong taon na ksi tong gamit ko. Madalas nang mag-dry kapag tumatawid ako sa kalsada o kaya bumababa ng hagdan papuntang subway. Pag may extra kang pera, padalhan mo naman ako ng kaunti para mas malinaw kong makita ang aking mga dinadaanan.
Yaan mo, kapag ako yumaman dito, sabay tayong magpapa-laser ng mata. Meron dito, lasik technology ang tawag nila. Kaso ang mahal, nay! 2500 US Dollars! Isang mata pa lang yun. Nakanangtetengnamanoh! Ang mahal!
Pasensiya tayo sumpa natin ito. Kung bakit ba kasi pinanganak tayong may malabong mata.
Mula pagkabata pasan na ng ating mga ilong ang mabibigat na frames ng salamin na may makakapal na lente. Buti na lang naimbento ang contact lenses at nakakapagpanggap tayong malinaw ang ating mga mata.
Salamat sa contact lenses at mas tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili. Mas nakita ko ang mga bagay na noonay hindi ko agad nakikita sa kabila ng makakapal na lente ng salamin. Salamat sa contact lenses, mas nagkaroon ako ng paraan para mas makilala ko pa ang sarili ko.
Bagama’t nagsasalamin pa din ako paminsan-minsan, nasanay na ang mga mata ko sa contacts, nay. Ikaw ba? Alam ko sinusuot mo pa din yung makapal mong salamin. Nakakatawa. Sa aspetong ito, di ko maikakailang mag-ina nga tayo.
Basta nay, kapag may extra ka diyan, poadalhan mo ako. Medyo lumalabo na kasi ang tingin ko sa mga bagay bagay eh. Teka, ikaw, ayus pa ba yung contact lenses mo?
Sana nakikita mo pa yung daan mo pauwi.

8 comments
Awwwww. I love it. Steeg metaphor. At nakakalungkot siya. *hug*
[Reply]
samjuan reply on July 31st, 2008 4:35 pm:
Salamat s apagbasa kabayang sanyata.
Salamat din sa digital yakap.
=)
[Reply]
sam
wag maging malabo ang mata ok? kaya mo pa yan.
ang contacts, pwedeng mabago ang sitwasyon pero ang paningin sa mga bagay bagay ay medyo mahirap baguhin sa kinalaunan.
tiis pa ng onti… kakayanin yan.
=)
[Reply]
Astig na post. Naka-relate ako ng kaunti dun ah.
[Reply]
samjuan reply on August 6th, 2008 7:16 pm:
Salamats kabayan!
=)
[Reply]
ngayon ko lang to nabasa ah.
haaaay.
[Reply]
ngayon ko lang to nabasa ah.
haaaay…
kwidaw kung malabo ang mga mata,
what is essential is invisible to the eyes, wika nga.
kaya yan.
[Reply]
t0uching.. mis mu na c nay noh?
aq ‘toh, c squidman. hehe
[Reply]
Leave a Comment